"Congratulations, cous. Nakapagtapos ka na rin. Hindi mo na ibaba ang sarili mo sa amin. I'm so proud of you," masuyong sabi ng pinsan na si Kendra. Hindi niya maiwasang maluha. Isa talaga ang pinsan niya sa inspirasyon niya. Ito nga rin ang nag-push sa kan'ya na nag-aaral ulit. Lahat ng suporta naibigay na nito. Kakatapos lang ng programme. Tapos na din ang picture taking nilang magkaklase. Iilan lang naman ang mga kaibigan niya sa classroom dahil lagi siyang busy sa trabaho. Wala siyang time makipag-bonding sa mga ito. Isa pa nahihiya siya minsan, kasi, siya ang pinakamatanda sa lahat. Pauwi na sila sa hotel ngayon. Si Sebastian lang ang hindi dumalo kasi busy ito sa negosyo nito. "Congratulations ulit, Ate! Sorry po, wala akong gift," ani ni Daniel sa malungkot na himig. Hindi ni