Chapter 2: Tease

2074 Words
Ilang sandali pa ay narating na nila ang HGC building. Napatingin siya sa matayog na istraktura. Gano'n pala talaga kayaman ang boss ng pinsan. Bigla siyang nanliit sa sarili. May mga nakikita na siyang labas pasok sa building. Napatingin siya sa binatang masungit at guwapong driver ng magsalita ito. "Get out. Hintayin mo ako sa entrance kasi ipapark ko lang ang sasakyan," anito at itinuon lang ang atensyon sa harap. Hindi man lang ba siya ipagbubukas ng pinto? Bumuntong hininga na lang siya. Bigla niyang hinanap ang button ng seat belt at pinindot ito at nagmadaling lumabas na. Gentleman talaga! Hindi ba siya nagagandahan sa akin? mapakla siyang ngumiti. Mukhang hindi nga. Napailing na lang siya at naglakad palapit ng entrance. Nilibot niya ang kaniyang paningin. Ngumiti ang guwardiya ng tumingin ito sa kaniya. "Ma'am, mukhang 'di po kayo empleyado dito. May kasama po ba kayo?" tanong nito. "Opo, ah-h si ano… " Patay nakalimutan niya pangalan ni sungit! Zek? Zekiel? "Let's go," nagulat siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. Matamis na nginitian niya ang binata ng nilingon niya ito. "Siya po, siya ho, manong!" Baling niya sa guard at ngumiti. "Good evening po, Sir Ezekiel!" bati ng guwardiya ng makita ang binata. Tinanguan lang ito ng binata at nagpatiuna ng naglakad. Napailing na lang siya. Nginitian niya si manong guard bago pumasok at sumunod na lang. Pagpasok nila sa function hall ay agad na hinanap ng kanyang mata ang pinsan. Wala naman siyang ibang kakilala sa party na ito kung hindi ang pinsan niya. Lahat ng empleyado ay imbitado. May mangilan-ngilang ding mukhang mayayaman. Nakita niya ang pinsan na nakatayo na malapit sa stage at may kausap na guwapong lalaki. Papunta nga sila sa gawi nila. Ngunit bago pa man sila makalapit sa pinsan ay hinawakan ng binata ang kamay niya. Nagulat pa siya dahil parang may kuryente siyang naramdaman, siguro gano'n din ang binata kaya napatingin din ito sa kaniya saglit pagkuway naglakad na palapit sa pinsan. Nakatingin na lang siya sa likod nito habang naka-sunod. "Happy birthday, Mylabs!" narinig niyang sabi ng lalaking kasama at binitawan siya pagdating sa harap ng pinsan. "Thank you, Zyqe! Thank you din pala sa pagsundo kay Diane," tugon ng pinsan niya at bumaling sa kaniya. "Wow, lalo kang gumanda, Cous!" nakangiting saad nito. Tumingin lang sa kanya ang masungit na binata at umupo na sa bakanteng silya na malapit. "Mas maganda ka sa akin, Cous! Siya nga pala, maligayang kaarawan. Wala na akong mahihiling para sayo, nasayo na nga yata ang lahat," nakangiting sabi niya at tumingin sa katabi nito na nakangiti sa kanila. Nahulaan naman nito ang ibig niyang sabihin. "Ano ka ba, magkaibigan lang kami ni Keith, Cous!" tanggi naman nito at hinampas siya ng marahan sa braso. Pinakilala siya ng pinsan sa kasama nito. Bunsong anak pala ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan nito. Matamis na ngiti ang ginawad nito sa kaniya at inilahad ang kamay. Nahihiya man ay nakipagkamay siya dito pagkuway umupo na sila. Parang nakita na niya ito, hindi lang niya maalala kung saan. Mayamaya ay dumating ang mga kapatid ni Kendra na mga pinsan niya din kaya natuwa siya. Hindi na siya maiinip kung sakali. Narinig nilang nagsalita ang emcee. Ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang party. Nagsalita din ang pinsan sa stage at nagpasalamat. May mga palaro din kaya nalibang siya sa panunood. May tumugtog din na banda na kinabibilangan ni Keith. Kaya pala pamilyar ang mukha nito dahil miyembro pala ito ng isang sikat na banda na bansa. Napatingin siya sa waiter na umiikot sa bawat mesa na may dalang maiinom. May dala rin itong wine kaya natukso siyang tikman iyon. Humingi siya ulit siya ng maubos ang laman ng kopita. Dahan-dahan niyang tinungga ang tirang wine. Hindi niya napansing kanina pa pala nakatingin si Ezekiel sa kaniya. Bawal ba siyang humingi at uminom ng wine? Speaking of Ezekiel. Yes, natandaan na niya ang pangalan nito. Naalala niya ang kuwento ng pinsan kanina. Anak pala ito ng Vice President at ang pagkakaintindi niya hindi naman ito regular na nagtatrabaho sa kompanya. Pinagbibigyan lang nito ang ama. Ang binata ang nagmamay-ari ng ZL Lounge. Limang magkakaibigan ang