Hindi na nakapasok si Diane nang araw na iyon. Nilagnat siya pagkatapos ng maiinit na tagpo nila ni Ezekiel. Vaginal tear o laceration na tinatawag ang naging dahilan ng matinding lagnat niya. Nagkaroon ng sugat siya sa maselang bahagi niya. Kaya pala nasasaktan siya sa tuwing umiihi dahil nababasa ang tissue niya sa maselang bahaging iyon. Inadvisan din siya ni Nikki, ang doktora na tumingin sa kan'ya na magbabad sa maligamgam na tubig ng 10-15 minutes para maibsan ang sakit. May pain reliever din itong binigay sa kan'ya. Nahihiya pa siya noong una dito, pero kalaunay nakapalagayan niya ng loob si Nikki. Hindi mo makakakitaan ng pandidiri o pagiging judgemental. Normal na din dito ang mga nangyayari pagdating sa usaping s*x. Masarap din ito kausap. Ang dami na nga nitong nakuwento sa