"Dammit!" galit na sigaw ni Ezekiel sabay bato ng kopita sa pader. Basag na basag iyon dahil sa impact ng pagkakabato niya. Umaagos ang alak sa pader mula sa kopitang nabasag. Sabi na nga bang may alam si Diane kung sino ang kasama niya ngayon dito sa England. "F*ck! F*ck!" malulutong na mura niya. "Where are you, Love?" Napahilamos siya ng mukha. Hindi siya mapakali ng mga sandaling iyon. Inutusan niya ang kaibigan na puntahan ang condo niya. Confirmed, wala na ang mga gamit ng dalaga. Parang gusto niyang magsisi, kung bakit ito umalis din na walang paalam. Bago siya umalis halos ilang araw ng tulala ang dalaga. Ngumingiti ito kapag nariyan siya. Pero hindi nito alam na ilang beses na niyang nakikita ang malungkot nitong mukha. Tumawag pa siya noon sa Tita nito para kumustahin ang