Chapter 5

1315 Words
Kinabukasan ay maagang nagising si Lyka since nakasanayan na niya ito. Nabungaran niya sa salas si Lendon na noo'y abalang nag-eehersisyo sa kaniyang jumping rope. "Good morning ate," bati pa ng binata na noo'y basang-basa ng pawis. Walasng saplot ang pang-itaas nito gayundin ang suot nitong cycling na lantad ang umbok ng kaniyang harapan. "Good morning, dong. Ba't dito ka nag-eexercise? Hindi ba kayo mag-ja-jogging nina Mike?" tanong pa niya na marahang hinihimas ang sariling pisngi. "Nope, he will not be around for a week." "Ha? Bakit?" tanong niya sa kapatid. "Magbabakasyon siya sa pinsan niya, kasi ikakasal na raw ito sa susunod na buwan." Sabi pa ni Lendon na siyang hindi pa rin tumitigil sa pagtalon sa rope. "Ow, ganoon ba? O siya, sige, kumain na tayo." Pag-iiba pa ni Lyka sa kaniya. "Uhm mauna ka nang kumain, ate. Tatapusin ko lang 'to," sabi pa ni Lendon na naka-focus sa ginagawa. Gaya silang dalawa ni Lendon, health concious silang dalawa at usually, healthy foods ang nakasanayan nilang kainin. Kung hindi man seafoods, isda o chicken ay mga leafy vegetables lang iyon, madalang lang silang kumain ng karneng baboy, baka o tupa. Nang makapunta sa kusina si Lyka ay nakita niya si manang Tesya na naglalagay ng kaniyang lemon water sa kaniyang tumbler at ang kaniyang baon para mamayang lunch. "Good morning maam, gising ka na po pala." Ngiti ng matanda na agad siyang inasikaso. "Good morning manang, ano po ang ulam?" tanong pa niya na noo'y agad namang sumagot. "Law-oy, maam. Nilagyan ko ng mga hipon." Ngiti ng matanda na siyang ikinangiti rin niya. Iyon kasi ang gusto niya sa agahan, gusto niyang mayroong sabaw ang kinakain niya. Kilala sa kabisayaan ang law-oy, isa itong putahe na may mga halu-halong gulay na gaya ng kalabasa, talong, okra at mga dahong nagpapasarap sa sabaw. "Hmmm, ang bango naman niyan manang!" naaamoy pa ni Lyka ang mabangong amoy ng ulam. "Heto po, sige na po, at kumain na kayo." Sabi pa ng matanda na agad namang nagsandok sa mangkok ng sabaw. Nilagay pa nito iyon sa harapan ni Lyka. "Naku manang ang mabuti pa'y sabayan n'yo na ako rito." "Naku ma'am, mamaya na po ako uy, marami pa po akong ginagawa," nahihiyang sambit ng ginang. "Sus, mamaya na po iyon, huwag n'yo pong paghintayin ang grasya," ngiti pa ni Lyka. Ngumiti naman si manang at doo'y nagpaunlak na rin. Kumuha pa ito ng plato at mga kubyertos at noo'y umupo sa harapan ni Lyka. Gaya kanina'y pinagsandok ni Lyka ito sa mangkok ng sabaw at nilagay malapit dito. "Naku, salamat maam." Ngiti pa ni manang na noo'y nag-umpisang humigop ng sabaw. Nakangiti naman si Lyka sa oras na iyon at matamang sinipat ang wall clock sa kalapit na refrigerator. May isang oras pa siyang allowance para pumasok sa munisipyo. "Baka ma-late na po kayo, maam." Nag-aalalang sambit ni manang na dahan-dahang kumakain sa harapan niya. "Ayos lang po, mabilis naman ang takbo ng kotse mamaya," sabi pa ni Lyka na nagsandok pa ng kanin. Habang nasa hapag sila ay nagtanong si manang kay Lyka patungkol sa lalaking nagpunta sa kanila noong isang araw. "Maam, may itatanong lang po sana ako," nagdadalawang-isip na sambit ni manang Tesya sa dalaga. "Um, ano ho iyon?" "Ah ano kasi maam, kuwan, si...si sir Mad po ba ang boyfriend ninyo?" Sa tanong na iyon ay hindi naiwasan ni Lyka na mabilaokan. Hindi niya kasi inaasahan na iyon ang itatanong ng ginang. Madali naman siya nitong pinagkuha ng 'sang basong tubig at iniabot iyon sa kaniya. "Pasensya na po," paumanhin pa ng matanda. "Naku, it's fine manang, nabigla lang ho ako," sabi pa ni Lyka na noo'y iniinum ang basong may tubig. Hindi pa naman kasi opisyal na may something sa kanila ni Mad, ni hindi pa nga ito nanliligaw, at hindi rin naman niya ito sinasagot. "Ano po k-kasi...magkaibigan lang po kami." Tipid na sambit niya saka mabilis na humingi ng paumanhin. "Ah, sige ho, baka ma-late na ako, maliligo pa po ako," iwas pa niya na halatang ayaw pag-usapan ang patungkol doon. "Ah sige po," walang nagawa si manang kung hindi sundan na lamang ng tingin ang gawi niya, mabilis pa kasi sa alas kwatrong pumanhik siya sa ikalawang palapag. Doo'y mabilis siyang nagtungo sa banyo upang maligo at maghanda para sa kaniyang trabaho sa munisipyo. Nang makapasok sa banyo ay agad siyang nagbukas ng shower at nilagay ang roba sa isang sabitan. Nang maramdamang naging maligamgam na ang shower ay agad siyang nag-umpisang magsabon. Sa sandaling iyon ay nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pag-iisip patungkol sa sinabi ni manang. Kung magiging nobyo man niya si Mad ay ano kaya ang reaksyon ng lahat sa kaniya. Medyo pressure siya sa sitwasyon niya ngayon pa't halos ng nasa isla ay hinihintay ang kaniyang pag-aasawa. Marami nang nangliligaw sa kaniya na gaya niya'y nasa linya ng politika, but never in her dreams she think that she can love anyone who's likely in politics. Gaya ng sinabi ng mama Lian niya noon, hindi simple ang maging kabiyak ng isang politiko, lalo pa't kung dadalawa kayong magtatrabaho sa isang lungsod. Napasbuntong-hininga siya sa pinag-iisip. Kaya nga natanong agad niya kay Mad kung bakit siya narito sa Samal. Malay ba niya kung baka politiko ito o ano. Nang matapos sa ginagawa ay agad siyang nagsuot ng kaniyang roba at tinungo ang kaniyang tokador. Pumili siya ng kaniyang madalas na sinusuot, isang simpleng slacks na kulay cream at ang isang upper blouse na may pastel color na beige. May nilagay pa siyang pin sa kaniyang kaliwang dibdin, iyon ang pin na may imaheng watawat ng pilipinas, naglagay din siya ng kaniyang adornong kwintas na may design na perlas, at ang relong binigay pa sa kaniya ng kaniyang ama. Nagsuot din siya ng takong na 'sing-taas ng limang pulgada, hindi man aminin, pero medyo may pagka-petite siya, iyon kasi ang namana niya sa kaniyang mama Lian. Nagtungo pa siya sa salamin at naglagay ng kaniyang paboritong lipstick na kulay dark red. Mabilis din niyang nilagyan ng kolorete ang kaniyang kilay na perpektong naka-arko, hindi naman niya ito kinapalan dahil likas nang makapal ang kilay niya, sa mata naman niya'y naglagay siya ng nude eyeshadow at nilagyan ng pink sa gilid. At sa ayos niyang iyon ay natapos na siya. Bago pa siya makalabas sa kaniyang kwarto ay naglagay siya ng kaniyang paboritong bango na victoria secret na love spell at kinuha sa sabitan ang kaniyang sling bag na prada. Tagaktak ang tunog ng takong niya sa mga oras na iyon. Papunta na siya sa ibaba at kinuha sa isang sabitan sa may pintuan ang susi ng kaniyang kotse. "Manang, aalis na ako!" paalam pa niya kay manang Tesya. "O siya, sige maam, ingat ka po!" Nagtungo na siya sa bukana ng balkonahe at nakita si Lendon na abala sa pag-inom ng kaniyang energy juice. "Alis na ako," sabi pa niya sa pawisang kapatid. "Ingat ka ate." Ngiti naman ni Lendon. Agad siyang pumunta sa garahe at binuksan ang kaniyang kotse, ngunit hindi pa siya nakapasok ay narinig niya ulit si manang. "Ma'am! Ma'am naiwan n'yo ang balon n'yo maam, pati kining tubig oh!" pagbibisaya pa nito. "Ay tama! nakalimutan ko manang, salamat kaayo." Ngiti pa niya sa ginang na noo'y inabot ang kaniyang baon at tumbler. "Sige po, aalis na ako." Ani pa niya saka sumilid sa driver's seat. Nag-seatbelt pa siya bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Nag-sign of the cross pa siya bago inapakan ang pedal at noo'y hinawakan na ang manibela. Tuloy-tuloy siya sa daan palabas sa kanilang mansion at doo'y nagtungo na sa munisipyo. It will be another day for her, ang araw kung saan umiikot lamang sa pagseserbisyo sa kaniyang nasasakupan ang iniintindi niya. Bumuntong-hininga pa siya at pilit na ngumiti. Kung tatanungin n'yo kasi siya, it will be a silence of a yes and a deep thought of a no. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD