Chapter 6: Tease

2101 Words
"Hindi ko akalain na ang isang Ezekiel De Leon ay magaling magluto," puri niya ng tikman ang hinain nito. Pininyahang manok iyon. Bihira siyang makatikim noon kasi sa bicol puro ginataang gulay, o 'di kaya pritong isda. Maliban na lang kapag fiesta. Minsan lang din sila mag nilaga o adobong baboy. Kahit sa manok ganon din. Kapag may sobra sa sahod niya sa hotel saka lamang sila nakakakain ng masarap. Mga simpleng luto lang din ang alam niya. Dito lang yata siya sa condo ng pinsan natuto ng ibang putahe. Marami na itong alam. Lagi kasing nasa bahay ng mga Hernandez ang pinsan, tinutulungan nito si Mrs. Hernandez na maghanda ng pagkain. "Of course, ako pa ba!" anitong kumindat pa sa kanya. Parang kinilig naman siya bigla sa pagkindat nito. "Yabang. Baka pa-cham lang 'to," pabirong sabi niya. "Hey, hey! I'm a good cook, better ask, Mylabs," pagyayabang nito. Natawa siya ng mahina. "Sabi mo, eh!" sabi na lang niya. "Lagi ka bang pumupunta dito?" pagkuway tanong niya. Nacurious lang siya kung gaano ba ito ka-close sa pinsan. Sana ganon din sila ni Ezekiel. "Hmmm, Yes. Lalo kapag wala akong magawa ini-istorbo ko talaga dito si Mylabs, sarap kasi asarin no'n. Pero lately, hindi na eh kasi laging busy sa pagpapayaman ang pinsan mo, pwede namang i-shortcut kung gugustuhin niya. Inaalok na nga siya ni Tita Ann na pakasalan si Keith, ayaw pa niya, eh," anitong tumatawa. Nakatingin lang siya dito habang nagsasalita. Napangiti siya, hindi dahil sa kuwento nito, iyon ay dahil sa pag-ngiti nito ng matamis pagkatapos ng nangyari sa dito at sa nobya nito. Sana laging masaya ang binata, iyon lang naman ang hiling niya dito. Apektado kasi pati negosyo nito kapag nagmumukmok. Medyo madaldal pala si Ezekiel. Masarap siguro kakuwentuhan ng matagal ang binata. Nawala ang ilang niya sa binata pagkatapos ng araw na iyon. Siguro ay dahil napalitan ng awa. Hindi niya alam ang buong kwento pero base sa pagkakarinig niya, hindi siya pinili ng nobya nito, mas pinili nito ang mangibang bansa. "Dahil nandito ka, ikaw na lang iistorbohin ko kapag gusto ko. Pwede ba?" pagkuway seryosong tanong nito. Natigilan siya sa pagsubo ng ulam. Napatitig siya sa guwapong mukha nito. Seryoso? Gusto siya nito puntahan kapag gusto nito? "Bakit ako?" tanong niya dito. "Dahil gusto ko. Saka, wala si Mylabs lagi, kaya ikaw na lang talaga. Dalawa lang naman kayong nakatira dito diba?" Ayun. No choice pala ito, kaya siya na lang. P'wede na din. "Okay," sabi na lang niya at pinagpatuloy ang pagkain. "Friends?" biglang lahad nito ng kamay. "Sure," aniyang nakipagkamay. Choosy pa ba siya? Haler, si Ezekiel kaya 'to! Pero kung higit pa doon mas maganda. biglang singit ng isang tinig niya sa isipan. Pinisil nito ang kamay niya kaya napaangat siya ng kilay. Mabilis na binawi niya ito nang makaramdam ng kakaiba. Ngumiti naman ito ng matamis at inabutan siya ng tubig na parang wala lang. Pagkatapos nilang kumain ay nag presenta na siya na ang magliligpit ng pinagkainan kaya sa sala na ito tumambay. Panay naman tanong nito sa kanya ng kung ano-ano na parang sobra silang close habang nasa kusina siya. Kaya pasigaw siya ng sagot dito. Ang alam niya nanunuod ito ng TV. Pagkatapos niyang maghugas ay agad na tinungo ang sala para tingnan kung ano ang pinapanuod nito. Ang buong akala niya ay tutok na tutok ito sa TV, iyon pala ay tulog na ito. Kaya pala hindi na ito nagsalita pa. Napatingin siya sa alak, nakatakip na iyon. Yakap nito ang maliit na unan habang nakasandal sa sofa. Iniwan niya ito sandali at para pumasok ng kuwarto. Kumuha siya ng unan. Hindi niya alam kung paano aayusin ang posisyon ng binata. Nais niyang ipahiga ito para komportable kahit papaano. Napatitig siya sa guwapong mukha nito, maaliwas na ang pagmumukha nito kompara kanina, at parang ngayon lang ito nakatulog ng maayos. Natawa siya ng mahina ng marinig ang paghilik nito. Lumuhod siya sa harap nito. Hinawakan niya ng kaliwang kamay ang batok at dahan-dahang iginiya niya papunta sa nilapag niyang unan. Akmang tatanggalin niya ang kamay na nakahawak sa batok nito nang bigla itong bumaling paharap sa kanya. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito, nasa bandang dibdib niya. Kinabahan siya baka bigla itong magising. Kaya hinawakan ng kanan niyang kamay ang ulo nito para tanggalin sana ang kaliwang kamay niya nang bigla itong magmulat. Nagtama ang kanilang paningin. Nakaharap pa rin ito sa dibdib niya. Napatingin ito banda sa dibdib pagkuway lumunok. Mabilis na tinanggal niya ang mga kamay dito sa ulo nito. Akmang lalayo siya dito nang bigla siya nitong kinabig. "I'm sorry..." bulong nito bago siya mapusok na hinalikan. Naging malikot ang mga labi nito. Hindi niya alam kung paano ito tugunin kaya napapikit na lang siya. Nagdulot iyon ng kiliti sa buong katawan niya. Hindi siya pamilyar sa ganitong pakiramdam. Medyo nakikiliti siya sa umusbong na balbas nito. Hindi niya akalaing masarap humalik si Ezekiel. Para siyang naliliyo. Ayaw niyang matapos ang mga sandaling iyon. Pero, nakaramdam siya ng hiya. Marupok. Pumayag siya magpahalik sa boss. Ni hindi nga siya nagpumiglas. Nagmulat siya ng mata, nakapikit ang binata habang malayang gumagalaw sa loob niya. Napaungol siya ng sipsipin nito ang kanyang dila. Napakabilis ng t***k ng puso niya kasabay niyon ang pakiramdam na parang sinisilaban. Mayamaya ay nagtama ang kanilang mga mata ng magmulat ito pero mabilis na tinulak niya ito at tumayo. Tumalikod siya sa binata dahil sa kahihiyan. Napahilamos siya ng mukha. "First time?" narinig niyang sambit nito. Nilingon niya ito kaya nagtama muli ang kanilang mga mata. Nakadipa na ang mga braso nito habang nakapatong sa sofa. "Hindi," tanggi niya pero bigla naman itong natawa. Baka dahil sa sagot niya. "Really? Eh, bakit di ka tumutugon? Para kang tuod. Hindi ba ako masarap humalik para sayo?" anitong kinagat pa ang ibabang labi. Parang nag-aakit kaya umiwas siya ng tingin. "Eh, sa ayaw ko. Saka, parang ganon na nga hindi ka masarap humalik," pagsisinungaling na lang niya sa huli. "What? That's impossible, woman! F*ck! Ikaw pa lang ang nagsabi sakin niyan! Baka gusto mo pa ng isa kaya mo sinasabi sa akin iyan," sabi nitong ngumisi. "Don't provoke me, Diane," anito at tumayo kaya umatras siya bigla. "See, umaatras ka na agad." "Umuwi ka na nga, gabi na!" Pag-iiba niya lng usapan. "Ayaw," sabi nito at pasalampak na umupo ulit sa sofa at pinagpatuloy ang panunuod ng TV. "Bahala ka d' yan, matutulog na ako," sabi niya at nag madaling pumasok sa k'warto pero bago siya makapasok ay sumigaw ito. "Lock the door, please!" ani ng binata kaya Napakunot-noo siya. Bakit niya ila-lock? Sinunod naman niya ito kahit naguguluhan. Pabaling-baling siya sa higaan kakaisip sa nangyari kanina. Parang kinikilig siya. Sayang lang talaga dahil may mahal na itong iba. Hindi niya namalayan kung anong oras siya nakatulog. Nang mga sumunod na araw ay pumasok na ang binata sa trabaho nito sa HGC maging sa ZL Lounge. Bumalik ang sigla nito ayon sa pinsan, dahil araw-araw na naman daw siya nitong inaasar. Naging malapit din sila ni Ezekiel. Minsan napapagkamalan sila ng pinsan na may relasyon. Lagi na kasi itong tumatambay sa condo. Sana nga, eh. Pero hindi, eh. Kung kay Ezekiel normal na ang kinikilos nito kapag magkasama sila para sa kanya hindi. Lalong lumalalim ang pagkagusto niya sa binata. Ayaw niya mang bigyan ng malisya pero hindi niya maiwasan minsan. Sobrang close na kasi nila ng binata bilang kaibigan. They kiss and cuddle. Pero hanggang doon lang iyon. Walang silang label kasi alam naman niya sa sariling may ibang gusto ito. Hindi niya alam kung gawain ba iyon ng magkaibigan. Buti na lang dalagang pilipina siya, hindi siya bumibigay sa mga biro nito. Masasabi niyang, gentleman din ito. Ganoon ang naging set-up nila sa loob ng dalawang taon. Napakabilis ng panahon. Napatitig siya sa wallpaper ng kanyang cellphone, silang dalawa iyon ni Ezekiel. Kuha iyon noong nakaraang linggo sa Batanggas, sa private resort ng pamilya nito. "Matutunaw 'yan." Napapitlag siya ng biglang may nagsalita sa harap niya. Pag-angat niya ang g'wapong mukha ni Ezekiel ang nakita niya. Nakangiti ito kaya nginitian niya ng matamis. "Ready?" tanong nito. Napangiti siya at napatango sa tanong nito. A-attend sila ngayon ng reunion. Ayaw niya sana pero mapilit ito. Sa dinami-dami ng naging babae nito wala daw itong kadate? Pero laging na-chichismis na nakita sa kung saang hotel. "Yeah. Okay lang ba suot ko?" aniya at umikot pa sa harap nito. Isang simple pero eleganteng deep v-neck and kimono sleeves cocktail dress na nababalutan ng makikinang na bagay. Litaw na litaw ang cleavage niya. Hindi abot ng tuhod iyon kita ang halos kalahati ng hita niya. Nagulat siya nang bigla siyang hinapit ng binata at mahinang binulungan. "Always beautiful and hot," bulong nito kaya biglang nagpantig ang tainga niya kasunod no'n ang pakiramdam na pag-iinit ng buong katawan niya lalo na sa pagdiin nito ng katagang hot. "Thank you," sabi na lang niya at bumitaw sa binata. Medyo tumaas ang suot niya at bahagyang nakita ang mapuputing hita niya kaya napayuko siya para ayusin. Hindi niya napansing halos kita na ng kaharap niya ang mayayamang dibdib niya. May pads ang dress kaya hindi na kailangan ng bra. "F*ck, Diane! Don't you ever do that again!" narinig niyang sabi ng binata. Napatingin at napakunot-noo siya kaya tinanong niya ito. "Ang alin?" naguguluhang tanong niya. "Oh, s**t! Basta 'wag ka na lang yumuko!" nahihirapang sabi