Chapter 3

1185 Words
Mayamaya pa'y pumunta na sila sa may kusina at doon nakita ang candle-lighted dinner since walang ilaw sa oras na iyon. Hinanda ni manang Pasing ang mga nilutong ulam na calamares, vegetable salad at isang smoked meat na tawag sa bisaya ay 'tinap-anan'. Maagap na pinaupo ni Mad si Lyka sa upuan at naupo rin ito sa harap niya. "Thanks for these," sabi pa ni Lyka. "Don't mention it, it's my pleasure to have you tonight." Sabi pa ni Mad na pinagsandok pa siya ng kanin at salad. "Do you eat meat? Or just vegetables?" tanong ni Mad kay Lyka na noo'y agad ding umiling. "I eat anything, hindi ako pihikan, paborito ko nga ang tuyo at sardinas, 'yong may maraming kamatis." Simpleng sabi ni Lyka na rason upang mas lumawak ang ngiti ni Mad. "May nasabi ba akong nakakatawa?" puna ni Lyka kay Mad na noo'y nakapangalumbaba habang tinititigan siya. Nakangiti lang ito habang panay salita siya. "Nothing, you're just..very genuine, you're very natural," sabi pa ni Mad kay Lyka. Napainom ng tubig si Lyka nang wala sa oras. Pero laking gulat pa niya nang may iniabot si Mad na isang table napkin at mismong nagpahid sa gilid ng kaniyang labi.  Oh my god! Nakakahiya ka Lyka! Sambit niya na alanganing ngingiti o isasarado lang ba ang bibig. "I like your mole, nakaka-akit tingnan." Sabi pa ni Mad sa kaniya habang tanaw ang nunal sa kaniyang bandang labi. "Uhm, g-ganoon ba?" wala sa huwisyong sambit niya na rason upang umayos si Mad. "I'm sorry, sorry for making you uncomfortable again," sabay tuwid ng pag-upo, at itinuon ang paningin sa pagkain. Pumagitna sa kanila ang katahimikan, kaya tanging kubyertos lang ang naririnig nila. Mas naging asiwa si Lyka dahil sa panay nakaw-tingin ni Mad sa kaniya. "Sorry," paumanhin ulit ni Mad na ikina-iling lang ni Lyka. "Let's talked about your favorites, ano ba ang mga paborito mo?" tanong pa ni Lyka sabay subo ng vegetable salad. "Well, I'm into sports, mahilig ako sa movies, I hate carhonara, uhm..malaki ang agwat namin ng kapatid ko, I guess a decade, no it's fifteen." Pagtatama ni Mad. "Oh, you have a brother?" "No, my little sister. Actually, ang nag-iisang bratenelang kapatid ko," sabay tawa ni Mad habang umiiling. "Oh, I guess she's lucky to be your sister, ramdam kong napagmahal kang kapatid." Ngiti niya sa binata saka nag-angat ng baso. "Cheers?" sabi ni Lyka. Tumalima naman si Mad at tumugon sa marahang pag-cheers sa basong hawak ni Lyka. Isang basong may lamang tubig. Literally. "You're unbelievable," iiling-iling na sambit ni Mad kay Lyka habang natatawa, hindi makapaniwala si Mad sa pagiging confident ni Lyka sa presensya niya. She's very loveable and natural, hindi mahirap magustuhan at lalong hindi mahirap na mahalin. "Hmmm, bakit? I'm just being honest lang naman, pero anyway, here are the things I loved the most, I love arts, I collect stamps and I used to take pictures of sceneries, lalo na rito sa Samal. I love color blue, like the ocean. It's refreshing and very welcoming, gusto ko kasi payapa lang kagaya ng karagatan." Mahabang explanation niya na siyang pinakikinggan lang ni Mad. "I like you," tipid na sabi nito sa kabila ng kadilimang pumapagitna sa kanila. Nabigla si Lyka sa narinig at nanatiling tahimik hanggang nagka-ilaw na at saktong nasa harap nila ang isang kandila na nakasindi pa. "I guess I'll blow this once to make it come true," si Mad na nakatitig kay Lyka. "Like a wish?" tanong ni Lyka. Tumango lang si Mad at masuyong hinipan ang kandila sa harapan ni Lyka. Nakatitig lang ito sa mga mata ng dalaga. "I wish that, someday...someone will look at me like the way you stare, gusto ko na ako lang ang makikita ng taong mamahalin ko, and I wish somehow, in god's perfect time, makita ko ang taong iyon." Seryosong himig ni Mad kay Lyka. Napalunok nang wala sa oras ang dalaga at iniwas ang tingin. She couldn't stand the eyes of Mad. He's making her to fall in-love by that!  