CHAPTER 7

907 Words
CHAPTER SEVEN Bea's POV: "DON'T FALL INLOVE WITH ME'', Katagang hindi ko malilimutan mula mismo sa bibig ni Nico. Ang kapal ng mukha nito para isama ito sa rules bilang yaya niya. Akala siguro ng binata, katulad ako ng ibang babae na madaling mahulog. Like hello, hindi na ako gano'n na tao. I changed myself for better. Humiga na ako sa kama para kalmahin ang sarili ko. After naming mag-usap, tinuro niya na ang magiging kwarto ko. And yes, he decided na dito na ako tumira para maatupagan ko ang lola niya. At tanging linggo lang ang free day ko na pwede akong makagala at umuwi sa amin. Nakakainis nga eh! Hindi naman ito ang plano ko. Pero 'di bale, I can use Nico to do my revenge, lalo pa't pinsan niya si Fiona. "Hindi ako ang sisira ng last rule mo, Mr. Nico. Because I'll make sure, that you are the one who will fall inlove with me.", ngisi kong pahayag habang nakatingin sa kisame. Tingnan lang natin kung sino ang kakagat sa bitag. Magiging exciting 'to, dahil kapag napa-ibig ko ang binata, makikilala ako nila Fiona at Mark. In short, we will meet again, in the right time. Sa naisip kong ito, tila nagkaroon ng sigla at gana na tumuloy ako sa bahay ni Nico. Kusang si Tadhana ang tumutulong sa akin para makamit ang pakay ko. So I closed my eyes now, then I sleep. Gabi na rin kasi kaya minabuti ko ng magpahinga. Kailangan ko kasi ng lakas para bukas. At sa pag-gising ko, saktong 5:00 a.m akong bumangon para walang masabi si Nico. Mahirap na noh, isa ito sa patakaran niya. And besides, pinaghandaan ko ang umagang ito. Dahil ngayon ko na sisimulan ang pang-aakit sa pulis na 'yon. Para sa gano'n, hindi na ako mahirapan na makuha ang loob niya. "Goodmorning everything! I mean, everyone!", malakas na turan ko pagkalabas ko ng kwarto. Gising na rin kasi ang dalawang maids dito sa bahay kaya dapat nakakasindak at enegertic ang bati ko. "Ssshh. H'wag kang sisigaw. Tulog pa si Sir Nico, baka magising mo.", wika ng isa kasing edad ko lamang. "Gano'n ba? Tsk.", inis na sambit ko. Ang galing magsalita na dapat 5:00 a.m ang gising, pero siya itong tulog mantika. "Oo eh. Ang gising n'yan 6:00 a.m. Pero dapat sa pag-gising niya nakahanda na ang almusal dahil kailangan niya pa mag-exercise.", patuloy na sabi niya. "By the way, I'm Sophie. Ikaw, anong pangalan mo?", tanong nito sa akin. "Bea. Bea ang pangalan ko.", saad ko sa dalaga at nakipagkamayan. "Wow! Nice to meet you, Bea. Buti na lang at dalawa na tayong dalaga. Hindi ko kasi gaanong close yung isa d'yan. Alam mo na, medyo may edad na kasi kaya mataray.", pagbubulong nito sa tenga ko. So she's talking about the girl in the kitchen, si Manang na nagbabantay kay Lola dati. "Ahh sabagay. Pero anong name niya?", pagtatanong ko naman. "Siya si Manang Ester. Siya ang matagal ng kasambahay dito ni Sir Nico.", tipid na sagot ni Sophie. Patango-tango na lamang ang ginawa ko habang minamasdan ang dalawa. "Pa'no, magsimula ka na rin ng trabaho mo. Paglutuan mo si lola, paborito no'n ay lugaw.", tapik na saad niya. Kaya hindi na rin ako nagtunganga pa at mabilis akong tumungo sa kusina. Magaling ako pagdating sa pagluluto dahil hilig ko talaga ang gumawa ng sariling recipe. At 'di nagtagal, natapos ko ang lugaw na pang-almusal ni lola. Akma ko na sana itong ilalagay sa mesa nang biglang bumukas ang pinto ng room ni Nico. Wala s'yang suot na shirt at tanging boxer lang ang nasa pang-ibaba niya. And because of his presence, napaso ako dahil sa aking katangahan. "Sa lugaw kasi ang tingin, at 'wag sa katawan ko.", sambit nito nang sulyapan ako. Agad kong iniwas ang mata ko sa kanya at inirapan siya. "Sino bang may sabi na tinitingnan kita?", pagdedeny na saad ko kahit na huli na ako sa akto. "Tsk. Baka hindi pa mag-isang linggo, ma-fall ka na.", wika niya at alam kong palapit na ito sa pwesto ko. Rinig ko kasi ang yapak ng tsinelas n'ya na patungo sa mesa. "Nasa'n ang itlog?", tanong nito na tila hinahanap ang itlog sa lugaw. "Nasa loob ng brief mo.", diretsa kong turan. Shet! Wait, parang mali yata ang nasabi ko? "What?", bigkas niya. "Ahm sabi ko, nasa ilalim n'yan ang itlog. Heto oohh.", tugon ko at hinalo ko pa ang lugaw para makita nito ang itlog. Tanginang itlog 'yan! Pinapahamak ako. "Bakit isa lang?", kunot-noong saad niya. "Malamang para kay lola lang ang lugaw na niluto ko.", taas-kilay kong sabi. "But how about me? I'm your boss. Ako ang magpapasweldo sayo, kaya dapat na pati ako, meron ding itlog.", bigkas ni Nico na medyo malakas na rin ang boses. "Seriously? May dalawa ka ng itlog sa baba mo, bakit 'di na lang 'yan ang kainin mo? Simpleng problema lang, hindi mo pa masolusyonan!", balik na bulyaw ko. Pero hinawakan niya ang ulo ko dahilan para matahimik ako. "Hindi ko alam kung saan galing ang katapangan mo para sigawan ako, pandak.", asar na sambit niya. "Anong sabi mo ha?!", tanong ko sa binata na tila umuusok na ang ilong ko sa galit. Actually, narinig ko ang pagtawag niya sa akin na pandak, pinapaulit ko lang, dahil baka magbago ang isip ng lalaki. "Sabi ko, pandak ka. Pero kung gusto mo, minion na lang, para sosyal.", litanya ni Nico. Potangina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD