Chapter 3: Training

2057 Words
"Ezekiel!" bulalas niya ng hilahin nito. Napahawak siya sa dibdib ng binata. Inangat niya ang kaniyang paningin at nagtama ang kanilang mga mata. Sunod-sunod ang lunok niya dahil naiilang siya sa paraan ng pagtitig sa kaniya. Mayamaya ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang nangyari kanina," pabulong na sabi nito sa kaniya na nagdulot ng kiliti sa kaniya. Pati ang mabangong hininga nito ay nalalanghap niya. Iniwas niya ang kaniyang tingin at pilit na ipiniksi ang isang kamay na hawak nito pero hindi nito binitawan bagkos pinaglapit nito ang kanilang katawan. Ramdam niya ang init na na nagmumula dito. Para bang sinisiliban. Pilit niyang nilalayo ang kaniyang katawan dito. "Sorry naman, bakit kasi bakit doon pa. Ang daming lugar. Tsaka pwede niyo namang ituloy yon kung gusto mo," mahinang sabi niya at hindi pa rin tumitingin sa binata. Tumawa ito ng pagak. "Akala mo ganon lang yon kadali. Iba kaming mga lalaki kung ikukumpara sainyo. Bakit hindi mo pa ba naranasan ang bitinin?" mahinang tanong nito at kita ng gilid ng mga mata niya na bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga labi. "H-ha?" napatitig siya sa binata dahil sinabi nito. Bakit akala ba niya may karanasan na siya? Basta ang alam niya lang, ayaw na ayaw nilang mabitin. Yon lang. Kinunot niya ang noo dahil sa isiping iyon. Nagipon siya ng lakas para makaalia sa pagkakahawak nito. "Bitawan mo nga ako!" Malakas na tinulak niya ang binata, laking pasalamat niya ng napabitiw naman ito. "Hindi naman kasalanan ang ginawa ko para gawin mong big issue yon. Bakit kasi doon kayo naglalampungan? Sino ba ang mag-aadjust ako ba? Yong nakakita ba? Kung ayaw mong mabitin pumasok kayo sa motel at doon kayo magsex hanggang sa magsawa kayo!" Hindi nakatiis na sabi niya dito. Natigilan naman ang binata sa sinabi niya. Mukhang napahiya din ito. Mabilis na tinungo niya ang elevator at pinindot iyon para sumara. Hanggang sa condo ay naiinis pa rin siya. Hindi naman siya nainis sa mga sinabi nito tungkol issue na 'bitin'. Nainis siya kasi ang akala siguro nito may karanasan na siya sa pakikipagtalik! Baka iniisip nito na pakawala siya. Nagpapadyak ang kaniyang paa sa inis. Hindi niya maintidihan ang sarili bakit nagkakaganon siya. Wala namang kaso kung isipin niya yon. Hindi kaya... Nagkakagusto na siya sa kaibigan ng pinsan? Eh, mukhang sa pinsan niya ito may gusto dahil sa paraan ng endearment nito kay Kendra. Bigla siyang nalungkot sa isiping yon. Matuling lumipas ang isang linggo, wala pa rin siyang mahanap na trabaho. Wala pa daw bakante sa pinagtatrabahuhan ng pinsan. Hindi siya gumagastos sa condo ng pinsan kaya nahihiya na siya. Kaya bukas na bukas din ay aalis siya para mag-apply. Kompleto na rin ang requirements niya. Kahit factory worker papatusin niya. Hanggang third year college lang siya kaya malamang baka hindi siya makakuha ng trabaho kahit office staff. Baka sa factory may pag-asa. Mahirap din makipagsabayan ang mga probinsyanang katulad niya sa manilenyang nag-aaply. Kasalukuyang naghahanda siya ng hapunan nilang dalawa ng dumating ang pinsan. Masayang ibinalita nito sa kaniya na may nahanap na daw itong trabaho para sa kaniya. "Talaga, Cous! Hulog ka talaga ng langit! Teka anong trabaho naman yon?" pagkuway tanong niya habang sumusubo. "Manager," mahina nitong sabi at tumingin sa kaniya ng seryoso. "Manager ng isang high-end na bar," dugtong pa nito na ikinagulat niya. "Ano? Hindi naman ako graduate ng pocpocology, Kendra!" natawa ito sa sinabi niya. "Ano ka ba, Cous! Mali iyang nasa isip mo. Tsaka Manager naman 'yon, nabasa ko na ang job description na nakalagay, Okay! Yes, bar iyon pero disco bar lang talaga. Pramis! Walang nagbebenta ng aliw doon. Mga mayayaman ang pumapasok doon para maglibang. Ang sinasabi mo siguro mga casa na nagbebenta ng aliw! Hindi iyon okay! Hindi ko gagawin yan sayo," mahabang litanya ng pinsan at iningusan siya. Magkaiba ba iyon? "Safe ba doon magtrabaho?" biglang tanong niya. "Oo naman, si Zyqe ang may-ari nun kaya safe na safe ka. Takot lang nun sakin kapag ibinenta ka niya!" palatak na sabi nito at inangat ang kamao nito na ikinatawa niya. Pero biglang nagningning ang kaniyang mga mata ng binanggit nito ang binata. Parang namimiss niya bigla. Pero nalungkot din siya dahil naalala niya ang sinabi niya sa binata nitong huli silang nag-usap. 'Di sila okay, pano ba yan! "Mukhang hindi naman yata ako matatanggap doon, Kendra," malungkot na saad niya. Sayang hindi niya magiging boss ang lalaking iyon. "Ano ka ba, Cous! Ano pa't naging magkaibigan kami kung hindi ka niya tatanggapin? Tsaka related naman yon sa kurso mo diba? Diba pinag-aralan niyo din ang bar tending? Anytime pwede ka ng magsimula. Paalis na kasi yong kasalukuyang manager, mag-aabroad yata parang ganon, ah basta," natuwa siya sa sinabing iyon ng pinsan. Nagfiesta ang mga kalamnan niya sa ibinalita nito sa kaniya. Sa wakas magkakatrabaho na siya. Mabibigay na niya ang lahat ng gusto ng mga kapatid. Hindi na rin siya mahihirapang pag-aralin ang mga ito. Iba rin talaga pag may kapit, tanggap agad. Kinabukasan maaga siyang nagising at nagsimba, para magpasalamat sa poong maykapal. Hindi niya kasama ang pinsan dahil may trabaho ito kahit linggo. Walang kapaguran at napakasipag talaga nito. Pagkatapos magsimba ay umuwi agad siya. Wala naman siyang alam na pasyalan dito. Tsaka nagtitipid siya dahil konti na lang ang perang naitabi niya. Nakakahiya na sa pinsan niya kung magiging pabigat pa siya. Nagbihis lang siya ng sando at shorts. Dahil walang nagawa ay naghanap lang siya ng pwedeng panoorin sa Viu. Pinapahiram sa kaniya ng pinsan ang laptop nito dahil alam nitong mahilig din siyang manuod ng Korean nobela. Hindi pa niya tapos panuorin ang Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo kaya agad tinap niya ang play button kung saan siya tumitigil. Dalang dala na siya sa eksena ng marinig ang tunog ng doorbell. Tumingin siya sa malaking orasan nila. Imposible namang maagang uuwi ang pinsan. Pero kung ang pinsan niya iyon, hindi na ito gagamit ng doorbell, malamang bahay niya ito. Tinungo niya ang pinto at nagulat siya ng tumambad sa kaniya ang guwapong si Ezekiel. Wait, siya ba ang dinadalaw nito? Hindi agad siya agad nakahuma dahil sa awra nito. Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang baba. Pasadong pasado sa standard niya. Mukhang fresh at ang bango pa. Parang gusto niyang mapapikit ng mga oras na iyon. Subalit nagulat siya ng makarinig ng pitik. Nakita niya ang mga daliri nito. Ah yon pala ang tumunog. "Ano, ganon ba talaga ako kaguwapo?" seryosong sabi nito at hinawi nito ang kamay niyang nakaharang at nilakihan ang awang ng pinto para makadaan. "Kulang na lang hubaran ako," mahina pero dinig niyang sabi nito. Ayan na naman siya. Nilingon niya muna ito bago isinara ang pinto. "Wala dito ang pinsan ko, kung siya ang sadya mo," aniyang sumeryoso. Hindi siya nito sinagot dahil prente itong umupo sa puwesto niya at may pinindot na keys sa laptop. Saka lang niya napagtantong naka pause ito kung saan akmang hahalikan ng bidang lalaki ang bidang babae. "What the f*ck!" rinig niyang sabi nito kaya halos liparin niya ang sofa para kunin ang laptop pero mabilis ding iniwas nito. "Akina na yan!" halos mamula siya sa hiya. "What the heck, Diane! I didn't know na gusto mo palang panuorin ang mga ganitong scene," nakangising sabi nito. Lumapit siya at humarap siya sa binata para abutin ang laptop pero biglang iniwas nito bigla kaya naman napasubsob siya dito at nabitawan ng binata ang laptop sa sofa. Natigilan silang pareho bigla. "Kanina gusto mo akong hubaran ngayon naman gusto mo akong gapangin. Hmmm sabihin mo lang... " may laman nitong sabi. Sa narinig mabilis na tumayo siya at kinuha ang laptop. Mahina naman itong tumawa. Napatingin siya dito kaya nagtama ang kanilang mga mata. "Ang dumi ng isip mo, baka gusto mo ng steel wool at zonrox! Akina at kuskusin ko yan! Linis agad yan panigurado," naiinis na sabi niya. Pinindot na lang niya ang shut down at ibinalik sa laptop bag ng pinsan. "Look who's talking? Ikaw nga itong nahuli ko!" Balik naman nito sa kaniya na nakangisi. Sarap kutusan! Dahil siguradong talo siya sa galing ng bunganga nito ay pinili na lang niyang manahimik. "Ano bang ginagawa mo dito, wala nga dito si Kendra," pagiiba niya. Kumunot-noo naman ito pagkuway tumitig sa kaniya. "Huwag mong sabihing hindi ka tinawagan ni Mylabs, na dadaanan kita dito para masimulan na ang training mo?" anitong nakatingin sa kaniya. Bigla niyang kinuha ang cellphone sa bag na bigay ng pinsan. Kanina pa siya hindi nagtitingin ng mga mensahe. Alam niyang nag-ring iyon. Hindi lang niya pinansin dahil busy siya sa kakanuod ng KDrama. 5 missed calls lang naman galing sa pinsan niya. Napatingin siya sa binata. "What?" si Ezekiel. Agad na tumalima siya papasok ng kuwarto. "Tsk." Iyun lang narinig niya sa magiging boss bago isara ang pinto. Mabilis na naligo siya at naghanap ng maisusuot. Halos nailabas na niya ang mga damit niya kasi hindi niya alam kung anong klaseng isusuot. Kaya tinawagan niya muna ang pinsan at nanghingi ng opinion. Mag dress na lang daw siya. Magaganda naman ang bigay ng pinsan niya pero parang nakakailang kung magdress siya. Training pa lang naman kaya mas pinili niyang mag-pants na bisque ang color at white na inner. Pinatungan niya ng coat para magmukha naman siyang koreana. Natawa siya ng makita ang sarili. Gusto niya rin ang mga taste ng pinsan kaya hinayaan niya ito ang mamili ng ipinamili siya noong nakaraan sa mall. Naglagay lang siya konting fresh powder, blush on at pampapula ng labi. Normal na sa kaniya ang mapupulang labi pero naglagay pa rin siya. Asset niya nga daw iyon sabi ng mga kakilala niya. Dahil baka mainis na ang guwapong lalaking naghihintay sa labas ay mabilis na kinuha niya ang shoulder bag niya at pinihit ang pinto para bumukas. Nabigla siya ng bumungad sa kaniya ang madilim na mukha binata, na nakataas ang kamay siguro ay kakatukin nito ang pinto. Naiinip na nga ito. "Tagal!" narinig niyang bulong nito at tinalikuran na siya. Ganito rin ito noong unang magkita sila dito. Talagang nasa dugo na nito ang biglang mainis. Hindi na ito umimik hanggang sa elevator. Moody. Panay ang sulyap nito sa kaniya ng makasakay na sila ng sasakyan nito. Tahimik na din ito ng mga sumunod na sandali. Tumigil sila sa isang mamahaling bar. Natanaw niya ang logo na nasa gitnang bahagi. ZL Lounge... Narito na pala sila. Sinipat niya ang relo. Mag-aalas dose na pala ng tanghali. Akmang bubuksan niya ang pinto ng bumukas iyon. Nagtama ang kanilang paningin. Pinagbukas talaga siya nito? Parang kinilig naman siya sa magiging boss. Wait. Pinagbukas lang pala dahil nauna na ito maglakad papasok. Gentledog talaga... Asa naman si girl! anang isip niya. Akala niya lang naman. Pagpasok niya ay nakita niyang kausap nito ang isang magandang babae na nakaupo sa counter. Luminga siya at tiningnan ang kabuuan. Maganda at halatang may class ang bar na ito. Maganda siguro lalo kapag sa gabi. Magaganda din ang mga mesa. Hindi ito isang pipitsuging bar lang. Napatingin siya kay Ezekiel ng tawagin siya nito. Lumapit siya sa dalawa. Bumaling ang tingin niya sa magandang babae. "Raquel, here!" Lahad nito ng kamay. Nginitian niya ito at nagpakilala din. "Ako nga pala si Diane." Ngumiti na rin siya. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. "Maganda ka," sabi nito at kinindatan si Ezekiel. Nagulat siya siya sa sinabi nito. Di hamak na mas maganda ito. Parang modelo nga eh. "Salamat," nahihiyang sabi niya. Tahimik lang nakikinig si Ezekiel sa kanila. Mayamaya ay naupo ito sa isang mesa at itinaas ang paa sa mesa habang abala sa pagkakalikot ng cellphone. Si Raquel pala ang papalitan niya. Nakapagasawa pala ito, at gusto ng asawa nito na mag-migrate sa ibang bansa. Mayamaya ay nagsimula na din sila. Tinour siya nito sa stockroom na punong puno ng alak. Madali naman niyang nakabisado ang mga alak. Di naman niya kelangang gagawin ang magmix ng mga iba-ibang klase ng alak na specialty nila. Kailangan lang daw talaga niyang alamin kasi may mga bagong customer sila na matanong. Pinakita din nito sa kaniya ang magiging opisina niya. Pati mga papeles na dapat na gawin. Nakakalito man sa una sigurado siyang makakabisado niya rin iyon ayon dito. Buti na lang may dala siyang maliit na notebook at tinakenote niya lahat-lahat. Bukas na siya magsisimula. Bale isang linggo siyang ite-train ni Raquel, iyon ang napagkasunduan nila ng boss. Apat na oras yata inabot ang training na iyon. May mga actual kasing pinagawa ito kaya naman natagalan lalo. Kaya hindi na siya nagtaka ng umalis na ang magiging boss niya. Basta, isa lang ang tumatak talaga sa kaniya sa lahat ng mga sinabi ni Raquel. "Very strict yan si Sir Ezekiel at professional pagdating sa trabaho. Tandaan mo lang ang Do's and Dont's niya," sabi ni Raquel. Oh, lang ang sinagot niya kanina dito. Paglabas ng bar ay agad na nagpara siya ng taxi at nagpahatid mismo sa condo ng pinsan. Para siyang lantang gulay ng makarating sa bahay. Alas-singko pa lang kaya dumerecho siya sa kuwarto niya at nahiga. Ang sabi niya magpapahinga lang siya hindi niya akalaing makatulog siya at nagising siya ng alas-otso. Mabilis na naghilamos siya at tinungo ang kusina. Buti na lang wala pa ang pinsan. Nagsaing siya at nagluto ng adobong manok na paborito nila. Alas nuebe na pero wala pa ang pinsan kaya nauna na lang siya kumain. Agad na hinugasan niya ang mga ginamit na pinggan at kutsara saka pumasok sa kuwarto. Hindi na rin niya namalayan ang pagdating ng pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD