Araw ng sabado noon. Walang pasok si Ezekiel sa opisina nito sa HGC. Natulog ito bandang alas-diyes dahil pagod at puyat ito. Nakipag-inuman lang naman sa mga kaibigan nito sa second floor ng bar nito, sa paboritong room ng mga ito kapag nagkakayayaan. Siya naman ay naglaba ng mga damit nila habang tulog ito. Magkukusot siya kaya hinintay niya talagang matulog ito. Kasalukuyang nagkukusot siya nang pumasok si Ezekiel sa laundry area. Bigla siyang kinabahan. Pero nawala iyon nang makita itong wala itong suot na damit, at tanging boxer brief lang ang suot nito. Hanggang ngayon, hindi siya sanay sa ganiyang tanawin. Lagi lang sinasabi nito sa kan'ya, na para daw masanay siya. Which is hindi naman nangyayari. Pakiramdam niya araw-araw bago, bagong kita niya pa lang sa binata na hubo't-hub