nito at nagpatiunang lumabas ng condo. Minsan hindi niya ito maintindihan. Basta na lang maiinis. "Hoy, Mr. De Leon! Ano bang problema mo?" aniyang lakad-takbo para habulin ang binata. Naabutan naman niya ito sa loob ng elevator. Silang dalawa lang ang sakay niyon. Humarap siya sa binata na nakapameywang. "Problema mo na naman?" tanong niya. Sinuyod nito ang kabuuhan niya at napalunok ng sunod-sunod. "Ikaw," mahinang sabi nito kaya nagulat siya. "Ano? Ako? Bakit ba?" sunod-sunod na tanong niya. "f**k, Diane! Ang slow mo kasing slow ng katawan mo!" anito at hinagod ulit ang kabuuan niya. "Teka. Teka. Kanina ka pa magmumura, ah. Alam ko slow ako minsan lalo na sa paglalakad. Ang haba kasi ng mga biyas mong lalaki ka!" naiinis na sabi niya. "Oh, diba, ang slow mo nga talaga!" sabi nito at dinuro ang noo niya. "Ya!" aniyang nag feeling koreana at lumapit pa sa binata. "'Sige, isang hakbang pa hahalikan na kita dito!" banta nito. Natakot naman siya bigla sa sinabi nito kaya umatras siya. Oo, nagki-kiss sila pero not in public. "Bakit mo ba kasi ako dinuro? At, bakit ka nagkakaganyan?" "I saw your f*cking… " turo nito sa dibdib niya. Natawa siya sa sinabi nito. "First time lang makakita? Gano'n? 'Diba hindi ka nababakante ng babae? Wala ba silang dibdib?" Naningkit naman ang mga mata nito. "Of course, meron! Iba ka kasi sa kanila, that's why." "Anong iba? Peke ba ang kanila at sa akin ay totoo? Hilig mo kasi sa mga retokada!" natatawang sabi niya dito. "Damn! Pinagtatawanan mo ba ako? Let's stop this conversation, please!" naasar na ang pagmumukha nito. "Hindi, ah! Pero kaya ka naasar kasi totoo, diba? Ibig sabihin may epekto sayo, ang akin?" nang-aasar pa na sabi niya. "Stop it, Diane habang nakakapag pigil pa ako! Baka makalimutan kong nandito tayo sa elevator!" madiing sabi nito. Natigilan siya sa sinabi nito. Gets na niya. Mukhang umiinit ang mundo nito kaya natawa na lang siya kapagkuwan. Dalawang taon ding bukambibig nito ang "habang nakakapag pigil pa". Sa kanya lang yata gentleman ang binata. O baka, dahil sa pinsan niya? Tumabi siya dito para asarin ulit at inilapit ang sarili sa dito kaya tiningnan na siya nito ng masama. "s**t! Isa pa talaga, Diane!" gigil na sabi nito. Nakakatuwa ang hitsura nito. Namumula na din ang mukha nito habang nakasandal na sa wall at nakapamulsa. Ngayon niya lang napansin ang suot nito. Hapit na hapit sa katawan nito ang white polo nito na naka unbutton pa ang dalawa kaya kita ang dibdib nitong mabalahibo. Kahit napatungan iyon ng coat bakas na bakas pa rin ang angking kakisigan nito. Bagay din sa binata ang pantalon nito at leather brown na sapatos. Napahagikhik na lang siya at pumuwesto sa pinaka-sulok ng elevator. Panay ngiti niya sa binata sa tuwing sumusulyap ito sa kanya. Kaagad din namang binabawi ang tingin at napapailing na lang din ito. Pahupain na lang muna niya ang pag-iinit nito. Masarap lang asarin talaga ang lokong ito. Hindi pa nasanay sa pang-aasar niya. Inalalayan siya nito makapasok ng sasakyan nito pagdating sa parking lot. Likas na gentleman talaga ito, pero walang bakas dahil sa pagka womanizer nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD