Chapter 1: Her Driver
Maaga siyang nagising at naghanda ng makakain para sa mga kapatid. Apat silang magkakapatid at siya naman ang panganay.
Ulilang lubos na sila. Siya, si Dianara San Jose, ang tumayong ama't ina sa magkakapatid. Napakahirap pagsabayin ang trabaho at ang pag-aral. Pero kinakaya niya. Naipagpasalamat niya kasi malalaki na ang mga kapatid. Hindi na alagain.
Anim na taon ang bunso nila. Iyon lang ang iniintindi at tinututukan niya sa lahat.
Tatlong taon na simula ng mamatay ang magulang nila. Namatay ang mga ito habang nangingisda sa dagat. Hindi nila alam na masama ang panahon, pumalaot pa ang mga ito.
Iyon ang pinakamasakit na araw niya, partida, birthday niya pa nang nangyari 'yon.
Kaya, hindi siya naghahanda talaga tuwing birthday dahil lagi niyang naalala, kung hindi ang mga magulang.
Napatingin siya sa cellphone ng tumunog ang ringtone. Bigay lang iyon ng pinsang si Kendra para daw may contact sa kanya. Isa itong secretary sa ngayon. Napakaswerte nito. Sabagay, nakapagtapos kasi ito. Samantalang, siya ay isang taon na lang sana para grumaduate. Tumigil siya sa kolehiyo dahil nag-aaral pa ang isang kapatid at highscool ang sumunod dito. Kaya napilitan siyang magtrabaho ngayon. Pero kahit gano'n, lagi silang naambunan ng grasya mula sa pinsan. Napakalaki na ng utang na loob niya dito.
Isa siyang chambermaid ngayon sa isang kilalang hotel dito sa isla nila. Pero parang hindi sapat ang sinasahod niya dahil ang laki ng gastusin ng dalawang kapatid. Kaya nga nagpapatulong siya sa pinsan na makahanap ng trabaho sa maynila.
Nagpadala ako, cous! See you!
Text iyon ng pinsan, kasunod ng reference number ng padala.
Birthday na nito sa sabado. Sagot nito ang pamasahe niya. Isang buwan ang usapan nila ng pinsan sa paghahanap niya ng trabaho. Kapag sinuwerte doon muna siya. Nasabihan na niya ang tiyahin sa father side niya, wala kasi itong anak kaya doon niya balak iwan ang mga kapatid.
Mabilis na nireplyan ang pinsan at nagpasalamat.
Naligo muna siya bago ginising ang mga kapatid. May pasok ang mga ito sa eskwela. Sadyang maaga siya naliligo kasi sinasabay niya ang dalawang kapatid sa pagpasok sa hotel. Naging full-time siya dito nang nakaraang taon lang. Sabay nilang nilalakbay ang napakalayong paaralan at pinakasentro ng Caramoan. Sanay na silang tatlo sa paglalakad. Marami din naman silang kasabayan sa paglalakbay kaya hindi ka rin matatakot na maglakad, kahit mag-isa ka lang. Isang barangay ang lalakbayin nila para marating ang Centro ng kalakalan ng Caramoan. Nasa Centro ang mga paaralan, pamilihan at mga hotel. Malayo, pero para sa kanila na mga sanay na, parang isang kanto lang ang layo noon.
Nakapagpaalam na din siya sa manager ng hotel at pinayagan naman agad siya nito. Kakilala niya din kasi ang nagmamanage doon. Hindi, manliligaw at kababata niya pala. Pero wala sa isip niya ang mga bagay 'yon sa kanya. Simula ng mamatay ang mga magulang, nagmature na siya. Tanging kapatid lang ang nasa isip niya.
Araw na ng alis niya. Huwebes iyon, halos mamaga ang mukha at mata niya sa kakaiyak. Parang ayaw niyang iwanan ang mga kapatid. Lalong lalo na ang bunso nila. Kung pwede nga lang, kaya pinangako na lang niya na kapag nakaipon ay magbakasyon doon lage.
Halos ayaw siya bitawan ni Daniel, ang bunso nila.
"Ate, huwag mo ako iwan. Hindi mo ba ako love?" iyak na tanong ng kapatid.
Doon siya napaiyak ng todo. Napakasakit iwanan talaga ng mga taong mahal mo. Kaya ramdam na ramdam niya ang kapatid.
Hinalikan niya ito sa noo habang umiiyak. Niyakap naman siya ng dalawang kapatid.
"Lagi akong tatawag sainyo, mag video call tayo kapag sabado at linggo, huh?" namamaos niyang sabi. Ang hirap naman pala ng ganitong sitwasyon.
Tumango naman ang mga kapatid si Dane at si Dana. Iniwan niya ang isang android phone niya na bigay ng pinsan at bumili ng de'keypad lang muna. May isang bakanteng cellphone din kasi si Kendra na pwede daw niyang magamit pagdating.
Hindi siya lumingon habang pasakay ng bus. Ayaw niyang makitang umiiyak ang mga ito.
Parang nadudurog ang puso niya ng lumingon sa mga kapatid. Ngayon lang sila magkakahiwalay ng malayo.
Saktong ala-dose ng madaling araw nakarating sa cubao ang sinasakyang bus. Napangiti siya ng matanaw ang pinsan na nakaupo sa waiting area.
Kumaway siya sa pinsan nang pababa na. Agad na lumapit ito at niyakap siya. Grabe, ang ganda ganda na nito. Lalong kuminis ang mga balat nito. Lagi itong busy sa trabaho kaya hanggang ngayon wala pang boyfriend.
"Namiss kita, cous!" sabi nito sa kanya.
"Miss din kitang bruha ka!" ganti niya.
Kinuha nito ang isang bag na hawak niya. Bali tatlong bag ang dala niya. Isang bagpack at dalawang shoulder bag na malaki. Akala mo ay magtatagal siya dito sa Maynila.
Lumapit sila sa isang magarang sasakyan. Nagulat siya ng bigla itong tumunog. Napatingin siya sa pinsan.
"Sayo 'to?" gulat na tanong niya.
"Oo, ganda diba? Regalo yan sa akin nila Tita Ann. Nahiya nga ako noong una," masayang sabi nito.
"Ang suwerte mo talaga, cous!" natutuwang sabi niya.
"Yeah,"
Binuksan nito ang pinto sa likod. Ipinasok muna nito ang dala-dala niya at iginiya siya papasok ng sasakyan.
Panay ang tingin niya sa pinsan. Marunong din itong magdrive. Kung susuriin mo ang ayos nito, para itong galing sa mayaman. Ang gaganda din ng mga gamit. Bagay na bagay din ang suot nito. Parang koreana kung pumorma ito. Napatingin siya sa suot niya. Lumang T-shirts at maong na pantalon lang. Gusto niya ring magsuot ng mga magagarang damit. Kaya sisikapin niyang makahanap agad ng trabaho dito.
Medyo natagalan ang biyahe nila, dahil sa traffic. Ganito ang napapanuod niya sa TV. Ngayon nararanasan na niya ang maipit sa traffic.
Mayamaya ay pumasok sila sa magarang gate, napatingin siya sa building. Napakataas iyon.
Pagdating sa parking lot ay bumaba na sila. Tinulungan ulit siya nitong magbitbit ng bag.
Pumasok sila sa elevator, alam niyang elevator yon. Nakikita niya iyon sa mga palabas. Nagulat siya ng umangat ito, napahawak siya hand drill na nasa gilid niya. Nasa 7th floor pala ang unit ng pinsan. Ito lang ang alam niyang niregalo ng mag-asawang Hernandez kay Kendra. Ibinalita nito sa kanya dati.
Sumapit ang kaarawan ng pinsan. Nahihiyang kinuha niya ang dala-dala nitong dress na binili pa daw nito sa mall. Sabagay wala naman kasi siyang mga damit na masusuot. Mayamaya ay nagpaalam ito na aalis.
Pagkaalis nito ay naligo na siya. Kasalukuyang pinapatuyo niya ang kaniyang buhok ng biglang may nagdoorbell. Agad na hinanap niya ang tsinelas na pangloob na bigay din ng pinsan niya. Halos lahat yata ng mga gamit niya ay hindi na niya magagamit dahil karamihan sa mga iyon ay luma na. Itinabi niya lang ang mga iyon dahil baka kakailanganin niya pa sa mga susunod na mga araw.
Wala pa ang pinsan niya, ang alam niya ay pumunta pa ito sa bahay ng mga Hernandez.
Pagbukas niya ng pinto ay isang nakapameywang na bakla ang nabungaran niya. Tinaasan siya nito ng kilay. Sinipat pa siya mula ulo hanggang paa.
“Ikaw siguro si Diane?” maarteng tanong nito.
Napatango siya sa tanong nito.
“I’m Sasha and Kendra called me for you,” anito.
Hinawakan nito ang doorknob at itinulak ang pinto. Saka lang niya napansing may daladala itong maliit na maleta. Sinarado niya derecerecho ang pintuan at ito naman ay naupo sa sofa saka inilabas ang mga laman ng bag nito. Makeup kit pala ito. Mukhang magaganda at mamahalin ang mga iyon.
“Sitdown.” Utos nito.
Nakatingin lang siya dito kaya bigla na lang itong pumalakpak.
“Come on, sitdown at aayusan kita. The driver will pick you up in thirty minutes minutes now,”
“P-po?”
Bigla siyang kinabahan. Sa sobrang gaganda ng mga gamit nito sigurado siyang mahal ito maningil hindi kagaya sa probinsiya 150 pesos pwede na. Napapitlag siya ng magsalita ulit ito.
“Narinig mo naman diba? Bilisan mo na,”
“P-pero wala po akong pambayad sayo,” mahinang sabi niya.
Napangiti naman ito sa sinabi niya.
“Paid na ito dai, okay? Kaya, please maupo ka na at ako ang papagalitan kapag hindi kapa nakaayos,” anito habang hawak hawak ang facial sponge na pink.
Dahil sa sinabi nito ay naupo siya sa harap nito. Sinipat nito ang kaniyang mukha.
“Hindi naman pala ako mahihirapang ayusan ka kasi ang ganda mo pala kapag malapit at natitigan. Makikinis din ang balat mo. Sana all na lang talaga,” papuri nito na ikinangiti niya.
Halos kinse minutos lang yata siya nito inayusan. Napakabilis ng kilos nito. Halatang sanay at professional din magtrabaho.
Basta panay lang ang puri nito sa kaniya. Oo, maganda at mestisahin kasi siya kaya kahit light makeup ay okay na. Natural din ang pagkapula ng mga labi niya. Oo, galing siyang probinsiya pero hindi naman siya pabaya sa sarili kaya alagang-alaga niya ang kaniyang kutis at namana niya ang kaniyang kulay sa ama. Sabihin din nating namana niya din ang magandang mukhang niya. Maganda din namang nanay niya. Morena, matangkad at makikinis din nag balat. Minsan na siyang sumali sa mga beauty contest sa eskuwelahan. Pero, gastos lang iyon kaya hindi na niya pinursigi ang pagsali sa mga contest.
Nang matapos ay pinakuha din nito sa kaniya ang gown na susuotin niya. Isa iyong off shoulder dress na medyo mahaba ang likod pero ang harapan naman ay overlap, na kitang kita naman ang mga legs niyang makinis. Teal green ang kulay nito na bumagay din sa kulay niya. May tali din ito sa beywang na pwedeng gawing belt, o laso. Mas pinili ni Sasaha na gawing laso ito.
Simple lang kung tutuusin pero nagiging elegante ito dahil sa ayos niya. Ngayon lang niya nakita ang sariling ayusan ng ganoon kaganda. O baka, magaling lang magaayos ang baklang ito.
Nang marinig nila ang tunog ng doorbell ay hinayaan niyang si Sasha ang nagbukas. Pumasok muna siya sa katabing kuwarto ng pinsan at kinuha ang handbag na bigay din ng pinsan. Kakulay din iyon ng suot niya. Isinuot niya din ang sandals na kapares din ng suot niya. Pinasok niya muna ang cellphone niya at maliit na wallet sa bag saka humakbang palabas.
Medyo napalakas yata ang pagkakasara niya sa pinto kaya napalingon sa kaniya ang dalawang naguusap.
Napanganga siya ng makita ang lalaking naghihintay sa kaniya. Akala niya ay driver lang ang magsusundo sa kaniya. Wala namang sinabi ang pinsan na isa palang kalahi ni adan ang magsusundo sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Hindi man ito nakatayo pero alam niyang napakakisig nito sa suot na tuxedo. May pagka badboy look ito. Nakatingin pa rin ito sa kaniya mayamaya ay nakakunot ang noo.
"Damn! Close your mouth! I am not that handsome!" parang naiinis na sabi nito at tumayo palabas.
"Make it quick! Mylabs is waiting for you," sabi pa nito.
Parang musika naman kung magsalita ito. Parang nasa alapaap siya ng mga oras na iyon. Napapitlag siya ng magsalita si Sasha.
"Ang pogi niya diba? Kaso babaero yan si sir Zek," parang kinikilig na sabi nito.
Napatango na lang siya sa sinabi nito.
Totoo naman. Oo, sanay siyang makakita ng guwapo. Maraming turista sa hotel na pinagtatrabahuhan niya dati. Pero ang lakas ng dating ng lalaking ito sa kaniya. Badboy look nga pero mas tamang sabihing masungit at isnabero.
Paglabas nila ng unit ng pinsan ay nakita niya ang lalaking guwapo na naglalakad sa hallway papuntang elevator.
Hindi rin gentleman. Hindi man lang sila hinintay. Sa napapanood niya naka abrisyete ang babae sa lalaki na magkasabay na naglalakad. Kabaliktaran ng sa kanila.
"Idol niyo ba ang pagong? Ang bagal!" naiinis na lumingon ito sa kanila.
Nagkatinginan lang sila.
"Pinaglihi ba iyon sa sungit?" mahinang tanong niya sa kasama.
"Hindi, napaka jolly niyan kung tutuusin. Baka may topak lang," nakangiting sabi nito na pabulong din.
Akala niya ay magpapatiuna na ito pero hinintay pa rin pala sila nito sa harap ng elevator. Nauna itong pumasok at hinawakan ang button ng elevator.
Hinintay sila nitong makapasok bago binitawan ang button. Pumuwesto si Sasha sa gilid. Kaya napapagitnaan siya ng dalawa.
Pigil ang hininga niya sa tuwing nagdidikit ang kanilang braso. Tahimik naman si Sasha habang nagpipindot ng cellphone. Hindi tuloy siya mapakali.
Nagpaalam na si Sasha pagdating sa parking lot. May dala din itong sasakyan. May raket pa daw siya kaya nagmamadali na itong sumakay ng sasakyan. Meaning sasakay siya sa kotse ng masungit na ito. Napakaseryoso naman kasi. Feeling niya lamay ang pupuntahan nila. Baka mapanisan naman siya ng laway.
Tama nga siya, malapit ng mapanis ang laway niya. Tahimik lang itong nagmamaneho. Ni hindi nga yata lumilingon sa kaniya.