Aminin man ni Lyka, pero inuunahan siya ng takot at hiya, hindi pa siya handa sa mga posibleng mangyari. She's weak and too vulnerable to handle things as they were. "Lyka? Natahimik ka yata?" tanong ni Mad na nagpabalik sa diwa ng dalaga. Umiling siya at tumikhim. Inayos pa niya ang mga buhok na tumatabing sa kaniyang mukha at ngumiti. "Busog na ako," pag-iiba pa ni Lyka sa binata kaya maagap itong tumalima sa kinauupuan ni Lyka at sinamahan sa salas. Doo'y mas nakita ni Lyka ang mga adornong nakasabit sa wall. Mga litrato ito ni Mad at isang babaeng teenager, parang mas bata pa ito kaysa kay Lendon. "She's Madisson, my sister." Pagtuturo pa ni Mad sa larawan. Tumango-tango lang si Lyka. "She's beautiful," sabi pa ni Lyka na ikinangiti lang ni Mad. "She had my mom's face, while namana ko naman ang features ng papa ko, a British national." "Yes, I see, kaya ka 'tisoy', eh." Ani Lyka sabay hampas ng mahina sa braso ni Mad. Tintigan ni Mad iyon at lihim na nasiyahan, ramdam niyang komportable na si Lyka sa kaniya at mas nakakatuwang isipin na pareho sila na mapagmahal sa mga kapatid. "Magkakasundo sila ni Lendon," wika pa ni Lyka kay Mad na sinang-ayunan lang ni Mad ng tawa. "Baka mag-rumble kamo, ang hirap basahin niyang bunso ko eh." "Naku, pareho nga sila ni Lendon, tawa ni Lyka na napahawak sa matipunong braso ni Mad. Natigilan silang dalawa, at doo'y nagkatitigan. Hindi nila alam kung bakit tila nag-slow motion yata ang paligid nila. Ilang inches na lang ang distansya ng kanilang mga mukha upang maghalikan sila nang biglang may nagsalita. "Ser.. May ilaw na," wala sa timing na sambit ni manang Pasing na rason upang mahiya ang dalawang tila natuklaw ng ahas. "Uh, okey manang," kamot-ulong sambit ni Mad sa ginang. Nakahawak naman si Lyka sa sariling pisngi habang naka-kibit balikat dahil sa kahihiyan. Kamuntikan na silang makita na nagtutukaan ni manang! Goodness! Matapos ang dinner date nila Lyka, ay hinatid na siya ni Mad pabalik sa mansion nila. Sakay siya sa kotse at noo'y papalabas na nang biglang pinigilan siya ni Mad. "I'll open it for you," sabay labas sa driver's seat papunta sa passenger's seat. Inalalayan siya nito ba makababa at nagsalita muli. "Thank you," wika ni Mad sa baritonong boses nito. "No, thank you, Mad. Salamat sa gabing ito, hindi ko 'to malilimutan." Nakangiting sabi ni Lyka na rason upang mapangiti ang binata. "I gotta go, good night." Sabi pa ni Lyka na nahihiyang inabotan ng isang simpleng halik sa pisngi si Mad. Madali itong tumalikod at walang lingon na pumaloob sa pwerta ng pinto. Naiwan naman si Mad sa labas na tila nawalan ng diwa sa ginawang iyon ni Lyka. Naka-awang ag bibig nito sa pagkakabigla, marahang nahimas niya ang sariling pisngi at wala sa sariling napangiti. Bumuntunghininga pa ito saka pa naisuklay ang kamay sa grano ng kaniyang buhok. Palatandaan na masaya siya sa ginawa ni Lyka. "I didn't see it coming," ani niya saka pa binuhay ang makina ng sasakyan niya. ..Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD