CHAPTER 8

820 Words
CHAPTER EIGHT Bea's POV: Hindi yata landian ang mangyayari sa pagitan naming dalawa ng pulis na 'to. Kundi isang malaking AWAY at GULO. Bwisit siya! Ang hilig n'ya mang-asar! Alam kong matangkad siyang tao, pero wala siyang karapatan na sabihan akong pandak dahil matagal ko na 'yon alam! "Hija, sumabay ka na sa amin mag-almusal.", saad ni lola sa akin. Nang magising ito, agad ko s'yang pina-upo para kumain. Syempre, katabi niya ang dakila n'yang apo na akala mo kung sinong gwapo. "H'wag na po, lola. Mamaya na po ako mag-aalmusal. Mabuti pa, subuan ko na lang kayo.", pag-iinsist kong sabi at yumuko ako para kunin ang kutsara. "Kaya ko pang kumain na mag-isa, hija. Wala naman ako na deperensya sa kamay.", turan nito bilang pag-aayaw. Kaya tumayo ako ng maayos at akma na sanang aalis, pero biglang nagsalita si Nico. "Lola is right. Just sit and eat.", turan nito na hindi ako tinitingnan. Napakurap tuloy ako ng mata at medyo nabingi sa sinabi niya. "Ho?", pagtatanong ko. "I said, just sit and eat.", pag-uulit niyang wika. Napatingin ako sa dalawa kong kasamahan na katulong din. Nakita ko ang ngiti sa mukha ng dalaga na tila kinikilig, pero si Manang Ester walang pinagbago ang reaksyon. "Bawal pahintayin ang pagkain, kaya umupo ka na.", saad ng binata dahilan para hawakan ko ang isang upuan na katabi ni lola. "Sino bang may sabi na dyan ka uupo?", bigkas niya kaya awtomatikong natigilan ako. "Huh?", kunot-noong tugon ko. "Tsk. Ang slow mo. You will sit beside me.", inis na nitong pahayag. Suss, ang dami niya pang paligoy-ligoy, gusto lang pala ako makatabi. "Okay.", ngiti kong turan sa lalaki. I guess, siya na mismo ang unang lumalandi sa akin. And I like it, dahil hindi na ako mapapagod na magpapansin sa kanya. So gaya ng sinabi ni Nico, I sit beside him. Nagugutom na rin ako, kaya hindi na ako nagpabebe pa. Tinusok ko na agad ang hotdog gamit ang tinidor, para kainin sana ito. Kaso ang kinalabasan, mabilis na inagaw ng binata ang hotdog at siya itong kumain. "Nakakaasar ka na ha! Bakit mo pa kailangan, agawin ang hotdog ko!", pagsisigaw ko kahit na nandito si lola. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nabibitin ako lalo na kapag yung t'yan ko ang nakasalalay. "Baka nakakalimutan mo rule number 5, minion.", pagpapaalala nito. Pesteng patakaran 'yan! Mahihirapan yata ako na sundin ang rule number 5 dahil hindi ako marunong gumalang at rumespeto sa mga lalaking katulad niya. "Fine. Sorry.", labag sa kalooban na bigkas ko. Hangga't kaya ko, titiisin ko ang ugali ng mokong na 'to. "Then good. Eat well.", ngisi n'yang sabi. Tinarayan ko na lamang siya at hindi na pinansin. ___ Matapos naming mag-almusal, nilabas ko si lola gamit ang wheelchair. Maganda kasi sa kalusugan kapag nasisikatan at nabibilad sila ng araw sa ganitong oras. "Oh ayan lola, tuwing umaga, dito ang tambayan nating dalawa.", saad ko nang huminto kami sa gilid na kung saan may malaking puno at isang bench. "Salamat hija. Bihira lang kasi ako makalabas ng bahay.", wika niya at pinisil pa ang kamay ko. "Wala po kayong dapat ipasalamat lola. Tungkulin ko na ipasyal kayo at alagaan.", malambing na sabi ko sa matanda. "Ang bait mo pala. Nakikita ko tuloy sa ugali mo ang isa ko pang apo na si Fiona.", turan nito dahilan para mapawi ang ngiti sa aking labi. Si Fiona. Si Fiona na naman. "T-talaga po? Paano mo naman nasabi, lola?", tanong ko sa kanya habang mahigpit akong nakahawak sa wheelchair. "Ah si Fiona? Maalaga siya, mabait, at higit sa lahat, mapagmahal. Kaya nga napakaswerte ng napangasawa niya.", pagsasambit nito. Kung gano'n, ito pala ang nagustuhan ni Mark sa babae. Pero bakit? Bakit niya pa ako pinagpalit? "Ang swerte ng lalaking 'yon dahil mahal na mahal siya ng apo ko. Kaso ang malas ni Fiona dahil alam kong napilitan lang si Mark na pakasalan siya.", pagpapatuloy ni lola. Halos manghina ang tuhod ko sa nalaman ko mula sa matanda. Teka, tama ba yung narinig ko? "Huh? A-ano pong ibig niyong sabihin lola?", I asked her again. "Sa pagkakaalala ko, nabuntis ni Mark ang apo ko at nung araw na 'yon, nasabi ni Fiona sa akin na may ibang nobya ang lalaki.", pagkekwento nito para maliwanagan ako. "--At hindi namin kilala kung sino yung babae kasi nagagalit lalo si Fiona kapag tinatanong namin 'yon.", wika niya ulit at patuloy ko s'yang pinapakinggan. "Sa totoo lang, hindi pa naman ako ulyanin, hija. Ewan ko ba kay Nico at gano'n ang sinasabi niya sayo.", bigkas ni lola na medyo natatawa na. Pero yung isip ko, binabalikan ang nakaraan. Yung nakaraan na nalaman kong namatay ang anak ko at kinasal sila Mark at Fiona. Ang gulo! Naguguluhan ako! Ano ba talaga ang nasa likuran ng lahat? Mukhang kailangan kong imbestigahan ang tungkol sa nangyari sa akin. Kasi imposible naman na kayang patayin ni Mark ang mismong anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD