"You love my son, don't you?" Natigilan siya sa tanong ni Mrs. Keizia Venegracia, ang ina ni Ezekiel. Pagkatapos ng divorce ng ginang sa ama ni Ezekiel, nakapag-asawa ulit ito kaya hindi magka-apelyido ito at ang binata. Sadly, maagang kinuha ang ng langit ang asawa nito. Napatingin siya sa kamay na nilalaru-laro. Nanginginig din. Hindi niya alam kung sasabihin ba o hindi sa ginang na matagal na niyang mahal ang anak nito. Nagulat siya kaninang tanghali nang mapagbuksan ang ginang. Hindi na siya nakaiwas. Anak nito ang may-ari ng condo kaya nakakahiya kung hindi niya papasukin o kakausapin. Siya naman talaga ang sadya nito. "Hija." Hinigit nito ang kamay niya at pinisil iyon. "I won't judge you. I understand kung bakit ka pumayag sa kagustuhan ng anak ko. Hindi niya sinabi ang lah