Isang buwan ang nakalipas pagkatapos ng huling pag-uusap nila ni Ezekiel. Binigyan siya nito ng isang buwan pang pahinga para makasama at alagaan ang bunsong kapatid. Kaya pagkatapos ng chemo ng kapatid umuwi din sila agad ng Caramoan. Pero napakabilis ng araw. Pakiramdam niya kulang ang isang buwang inilagi niya sa Isla. Bukas na ang balik niya ng Maynila. Nakakalungkot. Magkatabi silang nakahiga ngayon ng mga kapatid. Inabot sila ng hating-gabi. Marami silang napagusapan ng mga gabing iyon. Reminiscing noong nabubuhay pa ang mga magulang nila. Iyak-tawa ang ginawa nilang magkakapatid. Isa iyon sa mamimiss niya. Siya na lang ang natitirang gising ng mga sandaling iyon. Napatingin siya sa cellphone niyang naka-charge nang umilaw iyon. Hindi tumitigil ang pagkislap no'n, sa tingin ni