Unang araw niya ngayon sa trabaho. Maaga siyang nag-ayos at naghanda ng sarili para sa pagpasok.
Nakapagluto na din siya para sa dinner ng pinsan. Hindi na sila makakapangabot ng pinsan. Kaya tinext na lang niya ito.
Casual dress lang ang suot niya at pinatungan ng coat. Kasama naman niya si Raquel kaya siguradong hindi naman siya mapapahiya sa mga customers.
Six in the evening pa naman ang call time niya. Pero maaga siyang umalis ng condo. Balak niyang mag taxi na lang dahil hindi niya pa kabisado ang daan, tska para derecho na rin sa bar.
Nakarating siya trenta minutos bago ang alas-sais. Halos magkasabay sila ni Raquel na dumating.
May dala itong pagkain para sa lahat kaya nakisalo na rin siya. Pero konti lang naman ang kinain niya dahil medyo busog pa siya.
Mayamaya ay nag-umpisa na rin sila ni Raquel. Sa opisina muna sila naglagi ni Raquel dahil konti pa lang naman ang mga tao, puro papeles muna ang hinarap nila.
Bandang alas-nuebe pagbaba nila ay medyo marami-rami na din ang mga nagpupunta. Parang ngayon pa lang nagsisimula ang gabi para sa mga party goers. Maingay na. Totoo nga ang sabi ng pinsan niya. Halos mayayaman ang mga nagpupunta. May mga modelo at artista pa nga. May mga anak din ng politiko.
Papunta sila ngayon ni Raquel sa bar counter. Dalawa ang nakatoka pala doon, yong isa hindi niya kilala. Isang matangkad na guwapong lalaki at ang isa naman ay si RJ na nakilala na niya kahapon.
Mayamaya ay binulungan siya ni Raquel. "One of the best friends ni sir Ezekiel at isa rin sa may-ari nito. Pero mas malaki pa rin shares ni Sir kesa sa mga kaibigan niya," anito.
Napa-Ah naman siya. Napatingin sa kanila ang lalaki. Ngumiti ito. Ang guwapo pala sa malapitan. Matamis na nginitian din niya ito.
"Hi, Dave! I want you to meet, Diane. Diane this is Dave." Malakas na pakilala ni Raquel para marinig din ng binata.
"Oh, siya iyong papalit sayo, right? Hi, Diane," anitong pasigaw para magkarinigan sila at sinuyod ang kabuuan niya. "Now I know why Ezekiel's hired you," dugtong nitong nakangiti at naglahad ng kamay.
Napakunot-noo siya pero binawi niya din agad. Hindi niya maintindihan bakit ganon ang sinabi ni Dave.
Speaking of Ezekiel, wala pa rin ito hanggang ngayon. Sabagay nasabi naman ni Raquel na sumasaglit lang daw ito sa bar kapag may pipirmahan. Busy daw ito kasama ang ama sa HGC. Nalungkot siya kanina nang sabihin ito ng kasama. Akala pa naman niya araw-araw itong makikita.
"Hello, Dave," aniya at tinanggap ang kamay nito na nakalahad sabay ngiti dito. Hindi din naman niya alam ang sasabihin kaya tinipiran niya ang sagot.
Nginitian na lang niya si RJ dahil nagkakilala naman na sila nito kahapon.
Naging abala sila ni Raquel sa pag-istima ng mga customers. Kulang kasi ang tao nila ngayon dahil may dalawang absent. Nagpaalam siya sa isang staff din doon na sa second maglagi dahil nakita niyang walang masyadong nag-aassist doon. Hindi niya alam kung narinig siya ni Raquel kanina nung nagpaalam siya dito dahil may kausap itong kakilala.
Pag-akyat ay iginala niya ang kaniyang tingin sa mga nakasarang pinto. May apat na table din na puro ukupado. Kung hindi siya nagkakamali mga business man ang mga ito base sa mga suot ng mga ito. Mukhang nagkakayayaan lang kasi sa labas sila pumuwesto ay hindi sa magagarang silid.
