"I don't like you, but I love you." ***** . Napakurap ako na parang hindi makahinga. Nakanganga si Sir Moreno at naghihintay siya sa isasagot ko. "Sir, I- I ca. . . " "Ops, that's an order from, Madame. Eh, kung ako lang masusunod ay ang table ko ang ililipat ko sa loob," taas ng kilay niya. "Pero kasi si Madam na ang may sabi. Wala ka ng magagawa, Candy," ngiting-ngiti niya. Bakla talaga! Hindi ko na 'ata mabilang kung ilang beses na akong napangiwi sa araw na 'to! "Okay, go upstairs, and I'll be there soon." Sa pagtalikod niya ay humakbang na din ako. . Ang amoy pa tuloy ng vanilla scented candle ang bumati sa akin pagkapasok ko ng silid. I hate to admit it, but I don't like vanilla scent. Pero isa kasi ito sa mga amoy na gustong-gusto niya kaya ito ang binili ko. Binaba