mga ito kung tutuusin, pero si Ezekiel ang may pinakamalaking shares kaya ito rin ang nagma-manage niyon. Biglang iniwas naman nito ang tingin at ibinaling sa iba nang magtama ang kanilang mga mata. Guwapo sana kaso masungit, aniya sa sarili. Maagang nagpaalam ang mga kapatid ni Kendra kaya naman naiwan na naman siya mag-isa. Ay, hindi may kasama naman siya kaso hindi naman siya pinapansin ni Ezekiel. Abala din ito sa sa pakikipag-text o chat, hawak ang magandang cellphone nito. Mayamaya ay tumayo din ang binata. Hindi niya alam kung saan ito pumunta. Ni paalam o sulyap wala man lang, wala. Siya na lang talaga ang natira kaya naisipan niyang maglakad-lakad. Mukhang safe naman yatang maglakad sa labas ng building kaya naisipan niyang tumayo at tinungo ang pinasukan nila kanina. May mga bukas na establishment siyang kanina at base sa mga nakasulat doon ay bente-kuwatro oras itong nag-ooperate kaya sigurado siyang bukas pa rin ang mga iyon. 'Di pa man siya nakalabas ng function hall ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Nagpaling-linga muna siya. May mga labas pasok na sa hall pero hindi naman niya kilala. Nahihiya man pero tinanong niya ang isang babaeng nakasalubong kung nasaan ang banyo. Tinuro naman nito pagkuway tumango-tango siya sa sinabi nito, may nakita rin siyang sign kaya ipinagpasalamat niya. Pagkalabas niya ng banyo ay may nakita siyang exit na sign. Wala sa sariling tinungo niya ito na sa pag-aakalang konektado ito papuntang harapan ng building. Pagliko niya ay natakot pa siya dahil madilim na pala sa bandang iyon. May nakita siyang ilaw sa unahan kaya sinundan niya ang liwanag. Subalit, natutop niya ang bibig nang mabungaran ang dalawang tao, naghahalikan. Hubad na rin ang kalahating katawan ng babae. Mayamaya ay lumipat ang mukha ng lalaki sa dibdib ng babae kaya hindi niya makita ang mukha nito. Santisima! Pinikit pa niya ang mga mata pagkuway iminulat sa pag-aakalang namamalikmata siya. Hindi nga siya namamalikmata. Kaya napalunok siya. Narinig pa niyang umungol ang babae kaya napaatras siya ng kaunti. Hindi niya alam kung paano kumilos ng walang ingay. Grabe, hindi man lang pumunta sa private place para gawin iyon, kausap niya sa sarili na nailing. Dahil mukhang makakaistorbo siya naisipan niyang bumalik na lang. Kaya dahan-dahan siyang kumilos. Pero iikot na sana siya pabalik ng biglang nahulog ang cellphone niyang de-keypad na ikinalingon ng dalawa. Mabilis na pinulot ito pero napatigil siya pagtayo ng magtama ang mga mata ng lalaki. Saka lang niya napagsino ang lalaking kahalikan ng babae. Si Ezekiel! "f**k!" narinig niyang sabi ng lalaki sabay tulak sa babae. Parang napahiya siya kaya mabilis na tumalikod na siya. Hindi na niya nakita ang mukha ng babae dahil nagmadaling naglakad siya pabalik sa function hall. Nawalan siya ng gana na mamasyal sa labas. Pawis na pawis at hiningal siya pagdating doon kaya tinanong siya ng pinsan kung anong nangyari sa kanya. "Wala, Cous! Naligaw lang ako kakahanap ng banyo," aniya at matipid na nginitian ito sabay sapo ng noo. Pinunasan niya ang mga namumuong pawis niya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Sabagay hindi na siya nagtataka, iba na ang panahon ngayon. "Ganon ba, dapat nagpasama ka na lang sa akin," sabi naman nito. "Ayos lang, Cous, mabait naman yong huling napagtanungan ko," saad niya. Tumango naman ito. "Anong oras nga pala matatapos ang party mo, Cous!" tanong niya parang gusto na niyang magpahinga at matulog. "Hanggang 1am lang ito, bakit antok ka na ba? Gusto mo bang ipahatid kita sa company driver? Malapit lang naman dito ang-" "Ako na maghahatid sa pinsan mo, Mylabs!" putol ni Ezekiel sa sasabihin ng pinsan na ikinagulat niya. Napalingon siya sa binatang nagsalita. Kinabahan siya bigla. Siguradong namukhaan siya nito. Nakangisi ito. Bigla niyang ibinalik ang tingin sa pinsan. "N-no, ayoko pang umuwi, Cous! Hindi pa naman ako inaantok, sabay na lang tayo mamaya. P-please? " sabi niya sa pinsan ay hinawakan ang mga kamay nito at tiningnan ito sa mata. Oo na, please, Kendra! Please, please! sigaw ng isip niya. Iba ang pakiramdam niya sa ngisi ng binatang ito. Baka gantihan lang siya nito sa pang-iistorbo niya. Siguradong nabitin ito. Alam niya kasi napapanuod niya iyon sa