Naglakad-lakad siya para at tumigil sa pinakadulong silid. Doon niya balak unahin. Nais lang niyang kumustahin ang mga customers kung may kailangan pa ba o wala. Akmang bubuksan niya ang huling pinto nang may biglang may humatak sa kanya. Bumunggo siya sa matigas na dibdib.
Pag angat niya ng tingin ay ang madilim na mukha ni Ezekiel ang bumungad sa kanya. Magkasalubong ang mga nakakaakit nitong mga mata at kilay.
"S-sir!" gulat na sabi niya.
"Damn! You should knock first before entering any VIP rooms. At bakit ikaw ang nasa second floor nga pala? Alam mo ba kung anong nangyayari sa floor na 'to? Specially jan sa pintuang hinawakan mo?"
"P-po?"
"Tsk," sabi lang nito pagkuway hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsiklop iyon sabay hila nito paakyat ng 3rd floor.
Naguguluhang tiningnan niya ito mula sa likod. Nagpatianod lang siya sa paghila nito sa kanya.
Napatingin siya sa kamay niya na hawak hawak nito. Napakalambot ng mga kamay nito. Napangiti siya dahil mahigpit ang pagkakahawak nito animo'y bibitiw siya ano mang oras. Nakaramdam siya ng kabog sa dibdib habang nakatingin lang siya sa likod nito.
Pinagmasdan niya ito. Kahit nakatalikod hindi maikakailang napakagandang lalaki nito tingnan lalo na pag nakaharap. Dagdag pa ang masculine scent nito na nanunuot sa ilong niya. Mukhang bagong paligo. He's wearing black leather jacket and pants. Gray shirts naman ang panloob nito na hakab sa matipuno nitong katawan.
Nagtaka siya ng daanan lang nila ang opisina niya. Siguradong sa opisina nito ang derecho nila. Tama nga ang hinala niya.
Binitiwan siya ni Ezekiel nang makapasok ng opisina nito. Nakapameywang ito nang lingunin siya na madilim pa rin ang mukha.
"Did Raquel told you na hindi ka puwede sa second floor? First and third lang ang pwede mong puntahan o kaya mag stay ka sa opisina na na lang kung wala kang magawa," sabi nito habang titig na titig sa kanya.
Bakit ano bang meron sa second floor at ayaw nitong nandoon siya?
"Eh, may absent sa mga tauhan mo kaya umakyat ako. Tska ano bang meron doon, Sir? Ano pa't ako ang papalit kay Raquel kung hindi ko sisilipin ang mga kuwarto doon? Ayoko namang sumuweldo nang nakaupo lang sa opisina, Sir," mahabang litanya niya.
Napapikit naman ito saglit. Halatang nainis yata sa sinabi niya.
"Gusto mong malaman?"
"Opo," magalang pero matigas niyang sagot dito.
Tumawa muna ito ng pagak at tinungo ang swivel chair at naupo doon. Derecho lang ang tingin sa kanya.
"Did you check the label of the door, Diane?" tanong nito kapagkuwan.
Oo nga pala nakalimutan niyang tingnan ang kulay na nasa gitna ng pintuan.
"Hindi," napayuko siya ng mapagtantong may mali pala siya. Iyon nga din pala ang inaaral niya bago matulog kagabi.
Color coded kasi ang pinto sa second floor. Tatlong klase ng kulay iyon. Kapag Red, may milagrong ginagawa sa loob iyon ang pagkakaintindi niya. Green kapag may nag iinuman lang at white naman kapag may meeting na nagaganap sa loob.
Sino ba kasi nakaisip niyon?
Sabagay kakulay ng logo nila kaya yun din ang ginamit siguro na kulay.
Natawa ito bigla sa sagot niya. "Oh, I see. Panigurado ako kung binuksan mo ang pintong iyon baka natuklaw ka na, hilig mong mang-istorbo, noh? Is that your hobby? Kung ako nakontrol ko pa, ewan ko lang sa mabungaran mo…" makahulugang turan nitong hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi nito. So red pala ang nakalagay? Bigla siyang pinamulahan ng marealize. Pano na lang pala kung binuksan niya iyon? Baka nakakita pa siya ng live jugjugan. Ba't di na lang kasi lagyan ng napakalaking 'We're busy' o kaya, don't disturb us'. Napailing nalang siya. Buti na lang dumating si Ezekiel.
"Thank you and sorry po," mahinang sabi niya at yumuko. Kahit labag sa kalooban niya kailangan niyang magpasalamat.
Unang araw niya palang pinaandar na niya ang katangahan niya.
Hindi ito sumagot pero tumayo ito at lumapit sa kanya. Pagkuway inilapit ang mukha nito sa tainga niya at bumulong.
"You owe me. What's my price, then?" anitong nakangiti na at paos na boses. Wala na ang bakas ng pagdilim ng mukha nito kanina.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito.
Price?
"P-po?" Hindi na naman niya maintindihan ang boss.
"Price. Kabayaran sa pagtulong ko sayo ngayon," ani ni Ezekiel at pinantay ang mukha sa kanya at sinipat pa nito ang mukha niya.
Alam naman niya ang ibig sana niyang iparating bakit may price? Bakit may bayad?
Hindi naman kailangan dahil iyon naman talaga ang dapat para maprotektahan ang mga empleyado kung sakali.
Wala siyang idea sa mga price na sinasabi nito. Isa lang ang pumapasok sa ulo niya kapag price. Cash.
"Naku, Sir wala po akong pera, kaya nga po ako nagtatrabaho dito para magkapera, diba?" turan niya at umatras dahil ang lapit na ng mukha nito sa kanya. Baka magkapalit pa sila ng mukha.
Natawa naman ito sa sinabi niya at humakbang papalapit sa kanya ulit. "I didn't say na pera ang kailangan ko. How about dinner with me tomorrow night?" anito.
Buti naman hindi pera. Dahil pag pera talaga ang igiit nito. Ibigay na lang niya ang dalang 200 pesos na nasa wallet ngayon at maglakad na lang siya pauwi.
"Sige po, pumapayag ako, Sir."
Lumiwanag ang mukha nito ng marinig ang sagot niya.
Alas-kuwatro siya nakauwi ng condo. Di na siya kumain dahil antok na antok na siya. Pagkatapos maglinis ng katawan ay nahiga na siya.
Ala-una na ng hapon siya nagising. Agad na naghanap siya ng p'wedeng isuot mamaya sa dinner nila ni Ezekiel. Basta ang sabi nito sa kanya bago siya umuwi ay sa bar din siya susunduin nito.
Isang stripe na lightblue combi with white na V-neck shirt casual dress ang isusuot niya. Paparesan na lang niya ng white na shoes at white din na handbag.
Nakaramdam siya ng excitement. Ito ang kauna-unahan niyang date. Hindi naman date talaga, kakain lang naman daw sila. Pero para sa kanya ay date ang mangyayari mamaya.
Hindi na niya sinabi ito sa pinsan baka ano pa ang isipin sa kanya.
Kagaya kahapon, maaga din siyang umalis ng condo. Pagkatapos niyang magluto ay naligo na siya para maghanda.
Quarter to six naman siya nakarating. Agad na dumerecho siya sa opisina niya. Nag-text pa naman si Raquel na hindi makakapasok dahil may lakad daw sila ng asawa nito. Ibinilin lang nito ang mga gagawin niya.
Hindi niya namalayang naka-isang oras na siya sa harap ng computer, inaayos niya pa kasi ang sales kagabi at sinend sa email ni Ezekiel. Inencode niya din ang mga dumating na stock ng alak. All around ang trabaho niya dito pero hindi naman mahirap. Malaki din magpasahod ang boss.
Napaangat siya ng tingin sa pinto nang may kumatok. Agad namang bumukas iyon nang marinig siyang nagsalita na bukas ang pinto.
Bumungad sa kanya si Owen ang isa sa mga tauhan nila.
"Ma'am hinihintay ka na po ni bossing sa kotse," sabi nito.
Bigla siyang napatingin sa relo niya. Alas-siete na pala.
Tinanguhan niya lang si Owen at kinuha ang bag na nakapatong sa gilid ng mesa niya. Mabilis na kumilos siya pababa at tinungo ang counter.
Ang aga yata ni Dave. Ang pagkakaalam niya, 9 ito pumapasok ng bar. Kaagad na nagpaalam siya dito.
"Enjoy the date!" sabi lang nito at matamis na ngumiti sa kanya. Nakakahawa kaya matamis na ngiti din ang iginawad niya.
Pagdating sa labas ay nagpaling-linga siya. Nakalimutan niyang itanong kay Owen kung anong gamit ng boss na sasakyan. Mayamaya ay nakarinig siya ng busina.
Isa iyong bagong labas na sports car na kulay yellow. Nakita niyang lumabas si Ezekiel sasakyan at kumaway pa sa kanya na nakangiti.
Ewan ba, parang nadala siya sa ngiti nito kaya nginitian din niya ito.
Nang makalapit na siya ay sinipat nito ang kabuuan niya.
"You look good tonight, Diane," komento nito na ikinangiti niya.
Ngayon, masasabi niyang parang date nga ito dahil ipinagbukas pa siya ng sasakyan nito. Kinilig din siya ng konti hindi niya napansing kanina pa pala siya naka smile.
"Mas lalong bumagay ang suot mo dahil sa pag-smile mo," anito bago pinaandar ang sasakyan.
Parang kinilig na naman siya. Di niya alam ang sasabihin kaya nagpasalamat naman siya. Parang nanibago siya sa pakikitungo nito sa kanya. Simula pa ito kahapon noong yayain siya nito.
Tumigil sila sa isang mamahaling restaurant. Malapit lang ito sa ZL Lounge. Kung hindi siya nagkakamali pampitong kanto lang ito.
Ipinagbukas na naman siya nito, this time naglahad ito ng isang kamay para alalayan siya pababa.
Hinawakan nito ang kamay niya at pinuwesto sa nakaawang na braso nito. Kumapit siya dito at sabay silang pumasok. Binati sila ng isang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ito ang manager. Narinig niyang may pinareserve ang binata para sa dinner na iyon.
Napansin niya ang pagtinginan ng mga tao sa kanila kaya nailang siya lalo na ang kaharap na table. Napakagandang babae, parang modelo ito. Guwapo din ang kasama nito. Palipat lipat ang tingin ng magandang babae sa kanila ni Ezekiel.
Tumingin siya kaya Ezekiel na nakatingin din sa gawi ng babae. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay nito na nakahawak sa kanya. Kung hindi lang nagsalita ang manager ay hindi nito aalisin ang tingin sa babae.
Parang nakaramdam siya ng selos. Base sa pagtinginan ng dalawa ay magkakilala ito.
Inalalayan siya ni Ezekiel na umupo. Nakatalikod siya sa puwesto ng babae samantalang ang binata ay nakaharap sa mga ito.
Hinayaan na lang niyang ang binata ang umorder dahil hindi naman siya pamilyar sa mga pagkain na hinahain dito.
Ngumiti lang ang binata nang tumingin ito sa kanya. Mayamaya ay tumingin ulit sa likod niya.
Akala pa naman niya date nila. Mukhang nagkamali yata siya.
Makalipas ang limang minuto ay tumayo ang binata. Nahagip ng mata niya ang pagpasok ng babaeng tinitingnan kanina ng binata sa hallway. Kung hindi siya nagkakamali ay sa CR ito pupunta. Alam niyang susundan ito ng binata. Hindi nga siya nagkamali dahil malapit na ito sa hallway papasok sa direksyon na pinasukan ng babae kanina.
Nakaramdam naman siya ng lungkot. Uminom na lang siya ng tubig at inilabas ang cellphone niya para malibang.