Prologue
Malungkot na hinayon ni Kristen ang sarili palabas ng restaurant. She was trying to calm herself after seeing his boyfriend kissing another woman. At sa mismong harap niya. Gusto niyang sugurin pero pinigil niya ang sariling magwala.
Nakailang tanong tuloy siya sa sarili. Hindi ba siya good kisser para maghanap pa ang boyfriend ng iba? Is her f*cking lips not enough? Napamura siya sa sarili.
Tinampal niya ang bibig pagkatapos kagatin ang sarili. Wala sa sariling nagtipa siya ng mensahe, at isinend iyon. Naka-unlimited text yata siya. Thanks to GT telecom.
Napangiti siya ng mapakla, matapos i-send ang mensahe, sa lahat ng mga nasa contact list niya. Binalita na naman niya sa mga kaibigan, na single na naman siya, at ready to mingle na naman. Naghanap din siya ng puwedeng makainuman. Pero, wala man lang nagreply ni isa man sa mga ito.
Pagkatapos ay naglakad siya, hindi niya alam kung saan tutungo. Hindi niya akalaing malayo na ang nilakad, mula sa restaurant na pinanggalingan. Natawa siya ng makitang wala man lang nagreply sa mga tinext niya.
Napatingin siya sa langit na maraming bituin. Ang ganda pa naman sana ng gabi. Akmang tatawid na siya nang mahagip ng mata niya si Ezekiel, ang anak ng VP nila, na kaibigan din ng kaibigan niya. Mayamaya ay may lumapit na lalaki dito. Napaawang siya ng labi ng makita ang kabuuan nito.
“Whoah!” aniya at ginawang pamaypay ang kamay. “Why so hot, baby boy!” naisatinig niya.
Halos kasingtangkad ni Ezekiel ang lalaki. Parehas silang naka-ponytail. Hot pa naman para sa kaniya ang mga lalaking long hair. Kung noon, guwapong-guwapo na siya sa anak ng VP nila. Ngayon hindi na, para sa kanya mas lamang ang kausap nito.
Ano kaya kung ligawan siya nito? Bigla siyang kinilig sa naisip.
Naka-casual shirts lang ito, at itim na pantalon. Hindi sinasadyang napatingin ito sa gawi niya. Ngumiti siya. Pero agad ding binawi nito.
Namalayan na lang niya ang sariling papasok ng bar. Nagpalinga-linga siya at hinanap si Ezekiel. Nagbabaka-sakali siyang kasama nito ang lalaki kanina. Pero wala siyang mahagip na Ezekiel. Iginiya niya ang sarili papuntang counter. Natigilan siya ng biglang humarap ang lalaking nasa counter. Nakasuot na ito ng longsleeve polo at may apron din ito. Napangiti siya ng makita ang laso sa bandang leeg nito na kulay maroon.
Hot pa rin, aniya sa sariling nakangiti.
Naupo siya at tiningnan ito. Bartender pala dito, ang lalaking hinahanap. Mukhang hindi bagay. Dahil ang guwapo naman masyado, sa paningin niya.
Umorder lang siya ng martini nang tanungin nito. Parang gusto niya ring maihi sa kilig, kasing guwapo nito ang boses. Para sa kan’ya, perpekto. Mula sa hugis ng mukha, mata, labi at ang kilay. Binasa niya ang labi saka nginitian ito. Pero di man lang marunong gumanti ang kaharap.
“Sungit naman,” pabulong na sabi niya.
Mayamaya ay narinig niyang tinawag ito na Dave ng bagong dating. Na sa tingin niya ay bar tender din. Naubos niya ang iniinom na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ng guwapong si Dave. Hindi na siya nagtagal. Atleast alam na niya ang pangalan at kung saan ito nagtatrabaho. Napangiti siya sa sarili. Babalik na lang siya sa susunod.
Kinabukasan ay maaga siyang nag-ayos para pumasok. Kung siya ay papasok na, ang kuya naman niya ay kakauwi pa lang.
“Good morning, Kuya,” bati niya dito.
Tumango lang ito sa kanya. Kapag ganoon hindi niya ito kinukulit. May pusong babae ang kuya niya. Jano sa umaga, at Jana naman sa gabi. Tanggap niya kung ano man ang kasarian nito.
Akala niya ay papasok na ito sa kuwarto nito, hindi pa pala. Tumitig ito sa kanya ng matagal.
“Mukhang malungkot ka, break na naman ba kayo?” tanong nito.
Magaling talaga ang kapatid sa hulaan. Malungkot na tumango siya dito.
“Tsk. Kailan ka ba pipirmi sa isang lalaki, Kristen. Eh kung mag-asawa ka na kaya?” suhestiyon ng kapatid.
Nagulat siya sa sinabi nito
“Kuya naman, wala ngang tumatagal sa pakikipag-relasyon sa akin, pag-aasawahin mo pa ako!” papalatak na sabi niya sa kapatid.
“Sus. Malay mo may, tumagal na sayo. Pero okay ka na? Baka mamaya, maisipan mo na namang magpakamatay,” nag-aalalang sabi nito.
“Hindi na mauulit ‘yon, Kuya, promise!” Itinaas pa niya ang kaliwang kamay. Natawa siya, dapat kanang kamay ang itinaas niya. Bahala na ito mag-isip.
“Good. Basta pag may gusto ka ng pakasalan, sabihin mo agad. May kaibigan akong judge, kahit anong oras puwedeng tawagan. Nandito lang ako para sayo, Sister. Tandaan mo ‘yan,” sabi nitong nakangiti.
“I will, Kuya. Tatandaan ko yang sinabi mo,” nakangiting sabi niya dito.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kakalabas lang niya ng building. Dapat kanina pa siya nakalabas, may dinaanan pa kasi siya sa accounting department at hinatid ang hiniram na gunting kanina sa isang katrabaho. Nakalimutan niyang ibalik kasi kanina kay Anna Rose.
Napatigil siya sa paghakbang, ng makita ang pamilyar na lalaking bumaba ng isang sports car, kulay pula iyon. Pinikit pa niyang muli ang mata. Kung totoo nga ang nakikita pero naroon pa rin si Dave. Pero bakit ang ganda ng sasakyan nito? Bartender lang naman ito. Napalis ang katanungang iyon sa isip nang makita kung sino ang sinusundo nito.
Nalungkot siya bigla. Inaalalayan nito si Kendra pasakay ng sasakyan nito.
Hindi kaya boyfriend ito ni Kendra? Akala pa naman niya type ni Kendra ang boss nila.
Wala siyang gana ng umuwi ng bahay. Natulog na naman siyang malungkot. Hindi siya nakikipagdate nitong nakaraan dahil laging inookupa nung Dave ang isipan niya.
Kailan kaya darating ang lalaking para sa kanya? Yung lalaking kayang magtiis sa kagagahan niya. Kung hindi linggo, buwan lang ang itinatagal nila ng mga naging boyfriend.
Tama nga ang hinala niya may gusto si Kendra sa boss nila. Mukhang nagkakamabutihan na ang mga ito. Masaya siya, dahil may pag-asa siya kay Dave.
Kaya ng yayain siya ni Kendra na pumunta ng ZL Lounge ay tuwang-tuwa siya. Makikita na naman niya si Dave. Kasama nila ngayon si Sebastian. Ang boss ng kapatid niya at ni Kendra sa Spotlight. Nagpa-part-time kasi ang kaibigan sa Spotlight bilang singer. At sa tingin niyanagkakagusto din si Sebastian dito, kaya lagi niyang inaasar ito sa kaibigang si Kendra.
Hindi pa sila nakakapasok ng ZL Lounge kaya nag-spray siya ng pabango. At isa na ito sa paborito niya, galing iyon kay Kendra. Nagtaka siya ng sitahin siya nito. Bahong-baho sa amoy ng pabango niya. Samantalang galing din naman dito ang pabango na gamit niya.
Hindi mawala sa isip niya ang reaksyon ng kaibigan kaya nagpahuli siya ng lakad. Parang tumaba ito. Lumapad din ng kaunti ang balakang nito. Hindi kaya tama siya ng hinala na buntis ito? At sino ang ama? Ang boss nila o si Dave?
Napailing siya sa katanungang iyon. Sana hindi si Dave. Sana lang.
Nilingon siya nito. Hindi niya mapigilang magkomento sa katawan ni Kendra. Natanong niya din kung dinatnan na ba ito. Mga mata lang nila ang nagkakaintindihan. Hindi sila makapag-usap ng maayos dahil kasama nila si Sebastian papasok ng bar.
Malayo pa lang ay tanaw na niya ang napakagandang lalaki sa paningin niya. Walang iba kung hindi si Dave. Nalungkot siya bigla. Si Kendra lang ang binati at kinausap nito. Ni hindi man lang nito tinanong ang pangalan niya. Hindi na naman niyang maiwasang mainggit kay Kendra. Mukhang lahat ng atensyon nasa kaibigan. Samantalang siya, wala man lang lalaking nagbibigay ng atensyon sa kaniya.
Mukhang dehado siya kay Dave. Nakikinita na niya. Kay Kendra lang nakatuon ang atensyon nito. Wala itong interes sa kaniya. Kasi kung interesado ito, dapat tinanong na nito ang pangalan niya. Pero kahit ganoon, ayaw niya itong sukuan. Iba ang pakiramdam niya para kay Dave. Iba ang epekto ng presensya nito sa kaniya.