mga pelikula siyempre. Mahirap daw bitinin ang lalaki. "Cous, iba ang sinasabi ng mga mata mo, parang masama ang pakiramdam mo. Kailangan mong magpahinga. Naho-homesick ka yata," anito at kinapa ang noo niya pagkuway tumingin ito sa likod niya. Biglang binitawan niya ang kamay nito at biglang bumagsak ang balikat niya. Patay na! "Maasahan ba kita, Zyqe na ihahatid mo ng buo ang pinsan ko?" seryosong tanong ng pinsan kay Ezekiel. Kaya napapikit na lang siya. "Of course, hindi naman ako nangangain unless kung gusto magpakain. Why not, diba?" natatawang sabi nito. Pero iba na ang pakiramdam niya sa tono ng pananalita nito. "Siraulo ka talaga! Ano?" naiinis na sabi ng pinsan. "I'm just kidding, Mylabs!" bawi nito. Tahimik pa rin siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Dahil ang laki ng tiwala ng pinsan niya sa binatang ito. Naku! "Let's go!" sabi nitong inilahad ang kamay. Hindi niya pinansin kaya hinawakan nito ang kamay niya at hinila patayo. Wala siyang nagawa kaya sumunod na lang siya. "Sige, Cous, mauna na kami," sabi na lang niya. "Okay, ingat sa pagmaneho, Zyqe!" pahabol pa nito. Kinaway lang nito ang kamay bilang pagtugon sa pinsan. Hila-hila lang siya nito hanggang sa parking lot at ipinagbukas siya ng pinto. Pumasok naman siya agad at isinuot ang seatbelt. 'Di bale, malapit lang naman kaya bumuntong hininga muna siya. Nang makitang umikot ito papuntang driver seat ay nagkunwari siyang natutulog. Narinig niya ang pagsara ng pinto. Hindi nito binuksan ang engine kaya nagtaka siya. Pakiramdam niya nakatunghay ito sa kaniya kaya tumagilid siya kunwari paharap sa bintana habang nakapikit. Nakiramdam lang siya. Hindi pa rin nito pinapaandar ang sasakyan kaya sunod-sunod ang paglunok niya. Kinakabahan na rin siya. "Lady," narinig niyang sabi nito. Gusto man niyang lingunin 'di niya magawa. Hindi pa rin siya sumagot. Parang nainis yata kasi hindi niya pinansin. Bumuntong hininga ito. "f**k! Stop pretending, lady!" anito na tumaas pa ang boses. Hindi pa rin siya nagpatinag. Eh, sa hindi niya nga alam ang sasabihin. Bakit big issue ba 'yong pang-iistorbo niya sa ginagawa nito kanina? P'wede naman nila ipagpatuloy 'yon. Diba, hindi naman siya talaga kinakausap nito? Pakiramdam niya kokomprontahin siya talaga nito, o kaya gagantihan. Sa totoo lang, naiinitan na siya, unti-unti ng nababasa ang tenga niya. Hindi talaga nito pinaandar ang sasakyan kaya walang aircon. 'Yon na ba ang ganti nito sa kaniya? Parang hindi na siya makahinga. Walang hangin. Mas lalong mainit dahil sa presensiya nito. Hindi na siya mapakali, pakiwari niya ay pinagnanasaan na nito ang katawan niya. Ang halay na din ng isip niya dahil sa ginawa nito kanina. Hindi na ito umimik kaya napamulat siya at nilingon ito. Nakatingin pala ito sa kaniya pagkuway ngumisi. Kaya naasar na naman siya. "You're already sweating! Wala pa nga tayong ginagawa," nakangiti nitong sabi habang nakatitig sa mukha niya. Infairness guwapo naman talaga ng lalaking ito kapag nakangiti. Sana lagi itong ganiyan. Kapag kaharap nito ang ibang tao ay nakangiti naman ito. Pero bakit sa kaniya ay hindi gano'n. Teka bakit ngayon nakangiti na siya sa akin? tanong niya sa sarili. Bigla na naman niyang naisip ang di pagbukas nito ng aircon kaya nainis siya bigla. Mukhang sinadya nga nito na huwag buksan ang makina. "Sa tingin ko, maglalakad na lang ako, tutal malapit lang naman! Baka mamatay pa ako sa suffocation dito! Gusto ko pang mabuhay!" inis na sabi niya at sabay tanggal ng seatbelt. Bago pa man siya nakalabas ay bigla siyang hinila nito kaya napasubsob siya sa dibdib ng binata. Parang ang bagal ng oras na iyon habang nakasandal siya sa dibdib nito. Biglang kumabog ang dibdib niya ng marinig ang bilis ng t***k ng binata. Nailang siya sa ayos nila dahil magkadikit ang kanilang katawan kaya napatingala siya dito. Kitang-kita niya ang paggalaw ng adams apple nang mapatingin sa cleavage niya kaya bigla niyang inilayo ang katawan at inayos ang pagkaupo. Parehas silang hindi nakaimik habang bumibiyahe na pauwi ng condo ng pinsan. Hindi na niya inantay ang binata na ipagbukas siya kaya nagpatiuna na siya papuntang elevator. Bago pa man siya makalayo ay hinila siya ng binata palapit dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD