Naglinis lang siya sa condo ni Ezekiel sa buong maghapon. Bandang alas-tres siya natulog nang mapagod. Isang oras lang naman siyang natulog dahil naghanda na rin siya sa pagpasok. Ito ang unang araw niya, ulit. Nakaka-miss ang mga kasamahan niya kahit papaano. Nagpasalamat din siya dahil nagpadala din ang mga ito sa kan'ya. Hindi niya akalaing tutulungan din siya ng mga ito. Si Dave ang may pinaka-malaking naibigay. Sabagay, mayaman naman kasi ito. Tinext niya si Ezekiel kung sa bahay ito kakain. Dahil kung dito ito kakain, ipagluluto niya sana. Nagsabi lang itong magdadala ito ng pagkain kapag pumunta ito sa bar kaya hindi na siya nag-abala. Quarter to six siya nakarating ng ZL Lounge. Nagulat pa ang ibang kasamahan pagkakita sa kan'ya. Dumerecho siya sa opisina niya kapagkuwan.