Chapter 5: Her cook

2161 Words
Limang minuto na ang nakalipas pero hindi pa bumabalik si Ezekiel sa table nila pati ang babae. Napapalakas na ang dutdot niya sa keypad ng telepono niya dahil sa paghihintay kay Ezekiel. Kung alam lang niya na ganito lang pala. Sana, 'di na siya sumama ngayon. Akala niya date, rebound lang pala siya. Naubos na niya ang isang basong tubig kaya nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Tumayo siya at tinungo ang daan papuntang banyo. Sinundan niya lang ang sign na nakasabit sa hallway. Nilinga niya muna ang mga mata para hanapin si Ezekiel pero wala ito doon, kaya dumerecho na siya sa ladies room. Napakunot-noo siya nang may makitang dalawang babaeng nakapila at halatang naiinis. Pumila siya sa likuran ng mga ito. "Naku miss baka mamaya pa tayo papasukin d'yan, mukhang may nag-aaway sa loob," anang babae na nasa harapan niya nang lumingon sa kanya. Mayamaya ay narinig niyang may umiiyak na babae sa loob. "Marry me, Athena. Hindi ako papayag na umalis ka. Gusto ko ng kasiguruhan. Magtanan tayo kung iniisip mo ang mga magulang ko. Kaligayahan natin ang nakataya dito, at kaya kitang buhayin alam mo yan. Hindi mo na kailangang umalis ng Pilipinas. Please? Athena, marry me, please?" narinig niyang pagsusumamo ng lalaki. Pamilyar sa kaniya ang boses nito. Kung hindi siya nagkakamali, ang boss niya ito, si Ezekiel. Nakaramdam siya ng lungkot. "No, I won't. Wala pa akong ipagmamalaki sa magulang mo, Ezekiel. Sana maintindihan mo, please hintayin mo ako. Babalikan kita, Zek. Pangako…" Hindi na niya tinapos ang mga sasabihin ng babae dahil tumalikod na siya papalayo ng banyo. Parang dinurog naman ang puso niya sa narinig. Biglang umurong ang ihi niya. Mas mabuti ng nalaman niya agad ito kesa umasa pa siya. Isa lang siyang asumera. Binigyan niya pa naman ng malisya ang pagyaya ni Ezekiel sa kanya. Parang ginamit lang siya ng binata para makita ang babaeng iyon. Gusto niyang maawa kay Ezekiel sa mga narinig. Sigurado siyang mahal na mahal nito ang babaeng iyon. Pero, ayaw ng mga magulang ni Ezekiel sa babae. Bakit kaya? Mukhang parehas naman silang galing sa mayamang pamilya. Naupo na lang siya at pinagpatuloy ang pagkalikot sa cellphone. Nakakalungkot pero kailangan niyang maglibang. Mayamaya ay dumating na ang order nila. Nagpasalamat muna siya sa waiter at ibinalik ang tingin sa cellphone. Napaangat siya ng tingin nang marinig ang padaskol na upo ni Ezekiel sa upuan. Sinulyapan niya ulit ito. Halatang galing ito sa pag-iyak. Medyo namumula ang mga mata nito. Hindi na niya tinanong ito kung bakit dahil alam naman na niya. "Let's eat," seryosong sabi nitong tumingin sa kanya. Nginitian niya ito pero hindi ito tumugon. Ibinaling na lang niya ang tingin sa pagkain. Narinig niyang nagsalita ang babae sa kabilang mesa. Niyaya na nito ang kasama na umuwi. Tiningnan niya ang kaharap na nakatingin sa bandang likuran niya. Mayamaya ay nakita niya ang paglabas ng dalawa na sinundan pa ng tingin ng binata. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon lang niya ata ito nakitang ganon. Mukhang nawalan ito ng gana dahil konti lang ang bawas sa pagkain na nito kaya nagyaya na siyang bumalik sa bar. Sumang-ayon naman ito. Wala silang imikan ni Ezekiel habang nasa loob ng sasakyan nito. Malapit lang naman ang restaurant kaya mabilis din naman agad silang nakarating. Hindi na niya hinihintay na ipagbukas siya nito dahil nakatulala na ito ng huminto sila sa harap ng bar. Hindi nga niya alam kung narinig pa nito ang pagpasalamat niya. Nagulat naman si Dave pagkakita sa kanya. Marahil nagtaka ito dahil ang bilis lang nila. "Whoah, ano hindi niyo nginuya ang pagkain?" anitong natatawa ng nakalapit na siya. Napangiti siya sa sinabi nito. "Malapit lang naman kasi dito kaya mabilis talaga. Tsaka, mukhang may lakad si Sir Ezekiel," palusot niya. "Ah, okay." Mukhang nakumbinsi naman niya ito kaya nagpaalam na siya, na aakyat muna sa opisina. Pasalampak na umupo siya sa upuan niya. Napangiti siya ng mapakla. Akala pa naman niya mag-e-enjoy siya ngayong gabi. "Poor Diane," bulong niya. Agad na binuksan niya ang computer at ipinagpatuloy na lang ang mga ginagawa kanina. Nang mga sumunod na araw, hindi na niya nakita ang boss. Naiintindihan niya ito. Mukhang hindi pumayag ang babae sa alok nito na kasal. Tumatawag lang ito minsan, nangungumusta sa trabaho. Si Dave na lang ang lagi niyang kausap kapag may mga tanong siya. Magdadalawang buwan na din pero wala siyang nakikitang Ezekiel na pumupunta sa bar. Natanong niya din sa pinsan kung pumapasok ito sa HGC ang sabi naman ng pinsan niya hindi rin daw. Tinanong niya din si Dave pero ang sabi, ni hayaan daw muna baka may pinagdadaanan. Nag-aalala din naman siya kahit papaano. Day-off niya ngayon. Pagkatapos niyang magpadala ng pera sa mga kapatid ay namasyal siya sa luneta ng mag-isa. Wala din naman siyang kasama sa condo ng pinsan dahil sa Valenzuela na ito umuuwi dahil bagong panganak ang ate nito. Masyadong excited sa bata kaya mas gusto ng pinsan doon. Halos dalawang oras din siyang tumambay sa luneta saka naisipang umuwi. Mag-aalas singko na siya nakabalik sa condo. Naglinis muna siya ng katawan bago naisipang magluto ng makakain. Hindi na niya naisipang mag bra, mag-isa lang naman siya. Isang manipis na sando at shorts ang isinuot niya. Papunta na siya ng kusina nang makarinig ng doorbell. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya nagtaka siya kung sino ito. Tinungo niya ang pinto at hindi na niya inabalang sipatin ang maliit na butas kung sino ito. Tumambad sa kaniya ang lalaking dalawang buwan ng 'di nakikita. Halos hindi niya ito makilala dahil sa buhok nitong humaba na, at nagsitubuan na din ang mga balbas nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Nakaramdam siya ng tuwa. "Hi!" gulat na bati niya dito. Tinitigan lang siya nito at sinuyod ang kabuuhan niya. Napako ang tingin nito sa dibdib niya, tumitig ito doon at nakita niya ang pag-galaw ng adams apple nito. Saka lang niya napagtantong manipis pala ang suot niya na sando. Bakat na bakat ang nagtatayuang bulubundukin doon. Bigla siyang pinamulahan ng mukha nang mapagtantong wala nga pala siyang suot na bra. "f**k!" narinig niyang wika nito. Nakakahiya! Tinakpan niya ang dibdib gamit ang mga kamay. Mabilis pa sa kabayong tumalikod siya at iniwan ang binata sa labas saka dali-daling pumasok ng kuwarto. Humahangos na sumandal siya sa pintuan ng kuwarto nang isara niya ito sabay sapo ng dibdib. Bakit kasi 'di niya tiningnan man lang ang hole kung sino ang nag-doorbell? Kung alam niya lang sana ito ang panauhin, eh, 'di sana nakapagbihis siya! Mabilis nagbihis siya kapagkuwan. May suot na siyang bra at malaking shirts naman. Nagmukhang dress ang damit dahil malaki iyon. Halos panlalaki na T-Shirts kasi ang binili niya na pambahay, ginaya niya lang din ang pinsan. Sinipat niya ang sarili sa salamin. Magulo din ang buhok niya kaya pinusod niya ito. Pagkatapos ay lumabas na siya. Paglabas niya prenteng nakaupo na si Ezekiel sa sofa. Tumingin muna ito sa kanya saka sumimsim ng alak. Hindi niya napansin kung may dalang alak ito kanina. Feel at home naman ito. Ganon ba ito ka close talaga sa pinsan niya? "Hilig niyong hindi nag-susuot ng bra kapag nasa bahay, noh? Ba't nauso pa ang bra kung ganon?" seryosong tanong nito. "I'm sorry. Masarap lang kasi sa pakiramdam kapag walang suot." Parang mali yata na sinabi niya dahil imbes na alak ang sunod-sunod na lunukin nito ay laway yata ang nilulunok nito. "I-I mean, para maiwasan magkasakit ng cancer. Mahirap na," bawi niya. "Okay," anito. "Si Kendra ba pinunta mo? Nasa Valenzuela siya, eh. Bigay ko na lang ang address niya kung gusto -" "No, ikaw talaga ang sadya ko. I just want to say, sorry," mahinang sabi nito at muling nagsalin ng whiskey sa glass nito. "Sorry? Para saan?" naguguluhan niyang tanong dito. "About the dinner last time. Pasens'ya na kasi mukhang hindi mo na-enjoy ang pagkain." Napangiti siya bigla. Hindi niya akalaing maalala pa nito, eh dalawang buwan na ang nakakaraan. Wala na namang kaso sa kanya iyon. "Oh, dahil lang dun kaya ka pumunta dito?" "Sort of," anitong tumitig sa kanya. "Ano ka ba kalimutan mo na yon, let's move on. Hindi naman big deal iyon. Anyway, gusto mo bang kumain dito? Magluluto pa lang kasi ako ng hapunan ko sana," pag-iiba niya. Bigla naman lumiwanag ang mukha nito. "Can I? Di pa ako kumakain ng matino, eh," seryoso nitong sabi. "Oo naman, kaya nga kita niyaya, eh," aniyang nakangiti. Ngumiti ito ng matamis kaya natigilan siya bigla. Gusto niya ang pag-ngiti nito na parang walang problema. Mas gusto niyang nakikita itong gano'n. Lumiwanag na din ang mukha nito. Nakaramdam na naman siya ng pagkabog ng dibdib. Inaamin niyang attracted siya binata noong una pa lang. Ngiti pa lang nito, iba na ang epekto sa kanya. Napatigil siya sa pag-iisip ng magsalita ito. "Hey, akala ko ba magluluto ka?" anitong nakangiti pa rin. Hindi niya napansing tumayo ito at nasa harap na pala niya. Ang lapit na pala ng mukha nito sa kanya. Mayamaya ay umayos ito ng tayo at inikot nito ang kamay magkabilaan sa kanyang ulo. Napasinghap siya ng isandal nito ang ulo niya sa dibdib nito. "Ezekiel…" pigil hiningang sabi niya. Napapikit siya. Nalanghap niya ang mabangong amoy nito. Amoy alak din, pero lamang ang masculine scent nito. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa ginawa nito. "Wait, may hihiramin lang ako," anang baritonong boses nito at hinawakan ang buhok niya sa likod na nakapusod. Mas lalong kinabig nito ang ulo niya sa dibdib nito kaya lalo siyang napasinghap. Hindi niya namalayang nahulog na ang mga hibla ng buhok niya. "Got it," anitong nakangiti at iwinagayway ang panali niya sa buhok sa mismong mukha niya. Napatigil ito ng mapansing titig na titig siya sa ginawa nito. "Hey, hiniram ko lang ang hair tie mo. Galit ka ba?" sabi nitong lumayo sa kanya at itinali ang mahabang buhok nito habang nakatingin sa kanya. "H-hindi. Okay lang. Dapat sinabi mo para kinuhanan kita sa kwarto ng panali," sabi na lang niya at tinalikuran ito papunta ng kusina. Sinapo niya ang dibdib niyang naghuhurumentado pa rin. Pinilig niya ang ulo at huminga ng malalim. Pagdating sa kusina ay kinuha niya ang rice cooker at nagsalok ng bigas. Nagsaing siya na kakasya sa kanila ni Ezekiel. Nagulat siya pagbaling ng makita si Ezekiel na nakasandal sa lababo. "Nakakagulat ka naman," sabi niya at tumabi dito para hugasan ang bigas. Naramdaman niya ang pagtama ng balat niya sa balat nito kaya hindi siya mapakali. Binilisan niyang maghugas ng bigas para makaiwas dito. Nagulat na naman siya sa pangalawang pagkakataon dahil nakaharang na ito sa daraanan niya. "Bakit ka ba pakalat-kalat? Sa sala ka na lang maghintay," aniya at itinulak ito patagilid ng marahan para makadaan siya. "I'll help you in preparing our food," sabi nitong nakangiti. "Doon ka na nga lang sa sala. Ako ng bahala sa pagkain natin," sabi niya at hindi ito tinapunan ng tingin. Sumunod na naman ito sa harap ng ref at naki-usyuso din sa loob kung anong laman. Nilingon niya ito. Muntik ng magtama ang kanilang mga labi, kaya bigla siyang umiwas. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito, amoy alak pa rin pero mabango pa rin talaga. Bakit kaya ganoon? tanong niya sa sarili. "Hmmn, andami mong mga stocks, ah, " sabi nito na nakatingin pa rin sa loob ng ref. Binuksan nito ang freezer. Titingnan pa lang sana niya kung ano ang lulutuin pero dahil nakikigulo ang binata sa kanya, hinayaan na lang niya itong kumuha ng mga gagamitin. Kumuha ang binata ng manok at muling binuksan ang ibaba para kumuha ng carrots, kamatis, bell pepper at fresh milk. Napataas siya ng kilay. Mukhang may alam ito sa pagluluto. "May pineapple chunks ka dito?" baling nito sa kaniya. Itinuro niya ang cabinet na nasa pinakadulong itaas. Doon kasi nakalagay ang mga de lata. Mabilis namang tumalima ito, papunta doon at tumingkayad para silipin ang cabinet. Inilabas nito ang hinahanap. Sinundan niya lang ito ng tingin. Na-a-amazed siya sa ginagawa nito. Pero nagulat siya ng maghubad ito ng pang-itaas na damit. "Ezekiel, bakit ka naghuhubad?" sabi niya na hindi makatingin ng maayos dito. Bigla siyang pinamulahan ng mukha. Ano ba ang naiisip nito at naghubad pa ng damit. Hindi siya nito sinagot bagkos ay tumingin lang ito sa kanya na tumatawa. Kinuha nito ang apron na nakasabit at isinuot. Lumapit ito sa kanya. "Let's start!" anito at pinisil ang mamumula niyang pisngi. Napahawak siya sa dibdib ng umalis na ito sa harap niya. Huminga siya ng tatlong beses saka sumunod dito. Pinilit niyang hindi mapalingon dito sa tuwing kinakausap nito. Proud na proud talaga itong ibalandra ang matitigas nitong dibdib, na apron lang ang suot. Kahit anong iwas niya hindi niya pa ring maiwasang mapatingin sa mamasel nitong dibdib. Ang hot nito tingnan sa tuwing gumagalaw ang dibdib nito habang naghihiwa ng mga gulay. Sunod-sunod na lumunok siya ng laway sa tanawing nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD