Nagising si Diane dahil sa mabining halik ni Ezekiel. "Hmmn. Wake up, Love. It's time to roam around. Maraming inaani ngayon sila Mang Berto. Let's go," anang paos na tinig ni Ezekiel na bumubulong sa kan'ya. Nakangiting iminulat niya ang mga mata. Nakangiting mukha ni Ezekiel ang nabungaran niya. Kaagad na iniyakap niya ang mga kamay sa batok nito at nginitian ito. Nakatitig ito sa kan'ya. Bigla nitong binasa ang sariling labi sa pamamagitan ng dila nito kaya bigla siyang natakam na halikan ito. Wala sa sariling iniangat niya ang mukha para pagpantayin saka idiniin ang labi sa labi ni Ezekiel. Siya lang ang kumikilos nang mga sandaling iyon. Hinahayaan lang siya nito. Naririnig niya ang panaka-nakang daing nito. Sinipsip niya kapagkuwan ang ibabang labi nito bago ito binitawan. Saka