"Are you sure she's going?" hindi makapaniwalang tanong ni Dave sa kan'ya. Napahawak pa ito sa inuupuan nito. May gumuhit na ngiti sa labi nito kapagkuwan. "Yes. She confirmed it a while ago," nakangiting sagot ni Diane kay Dave. At last, pumayag din ang pinsan niyang makipag-blind date. Hindi nito alam na si Dave ang lalaking magiging ka-date nito sa sabado. Excited na siya para sa dalawa. Almost 9 months na niyang nililigawan ang pinsan na pumayag. Patay na patay na kasi si Dave kay Kendra. Lagi itong pumapasok sa opisina niya para lamang kulitin siya. Yes, 9 months na simula ng ipakita niya ang litrato ng pinsan dito. Hindi niya akalaing magiging interesado ang binata sa pinsan niya. "Finally, makikilala ko na rin siya at makakasama in person!" masayang sambit ni Dave. "Ex