"Check mo nga Love baka may mga nakalimutan pa akong dalhin!" sigaw ni Ezekiel mula sa banyo. Naliligo pa lang ito. Paano kasi nalasing na naman kaninang madaling araw dahil nagkayayaan na naman mag-inuman kasama si Axel at Dave. Until now, hindi lumalabas si Caleb sa lungga nito dahil sa pagkamatay ng asawa nito. "Okay!" malakas na sagot niya dito para marinig nito. Mabilis na tumalima siya at tiningnan ang gamit nito sa bag. Mukha kompleto naman ang mga gamit na inilabas nito kanina kaya inayos niya ang pagkakasara niyon. Tatlong araw lang naman sila sa farm ng mga ito sa Nueva Ecija. Inimbitahan kasi siya ng ina nito na mamasyal naman. Medyo matagal na din ang huling pagkikita nila ng ginang. Masaya siya. Kasi, mabilis na napalapit siya sa ina ni Ezekiel. Hindi ito kagaya ng