“Nabalitaan niyo ba?” Napatingin siya sa kapatid na si Dana na humangos. “Ang alin?” Si Dane iyon. Binitawan niya ang pala at nilapitan ang kapatid. “Ano ba iyon at humahangos ka pa d’yan, Dana?” aniya nang makalapit dito. “Sandali, Ate.” Hinawakan nito ang dibdib dahil sunod-sunod ang hinga nito. “Diba, bisperas ng kasal ng anak ni kapitana mamaya?” “O,” ani ni Dane na nakatunghay. Siya naman ay nakanganga kakahintay ng sasabihin nito. "Ang tagal, Dana," aniyang natatawa. “Darating daw ang anak ni Konsehal Smith mamaya. Balita ko, tatakbo daw iyon sa susunod na taon bilang konsehal din. Magreretiro na kasi ang matandang Smith,” "'Yon lang ang sasabihin mo?!" aniyang hindi makapaniwala. Tumango ang kapatid sa kan'ya. "Akala ko pa naman kung ano na. Hay Dana," naiiling na sambit