"PROLOGUE"
P R O L O G U E
"MARK, BUNTIS AKO.", masayang amin ko sa lalaking katabi ko, while holding his hand.
Nasa plaza kami ngayon habang naka-upo sa bench. Agad namang umiba ang reaksyon nito, kaya muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.
"I'm two weeks pregnant, love.”
"--Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa'yo. Gusto talaga kitang isurprise since anniversary natin. So, are you happy?" pagtatanong ko.
"Ah y-yes, of course. I'm happy, Bea. Very happy." Ngiting sagot niya kasabay ng paghalik nito sa noo ko.
"Pareho lang tayo, love. Sobrang saya ko rin nung nalaman kong buntis ako.", litanya ko ulit at marahan kong sinanday ang aking ulo sa balikat nito.
Nakakataba ng puso, knowing the fact na handa akong panagutan ng boyfriend ko.
"Love, punta ka dito sa bahay. May linuto ako para sayo.", basa ko sa chat ni Mark.
Mabilis naman akong naligo at agad na tumungo sa kanila.
"Mano po tita--",
"Nando'n ang anak ko, kaya pumasok ka na lang.", tanging saad ng mama ni Mark na tila ayaw akong maka-usap.
Hindi sa akin boto ang magulang ng nobyo ko, and I feel it. But I'm doing my best para magustuhan nila ako.
"Andyan ka na pala, love. Halika, kumain tayong dalawa.", pag-aayang bigkas ni Mark nang makita niya akong nakatayo sa pinto.
Lumapit naman ako sa pwesto niya at umupo sa tabi ng binata.
"Wow, adobo? Grabe, favorite ko 'to.", natatakam na sambit ko.
"Yes, I know Bea. Kaya nga niluto ko 'yan para sayo, dahil gusto kong maging malusog ang baby natin.", malambing na saad niya.
"So sweet, love. Halatang mahal na mahal mo kami ni baby. I love you.", turan ko sa kanya at bahagyang pinisil ang pisngi nito.
Marami akong kinain. Dahil bukod sa masarap ang luto niya, puno pa ito ng pagmamahal.
Kaso isang araw ang lumipas, halos oras-oras ang pananakit ng tiyan ko. I tried to call my boyfriend, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
So I don't have a choice kundi ang tawagan ang bestfriend ko para dalhin ako sa hospital.
Hindi ko na kasi talaga kaya eh. Sobrang sakit na, to the point na namimilipit ako.
"Si Mark? Asan ang boyfriend ko?", 'yan agad ang tanong ko pagka-gising ko palang.
Nakatulog pala ako mahigit dalawang oras.
"Bess, 'wag mo ng hanapin ang boyfriend mo. Hindi na siya babalik.", mahinang saad ni Claire.
"Ano?", naguguluhang bigkas ko.
"Hindi mo ba alam? Araw ng kasal niya ngayon. Kasal nilang dalawa ni Fiona.", litanya nito dahilan para mabigla ako.
"--Matagal na silang nagkabalikan. Naging sila, kahit kayo pa. At ang balita ko, buntis si Fiona kaya nagpakasal sila.",
"--'Yon sana ang gusto kong sabihin sa'yo, kaso alam kong hindi ka maniniwala sa akin.", malungkot na patuloy niya.
"Pero buntis din ako. Kaya paanong--",
"Bea, wala ka ng baby sa tiyan mo. Nalaglag ang baby mo, sabi ng doctor. At dahil daw 'yon sa kinain mo.", wika ulit ng kaibigan ko na ikinaguho ng mundo ko.
Nagawang patayin ng boyfriend ko ang anak ko para panagutan ang anak niya sa ibang babae.
Naging sila pala, kahit kami pa.
At ngayon, mag-asawa na silang dalawa.
And that is the worst thing happened in my life.