Chapter 2

1264 Words
Kinagabihan, alas syete na at heto nga't mayroong nagdo-doorbell sa pintuan nila. Agad namang tinungo iyon ng isa sa mga katiwala nila Lyka. "Good ebneng ser, unsay ato?" bernakular na pagbibisaya ni nanay Tesya. "Good evening, nariyan ba si Lyka? Pakisabi po, nandito na si Mad." Sabay ngiti ng binata na ikinangiti na rin ng magiliw na ginang. "Ay okey ser, teka lang ser ha, wet ka lang ser," ngiti nito saka pa patakbong tinungo ang kwarto ni Lyka na nasa ikalawang palapag. "Mam! Mam! Nandoon sa pintuan si ser Mad." Ani nito habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Lyka. Sa kabilang banda naman ay hindi mapakali si Lyka habang nakatitig sa salamin. Isang full-body mirror iyon na tanaw ang kaniyang kabuuan. Naririnig niyang tumatambol ang puso niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na papaunlakan niya ang isang lalaki na maka-date siya, este dinner lang pala!  H'wag assuming!  Ani niya sa isip niya. "Oh nay, papasukin mo, kadiyot lang gamay!" sabi pa niya sa kaniyang pinakamalakas na boses, pero parang mababa lang ito para kay nanay Tesya na medyo binge. "Unsa mam? Paulion nako?" (Papauwiin ko ba?) Ani nito. "Mag-antay kamo siya ba," riin niya sa boses niya para marinig ni nanay Tesya. "Ay, sige maam." Sabi nito saka pa nahimigang nawala na sa pintuan. Bumuntong-hininga siya nang makailang ulit na tila dinaig pa ang pakikipag-marathon. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang tanaw ang simpleng bestida na minana pa niya sa mommy Lian niya. Kulay puti iyon na may kahabaan. Naka-V neck iyon na pormang humuhulma sa bandang dibdib niya. Nakalugay lang ang buhok niya na pinaresan niya ng kulay pulang lipstick. Nagpolbo lang siya at isang necklace na may hugis bituin. Hindi man niya aminin, pero sa taga-ibang lugar, medyo dyahe ang pananamit niya, usually hindi iyon uso at medyo vintage ang style. "Bahala na," sabi pa niya bago kinuha ang sling bag sa may tokador niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at ginayak ang paa pababa sa hagdan. Marahan iyon na rason upang mapako ang paningin ni Mad sa kaniya. Nakatingala ito na gaya noong nasa simbahan na kontodo eye contact sa kaniya. Nasa paanan ito ng hagdan kaya nang isang apak pa niya pababa ay na-out of balance siya dahil nai-intimidate siyang tingnan ito. "Aw," sabay sandal sa binatang agad naman siyang inalalayan. "You fine?" Ani nito sa nag-aalalang boses. She don't know how to react, lalo pa't isang pulgada na lamang ang distansya ng kanilang mga mukha. Naaamoy pa ni Lyka ang mabangong perfume ni Mad na mabilis na nag-stored sa isip niya. Tila natandaan agad iyon na parang scanner sa isang supermarket. "Sorry," agap niya saka pa marahang nilayo ang sarili sa binata. Nakamasid lang sa kanila si nanay Tesya na walang imik na nakahawak lang sa mismong bibig. "Nay, aalis na kami. Pakisabi kay Lendon, ah." Sabi pa niya. "Okey mam, no problem. Mag-ingat po kayo," kaway naman ni nanay sa kanila. Nang makasakay na sila sa kotse ni Mad ay mas bumilis ang t***k ng puso ni Lyka nang marahang tinulungan siya ni Mad na maisuot ang seatbelt. "May I?" baritonong boses nito saka pa ngumiti sa kaniya. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango ng wala sa oras. Tahimik lang siya habang minamaniobra ang seatbelt sa gilid niya. Ramdam niya ang kuryenteng naglalakbay sa bawat himaymay ng katawan niya lalo pa kung magdidikit ang mga balat nila ni Mad. For Lyka, Mad is a typical guy na nagpapa-impress sa kaniya, pero iba ang style nito. He absolutely captivated her taste, at iyon ay ang mag-effort sa kaniya. Iyon ang gustong-gusto niya sa isang lalaki, ang handang gawin ang lahat. "Ready?" tanong pa ni Mad sa kaniya habang siya nama'y tila nawalan ng boses. Tumango lang siya sabay