"Nakipag-away ka talaga sa baba? Naisigaw mo na rin ba na asawa kita?" halata ang pagka-sarkastiko nito. Wow. Exaggerated naman! Hindi niya maiwasang mapalukot ng mukha. "Nagwala ba ako, huh? Hindi naman, a! Napataas lang ang boses. Ayaw kasing maniwala, e! Pero, kasalanan mo ito. Dahil kung sinagot mo ba naman ang tawag ko, e 'di sana wala ako dito!" Hinilot nito ang batok habang nakahawak sa beywang ang kaliwang kamay. "Busy ako, Kristen ng mga oras na 'yon. Kaya, paano kita masasagot? Sana inintindi mo man lang. Ayoko ng maulit ito, Kristen. Please lang, nakakahiya, e. At sana, hindi ito makarating sa magulang ko!" Napapikit siya sa sinabi nito. Sa lahat ng sinabi nito, sa salitang nakakahiya siya nasaktan. "So, nakakahiya ako, ganoon? E 'di, galingan mo ng pagtago. Kasi ako hindi