Nasa kwarto na si Lyka sa oras na iyon at nakahiga na sa kaniyang malambot na kama. Ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, sa katunayan nga ay iniisip pa niya ang nangyari sa kanila ni Mad.
It was her first date with a guy, and of course ngayon lang din siya tinamaan ng pana ni kupido. Hindi niya maiwasang mapangiti sa oras na iyon habang yakap-yakap ang kaniyang unan.
Sa edad niyang iyon ay hindi pa siya nakakaranas ng gaya nito, ni pag-ha-hang out nga dati noong college pa siya ay hindi niya nasubukang gawin. Medyo strikto kasi ang pagpapalaki sa kanila ng kaniyang papa Alex. Gayundin ang kaniyang mama Lian na medyo hands-on sa kanila simula noon pa.
Bumuntong-hininga siya sa oras na iyon at pabaling-baling sa kaniyang hinihigaan.
"Oh, bakit ba ako nagkakaganito diyos ko?" usal pa niya sa sarili na noo'y napabalikwas at naupo sa kaniyang kama. Hindi siya dinadalaw ng antok, at kahit malalim na ang gabi ay tila dinaig pa niya ang uminom ng kapeng barako dahil hindi siya nakakaramdam ng pagod.
Muli pa siyang tumayo at nagtungo sa kaniyang study table. Doo'y may kinuha siyang bagay at nagsimulang magsulat.
She's a shy writer oftentimes, kahit pa noong college siya ay nakahiligan na niya ang magsulat but she's too shy to let everyone about it.
Sinulat pa niya roon ang mga katangian ni Mad.
"Magaganda at nangungusap na mga mata, matangos ang ilong, tisoy, may magandang ngiti at pantay na ngipin, maganda ang pagkaka-shave ng balbas at ang magandang arko ng kilay nito na nagsisilbing tumatawa sa bawat pag-angat niyon." She said as she slowly write those in a blank space of her paper.
Hindi niya inaakalang magkakaganito siya sa isang lalaki. Kakikilala pa lang niya rito ngunit halos isalalay na niya ang lahat dito.
She is in the middle of her imagination as she rest her back to that swivel chair. Isinuot pa niya ang kaniyang eyeglasses at naupo ng tuwid. Kung iyon man ang kauna-unahang pagkakataon na pumuri siya ng lalaki ay halatang naisagawa niya iyon nang mahusay.
That notebook was filled with all her infatuations, wonders, fantasies and what-ifs for Mad. Bahagya pa niya itong niyakap at hinalikan. Dinaig pa niya ang mga nag-uumpisa sa puppy love sa oras na iyon, ang nais lang naman kasi niya'y magkaroon siya ng isang katuwang sa kaniyang mga plano sa buhay. She is now conducting as the newest town mayor in that island of Samal, kaya nasa kaniya ang bigat ng kung anong obligasyon na mayroon siya.
Matapos niyon ay naisipan niyang lumabas muna sa kaniyang kwarto at pumunta sa ibaba. Nakasuot lamang siya ng roba at isang satin dress. Nakatali ang kaniyang buhok, habang nasa ulo naman niya ang isang eye shield cover sa pagtulog niya mayamaya. Dahan-dahan siyang pumunta sa may kusina ta doon humanap ng maiinom. Hindi siya nakainom ng gatas kanina, since pre-occcupied ag utak niya kay Mad.
Nagpunta pa siya sa refrigerator at humanap ng bottled milk.
"Maam, nganong gising ka pa?" (Bakit gising ka pa) narinig niya mula kay manang Tesya.
"Santimaan! nakakagulat ka naman po, manang! Dyos ko!" bulalas pa niya sa matanda na noo'y hindi naman talaga intensyon na gulatin siya.
"Ano po ba kasi ang hinahanap mo maam?"
"I need some milk, mayroon ba tayo?" tanong pa niya rito.
"Ay naku maam, mag-go-grocery pa tayo bukas maam, nahurot na kasi ang gatas maam uy," sabi pa ni manang Tesya na kinakati ang sariling ulo.
"Ah sige po, wala na po ba tayong iba?" balik pa niya.
"Ay maam, naa! May gatas po tayo sa likod, kaso ano kasi maam..."
"Ano?" curious na sambit ni Lyka.
"Kuwan maam ba, ikaw pa man gud ang magpagatas maam, kailangan pang pigain ba." Sabi pa nito na mas ikinalito ni Lyka.
"Ang ano ho manang?"