impit na ngumiti. She's acting nuts this time, parang hindi normal ang galaw niya kapag si Mad ang kasama niya, nawawala siya sa huwisyo. "Mad, can I ask you something?" wala sa isip na tanong ni Lyka habang nasa daan sila. Nakakabinge kasi ang katahimikan sa kanilang gitna kaya siya na lang ang naunang magsalita. "Bakit ka nandito sa Samal?" boses pagdadalawang isip ni Lyka. Ngumti si Mad bago pa sinipat ang gawi niya at ngumiti. "I just want to meet someone whose worth remembering for, madalas akong mag-travel, and I usually travel here in Samal, may rest house kami rito. And I'll show it to you, mayamaya." Mabilis na tumambol ang puso ni Lyka sa narinig. Oh my god! Biglang ginapangan siya ng kaba, hindi pa niya lubusang nakikilala si Mad at heto't papunta na umano sila sa rest house nila, naiisip niya ang mga bagay-bagay na madalas nasa drama sa TV.  Paaamohin, paiibigin, pagsasamantalahan at papatayin! "Oh my god!" litanya niya saka pa nakapa ang sariling dibdib sa bandang puso. "Okey ka lang ba?" "Mad, ahm, p-pwede bang huminto ka muna?" ani niya sabay pihit sa buckle ng seatbelt. Agad siyang bumaba at pumunta sa harapan ng sasakyan. Maagap ding bumaba si Mad at kinausap siya. "Okey ka lang ba? May nasabi ba akong masama?" walang ideya na tanong ng binata. Umiling siya saka hinawakan ang magkabilang pisngi. "I'm just scared," usal niya bago sumandal sa bumper ng sasakyan. "Why?" tanong ni Mad. Marahang hinaplos pa nito ang buhok niya na rason upang mapatingala siya sa mukha nito. "I'm afraid of that," sabi pa ni Lyka. "Woah, I'm...i..dont mean it." Taas-kamay na sambit nito saka pa napakamot sa sariling batok. "Look, Mad. I'm afraid all of this, wala pa akong karanasan sa mga bagay na 'to, it's my first dinner with a guy, my first date to someone I don't even know. Natatakot ako sa mga posibilidad na masaktan ako sa huli, baka.." hindi niya madugtungan ang sasabihin dahil nakangiti lang ito sa kaniya at maang na tinitingnan ang pares ng kaniyang mga mata. "You don't know how I'm tempted to your innocence, you're very vulnerable, Lyka. Iyon ang nagugustuhan ko sa'yo, you're having a pure heart." Baritono at seryosong himig nito sa kaniya. "You'll gonna know all of me, when you let me in inside to your heart, hindi kita minamadali, gusto ko lang makasama ka sa ngayon, habang nandito ako sa Samal." Marahang inayos pa nito ang mga buhok na tumatabon sa mukha niya. Masuyong hinawakan nito ang baba niya at pinatingala sa naaayon na distansya ng kanilang mukha. Hanggang sa marinig ang isang kulog mula sa kalangitan, naramdaman nilang lumalamig ang hangin, ang posibleng pagdating ng kinatatakutan nila, ang bugso ng ulan. "Let's get inside." Sabi pa ni Mad saka pinaandar ang sasakyan. Tinahak nila muli ang daan papunta sa resthouse nila Mad at doo'y saktong pagbaba nila ay ang biglang pagbuhos ng ulan. "Magandang gabi," bati ng katiwala ni Mad na si aleng Pasing. "Good evening po," halos sabay na bati nila Mad at Lyka nang biglang nawala ang kabuuan ng liwanag sa bagay. "God! Brown out!" sabi pa ni manang na nawala agad sa paningin nila. Nanatili naman si Lyka at Mad sa kanilang kinatatayuan habang tanaw ang liwanag ng buwan sa may veranda. "You know why I don't get sad though it's dark?" ani nito. "Bakit?" si Lyka. "Kasi you're here with me, you're the brightest star I ever met, Lyka." sabay turo sa kwintas niyang may pendant ng bituin. Kung hindi siguro madilim, nahalata na siguro ni Mad na namumula na siya sa kilig that time. She didn't saw it coming, nakaka-kilig magsalita ng isang 'to! Palatak ni Lyka sa isip niya sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. "Jesus Christ, you're very outspoken." Iyon ang tanging sambit niya sa binata. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD