Chapter 1
Nakatitig si Lyka sa lalaking hawak-hawak ang kanang kamay niya, nakatitig ito sa harapan habang taimtim na kumakanta ng praises songs. Nasa simbahan sila ni Lendon at heto nga't inaasam ang basbas ng panginoon para sa gagawin nilang kahibangan.
"Hallelujah.." bigkas pa ng lalaking may hawak ng kamay niya. Hindi niya maintindihan pero parang magneto ang kamay niya na ayaw bumitaw doon. Minsan pa'y nahagip nito ang mukha niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang magpasubali.
"H-hi," bati ni Lyka sa nahihiyang boses.
"Hello," boritonong boses nito saka pa lumuwang ang ngiti sa labi nito. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman, may halong saya at pag-aalinlangan ang loob niya, first time niyang makipagharutan sa loob pa naman ng simbahan!
Nakakahiya!
Matapos ang pagkanta ay agad na binawi ni Lyka ang kamay niya at pasimpleng sinenyasan si Lendon na maupo sa tabi niya. Nakatayo lang kasi ito sa gilid at nag-oobserba sa mga taong nakaupo, ewan ba niya pero ganoon kadalasan si Lendon sa simbahan, animo'y hindi pa maka-get over sa pagiging sakristan nito noon.
"Halika nga!" impit na tawag niya sa kapatid na nakamasid lang. Tumalima naman ito at naupo sa gilid niya.
"Tama ba 'tong ginagawa ko? Loko ka, parang ang sagwa naman yata ng naisip mo na dito ako maghanap ng taong para sa akin?" mahinang boses niya saka pa tiningnan ang paligid.
Mabuti naman at dumistansya siya nang konti sa lalaking iyon bago pa mapansin na siya ang tinutukoy nila.
"Nakakahiya!" impit na sambit ni Lyka sa kapatid.
"Trust me, ate. Ibibigay ni lord sa'yo ang bawat hilingin mo, kaya humiling ka ng lalaking para sa'yo," may kalakasang boses ni Lendon kaya sadyang agaw-pansin ang banda nila na pinapalibutan pa naman ng matatandang ginang.
"Susmaryusep!" nag-sign of the cross pa ang mga ito sa narinig. Napapikit na lamang si Lyka sa pagiging matabil ni Lendon at dinama ang pag-init ng pisngi niya. Ramdam niyang tila natosta siya sa sariling mantika, at ngayo'y hiyang-hiya dahil sa ginagawa nila.
"You'll never know, baka nga dito mo makita ang right guy para sa'yo," sabat naman ng lalaking iyon na ikinalingon nila Lendon at Lyka.
Dyoskong mahabagin! Nakakahiya! Sa loob ni Lyka. Parang nag-slow motion pa ang paligid nang sumentro ang paningin ng lalaki sa mata niya. Marahang iniabot nito ang sariling palad na tila nagpapakilala.
"Please to meet you, I'm Madigner, Mad for short." Ani nito na tila naghihintay na kunin ang kamay niya. Napaawang ang bibig ni Lyka at tila makinaryang kailangan pang susian sa pagiging makupad.
"Ate, oh. Naghihintay ang tao," agap naman ni Lendon na rason upang tugunin niya ito.
Kahit kailan talaga, pahamak talaga 'tong si Lendon! Bukambibig niya sa isip niya. Nang makalapat ang mga kamay nila ay tila nagliyab ang nararamdaman niya sa loob-loob niya, hindi niya mawari kung ano ito. Naiihi siya, nangangati ang braso niya at tila minamalat siya na rason upang hindi siya makapagsalita.
"What's your name?" untag ni Mad sa kaniya.
"Ah, uh. Ano, si kuwan, I am L-lyka." Mahina ngunit maagap na sambit niya sa kabila ng pamumula. Nakita niyang napangiti ito at parang nage-gets ang awkwardness sa pagitan nila. It's not proper to mingle in the middle of the gospel reading, siguro'y kanina pa nakikinig ang mga ginang na nakapalibot sa kanila. To the point na kapwa sila napalinga sa paligid.
Nakatitig ang mga ito at wari'y binabasa ang utak nila.
"God bless you po," halos sabay na sambit nila Lyka at Mad sa gawi ng mga ito. Napakamot naman si Lendon sa sariling ulo kahit hindi makati, alam niyang mali ang ideya niya, pero masaya na rin siya dahil mayroong nakilala ang ate Lyka niya sa loob ng simbahan. Maybe it's a sign!
Matapos magsimba ay sabay na lumabas ang tatlo sa simbahan, nakapagitna sa kanila si Lendon na dinaig pa ang aso kung maka-buntot kay Lyka.
"Thanks for the time, are you available for tonight? Can I invite you for a dinner?" tanong ni Mad na siyang ikinatulala lang ni Lyka. Naka-isang linya lang ang labi niya na tila hindi maproseso ang sinabi ni Mad.
"Ate, nakikinig ka ba?" tanong ni Lendon.
"Ah, ano? Ako?" wala sa isip na sabi ni Lyka saka pa tiningnan si Lendon na tila hindi alam ang isasagot. Tumango si Lendon na tila senyas na payag ito.
"Ah, oo, p-pwede, hindi ako busy." Alanganing ngiti niya na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Aside of her office and political job, wala sa linya niya ang pakikipagmabutihan sa mga lalaki, mahina siya roon. Kumbaga, bagsak siya sa ganoong mga bagay. Ligwak ganern!
"Okey, good, then let me have your number, para masundo kita sa inyo." Sabi pa ni Mad na kampanteng nakangiti lamang sa kaniya. Hindi gumagalaw ang mga mata nito na nakatitig lang sa kaniyang mukha.
God gracious! It's too much eye contact! Nakaka-lerkey!
Hindi niya maiwasang pagpawisan ng kamay, parang bumalik yata sa kaniya ang high school life, 'yong inaanyayahan ka ng crush mo for your first dance. Chaka talaga! Impit na sambit ni Lyka sa isip habang hindi mawari ang gagawin sa sandaling iyon.
"We gotta go, salamat," agap ni Lendon na hinatak siya. Mabuti nga't nandoon si Lendon baka matunaw na siya sa eye contact ni Mad.
Umibis sila sa sasakyang nakaparada at nang mag-start ang engine n'on ay saktong kinawayan sila ni Mad. Papalayo na sila pero tanaw pa rin ni Lyka ito na nakatayo sa pwestong kinatatayuan niya kanina.
"Oh my god, Lendon, what's the matter with him, I can't take his eye contact! Nakakaloka, tama ba talaga 'to?" aligagang sambit niya sa mababa ngunit nagpa-panic na boses.
"Don't worry, ate, you're getting there," nakangiting sambit ng kapatid niya.
"Baka kapag nalaman 'to nila mama at papa, baka kurutin ang singit ko, patay talaga ako, baka multuhin nila ako!" Pumikit pa siya saka tinakpan ang mukha na noo'y namumula.
"Don't worry, ate. Mom and dad will understand, ayaw naman nilang maging matandang dalaga ka 'di ba? Kung ba't kasi ayaw mong magpaligaw, marami ka namang suitors, right? How about kuya Bryan?"
"Please stop! Ano ka ba, kapatid lang ang turing ko kay Bry, okey?" sabi niya saka nilingon ang bintana. She's very sensitive about her love life, kaya nga siguro sa edad niyang twenty nine ay virgin pa rin siya. Hindi naman siya shy type o maarteng babae noong nagdadalaga siya, sadyang pihikan lang talaga siya sa mga lalaki at ayaw niyang magkaroon ng kasintahan habang inaatupag ang kurso niyang abogasya noon.
"Nandito na tayo," sabi pa ni Lendon na naunang bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Nakita nila ang maluwang na garden ng kanilang simpleng tahanan. Napapalibotan ito ng niyogan at mayroong bakanteng lote sa likod. Probinsyang-probinsya ang ambiance nito kahit pa bakas ang improvement ng mga daan at mga poste ng internet sa magkabilang banda. Naroroon pa rin ang taglay na likas-yaman ng Samal, ang preskong hangin.
"We're home." Ani Lyka na nakangiting tiningnan ang tahanan nila.
Kung may lugar man siyang pipiliin na mamuhay, iyon ang kinalakihan niyang lugar. Ang Samal.
...itutuloy.