MUKHANG MALI YATA ang ginawa niyang biro sa asawa. My God! Nagpatawag ng doktor! Hindi naman niya akalaing may doktor sa building na ito na nakatira, at Psychiatrist pa ang pinatawag ng asawa niya. Baka raw nahanginan siya sa pinuntahan niya kagabi. Ang dami rin nitong sinasabi sa magandang doktor. Panay rin ang tingin nito sa kan’ya. Pero nang mapag-isa na sila ng doktora ay pinaliwanag na niya lahat dito. Natawa lang ito sa mga ikinuwento niya. Wala naman daw palang problema, kaya kaagad na umalis din ito. Nanghingi na lang siya ng pasensiya rito. “Bakit mo naman inistorbo ‘yong magandang doktor na ‘yon? Nagbibiro lang naman ako, e.” Sinundan niya ang asawa na papasok ng silid nila. “Ilugar mo kasi 'yang kalokohan mo. God! Ang aga-aga! Hindi ko alam kung safe pa ba ako sa condo na ito