"Ang ibig kong sabihin maam ba, 'yong gatas ng kambing sa likod, maraming gatas 'yon kanina nga iyon ang ipinainom ko kay sir Lendon," ngisi pa nito na halatang nasisiyahan sa ibinalita.
"Pero, manang naman eh, gabi na..."
"Ay sus maam, no problem, ako na ang bahala maam, matakot man ang mga aswang sa akin sa labas maam uy," pagbibisaya pa ni manang Tesya na ikinatawa lang din ni Lyka.
"Sige nga po, kahit isang baso lang po sana."
"Sige ma'am kukuhaan kita."
"Kailangan n'yo po ba ng tulong?" tanong pa niya sa matanda.
"Naku maam, ayaw na maam uy, huwag na. Doon ka na po sa kwarto ninyo, kakatukin na lang po kita mamaya." Sabi pa ni manang na agad kumuha ng isang baso at pumunta na sa likod bahay.
Hindi naman madilim sa likod, mayroon naman kasi silang sabsaban na may ilaw din, kumukonekta iyon sa dirty kitchen at sa kanilang abuhan. Iyon ang sinaunang pamamaraan ng pagluluto mostly sa probinsya gaya rito sa Samal.
Naroon din sa likuran ang mga nakahilerang kahoy na pinagsibak ng kanilang mga tauhan kanina.
Ayon kasi ni manang Tesya, mas masarap ang kanin at ulam kapag sa kahoy niluto, kaysa sa gas ringe o ano pa man riyan.
Iyon din kasi ang nakasanayan nila sa lola Sering nila, at sa kanilang mama at papa.
Dahil sa pasya ni manang Tesya ay bumalik sa kwarto si Lyka at doon naghintay sa pagkatok ng matanda, gaya ng sinabi nito, maghihintay siya roon para maiakyat ang baso ng gatas.
Napagpasyahan niyang sumandal muna sa kaniyang bintana. Doo'y nakikita niya ang magandang bakuran, na kahit madili man ay nakikinita niya ang mga bulaklak na nasisinagan naman ng ilaw sa labas.
Marami silang mga bougainvilla at mga san fransisco. Minabuti niyang mag-isip-isip muna sa oras na iyon, kinabukasan ay isa na namang hamon ang kahaharapin niya bilang isang mayora.
Marami siyang inaasikasong proyekto sa lungsod. Katunayan nga ay may ribbon cutting sila sa isang botika roon, mas pinapalawig niya ang kapakanan ng mga taga-Samal patungkol sa edukasyon, kalusugan at ang improvement ng transportasyon doon, lalo na ngayon na naglipana na sa Samal amg iba't-ibang resort. Sa katunayan nga ay naging center of tourist na rin ito sa Davao.
Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pag-iisip sa oras na iyon nang marinig ang katok mula sa kaniyang pintuan.'
"Maam, andito na po ang gatas maam," ulit pa ni manang Tesya na noo'y naririnig niya sa labas.
"Opo, papunta na." Sabi pa ni Lyka na agad tumahak sa pintuan.
Nang mabuksan niya iyon ay nakita niyang nasa isang tray na yari sa kahoy ang isang basong halos mapuno ng gatas.
"Para sa imo, maam." Ngiti pa ng matanda sa kaniya.
"Naku, salamat manang!" ngiti niya saka kinuha ang baso ng gatas.
"Walang anuman, maam." Magiliw na saad ni manang Kay Lyka.
"May kailangan ka po maam?"
"Naku, wala na po."
"Sige po, babalik na po ako sa ibaba, maam ha?"
"Sige manang, maraming salamat kaayo!" ngiti pa ni Lyka na bumaling ulit sa hawak niyang baso.
"Ramdam niyang mainit-init pa iyon.
Kaya bago pa lumamig ay mabilis niya itong ininom at nasisiyahan sa lasa.
Naubos pa niya iyon at noo'y napangiti. Naisip kasi niya ang kaniyang mama Lian. Kung buhay lang sana ito, ganito rin sana ang mangyayari araw-araw.
"I miss you ma, i miss you pa," bulong pa niya sa hangin saka nagbalik sa sariling kama. Nilapag pa niya ang kaniyang baso sa kaniyang bedside table at doo'y dahan-dahang humiga at nagkumot.
Presko ang hangin na pumapalibot sa kaniya sa oras na iyon, prefer pa niya ang natural na hangin kaysa sa kaniyang AC. Mas presko kasi ang lamig at natural na amoy ng hangin kapag binubuksan ang bintana.
"Good night, Lyka." Anas pa niya sa sarili na noo'y yakap ang sariling unan.
...itutuloy