CHAPTER SIX
Bea's POV:
Sobrang kahihiyan ang nangyari sa akin sa araw na 'to.
Halos minu-minuto, tumatawa ang pulis kapag ang mata naming dalawa ay nagtatagpo.
Naging awkward tuloy ako na tingnan siya dahil sa ungol na ginawa ko.
"What's wrong hija? Binastos ka ba ng apo ko?", tanong ni lola nang hindi ako mapakali sa inuupuan.
Matapos kasi no'n, kumaripas ako ng takbo pabalik sa sala para takpan ang pamumula ng pisngi ko. And yeah, sumunod na rin si Nico kaya ganito ang kilos ko.
"H-hindi naman po.", iling na turan ko sa matanda.
Narinig ko ulit ang mahinang tawa ng binata na animo'y sumagi sa isip niya ang nangyari kanina sa loob ng kwarto.
"Ano bang nakakatawa, apo? Naiirita na akong pakinggan ang tawa mo. Para ka ng baliw d'yan na tumatawa mag-isa.", panenermon ni lola.
Grabe! Ang tapang niya!
"May babae kasi akong naalala, lola. And that girl was little bit naughty when it comes on bed--",
Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko ang bibig niya.
Muntik pa akong madapa para lang mapigilan siya.
"Ano? Teka, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo? At tsaka, bakit ba kayo ganyan?", pagtatanong nito na tila nagtataka.
"Ahm, close na po kami ni Nico, lola. I mean, Sir Nico. Oo, close na kami.", pagpapalusot ko at inakbayan ko pa ang lalaki.
Wala na akong choice eh!
Ayokong mapahiya sa harapan ni lola dahil sa ugaling pinakita ko sa binata.
Baka mag-isip pa siya ng kung ano sa akin.
"Gano'n ba? Mabuti naman.", tanging saad ng matanda.
Kahit papano, naginhawaan ako.
But still, mahina pa ring tumatawa si Nico.
"Pwede ba, tigilan mo na 'yan. At subukan mo lang magsalita, malakas na suntok ang abot mo sa akin.", madiin na bulong ko sa binata para takutin siya.
Kaya ngumiti na lang ito at tumango bilang pagpayag sa kagustuhan ko.
At salamat sa Diyos, naging maayos ang pag-uusap naming tatlo.
Kaso nga lang, biglang umapaw ang kaba ko nang malaman ko na meron palang rules ang mokong na 'to dito sa bahay niya.
"Apo, sabihin mo na sa kanya ang patakaran mo. Para masanay na ang dalaga kapag tumira siya rito.", wika ni lola.
Masyado kasing pasuspense ang binata.
"La, 'wag po kayong excited. It just only a simple rule.", ngising saad ni Nico at pinaikot ang baso sa kamay niya.
"Then what is it?", inis ko ng bigkas.
Gusto ko na talagang matapos 'to para makapagpahinga na ako.
"Oo na. Sasabihin ko na. Mukhang atat ka yatang malaman 'yon.", he just said.
Tumayo na ang lalaki at tumungo sa likuran ng upuan ko.
"Actually, I have five rules here.", panimula nitong sabi.
"Pero dahil baguhan ka, may isa akong idadagdag. At alam ko na magiging mahirap 'yon para sa'yo.", he said again.
Kaya nanliliit ang mata ko para hulaan ang gusto n'yang iparating.
"Can you please tell it to me. Ang dami mong pasikot-sikot.", naiinis ko ng tugon.
Wala na akong pake kung medyo kasungitan ang naipakita ko sa harapan ni lola.
Kasalanan din naman kasi 'yon ng apo niya.
"Chill. Eto na nga, ohh.", kibit-balikat na sambit n'ya nang lumuhod siya sa pwesto ko.
Kaya naghintay na lamang ako na sabihin niya ito.
"Ang una, gusto ko na maging responsable ka sa trabaho mo. Pangalawa, ayoko makarinig ng reklamo dahil matanda at medyo ulyanin ang aalagaan mo. Pangatlo, alas-singko ng umaga ng gising, hindi dapat lalagpas kahit isang minuto. Or else, bibigyan kita ng parusa. Pang-apat, 'wag na 'wag kang gagamit ng cellphone sa oras na binabantayan mo si lola. At pang-lima, matuto kang igalang at irespeto ako.", seryosong pahayag niya.
"Yan lang ba? Napaka-easy naman pala. Akala ko kung ano na.", tanging wika ko.
Ang simple lang ng rules niya, noh?
Sa tingin ko, magagawa ko 'to ng tama.
Ewan ko lang sa pang-lima, ma-aattitude kasi ako.
"Don't be so happy. Dahil meron pang isa, Miss.", he smirk.
This time, inalis niya ang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.
"Ano naman 'yon?", tanong ko sa binata.
Pero sa halip na sagutin niya agad ako, nilapit nito ang bibig sa aking tenga.
"The last rule that I want you to know, is don't fall inlove with me.", pagbubulong niya.
Ramdam ko tuloy ang mainit na hininga nito dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko.