Nababanas na lumabas ng café si Dome. Sa halip na mag-relax ay lalo pa siyang nab*wesit dahil sa babaeng 'yun. Magkaiba ito at si Georgina. Paano naging magkaibigan ang dalawa gayong halos opposite ang mga ito?
Bigla siyang natigilan nang maisip muli ang dalaga. Ang babaeng hanggang ngayon ay gusto pa rin niya. Mahirap kalimutan ang first love lalo pa at may masaya silang pinagsamahan.
Kung hindi ba niya nakilala si Don ay mamahalin niya rin kaya ako? wala sa sariling naitanong niya. Nasasaktan siya. Kahit na may nangyaring masama rito ay wala pa rin siyang karapatan kaya dapat ay hindi niya ito binibigyan ng malaking oras at atensyon.
I need to clear my mind. I need to go somewhere, sambit niya sa isip. Hindi makabubuti ang manatili sa mansion kung saan lagi niya itong nakikita na kasama si Don.
I need destruction. Or something to divert my attention.
Pagdating niya sa mansion ay kaagad siyang nag-ayos ng mga gamit. May naisip na siyang puntahan para malibang at baka makapagpinta na siya ng maayos.
Pagbaba niya ng hagdan ay natigilan siya sa nakikita. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maalis ang paningin sa dalawa gayong para namang tinutusok ang kanyang puso. Hindi niya mapigilang masaktan.
Ganito ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? mapait na tanong niya sa sarili. Nakita niyang matiim na nakatitig si Don kay Georgina habang hawak ang dalawang kamay nito. Magkatitig at para bang wala nang nakikitang iba sa paligid.
Iniiwas niya ang paningin mula sa mga ito at nagtuloy-tuloy na palabas ng mansion. Hindi niya na pinansin ang pagtawag ni Don sa kanyang pangalan. Hindi niya na kailangang magpaalam at baka magkasagutan pa sila.
Just take care of Georgina, sambit niya sa isip. Dahil kung hindi ay aagawin niya ang dalaga kay Don.
KASALUKUYANG nagpipinta si Dome ng sunset. Napakaganda ng tanawin at nangangati ang mga kamay niya na ipinta ang napakagandang tanawin na iyon. Mabibilis ang mga kamay niya sa bawat paglapat ng paintbrush sa canvas. Ayaw niyang mabago ang anggulo ng pagbaba ng araw. Para siyang inspired na hindi niya naman malaman kung ano at kung sino ang dahilan.
"Sh*t!" napamura siya ng biglang may mga batang naghahabulan sa bandang harap na kung saan natatabingan ng mga ito ang ipinipinta niyang anggulo ng sunset. Marahas na napasuklay siya sa kanyang buhok. Hindi niya alam kung paano paalisin ang mga bata ng hindi sumisigaw. Pawala na ang araw at anggulo kaya nataranta siya.
"Mga bata? Maari bang doon muna kayo maglaro sa banda ro'n?Nagtatrabaho kasi si kuya. Maraming salamat!"
"Okay po!" sabay-sabay na wika ng mga ito at nagsitakbuhan na palayo.
Pilit na pinipigilan niya ang sarili na huwag mainis. Pagtingin niya sa sunset ay napamura ulit siya.
"D*mn!"nabago ang anggulo ng ipinipinta niya. Nangangalit ang ngipin niya dahil sa pagpipigil na mapamura ulit. Ang sarap ibato ng hindi niya natapos na gawa. Nawala na ang perfect view. Wala pa naman siyang ganang magpinta ngayon ngunit dahil sa ganda ng sunset ay natukso siya at ginanahan pero minalas naman.
"Nakakab*wesit!" padabog na ibinaba niya ang kanyang hawak na paintbrush at napasuklay ng buhok. Talagang na-frustrate siya.
"Problemado ka yata, mister Artist!"
Napalingon siya sa biglang nagsalita at nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makilala ito.
"Oh! Tatanda ka kaagad niyan. Just relax! Can't you see the scenery? It's beautiful..." wika nito na parang nangingislap ang mga mata habang nakatingin sa papalubog na araw. Taas-kilay na tinitigan niya ito. Ano namana ang ginagawa nito roon?
"Are you stalking me?" matigas ang anyo na tanong niya rito na ikinabigla naman nito. Kapagkuway tinaasan din siya nito ng kilay.
"Grabe ka naman! Hindi ba puwedeng coincidence lang? I am here to... to spend my day off," wika pa nito at malawak siyang nginitian. Lalo lamang siya nainis sa pagmumukha ng babae.
She's an annoying creature.
Madaldal ito at makulit na kinaiinisan niya. Kaya ayaw niya itong makita dahip pakiramdam niya ay nasisira ang araw niya. Nagagambala siya nito.
But you said you want destruction? paalala ng isip ko.
Yes but not her. She's kind of irritating, kontra naman ng isang bahagi ng kanyang isip.
Oh! 'Di na-divert na ang pag-iisip mo! salungat ulit ng utak niya.
Isa ka pa! Nakakab*wesit na! Gusto ko ng katahimikan! naaasar na kontra ng kamalayan niya sa kanyang utak na nag-iiba ng landas. Sino na lang ang mag-iisip kung magkamali ang utak niya?
I've gotta get out of here! saad niya sa isip at mabilis na hinakot ang mga gamit. Pagkatapos ay tinalikuran ang nakamasid lang na disturbong nilalang.
"Wait lang, Dome!" pigil nito pero hindi niya na pinansin..Nagulat pa siya ng nasa tabi niya na ito Sumunod pala sa kanyang nang hindi niya namamalayan. Nagtimpi pa rin siya at hinarap ito.
"Huwag mo na akong sundan, puwede?Magpapahinga na ako," mahinang saad niya bago ulit naglakad. Nakasunod pa rin ito at sinabayan pa nga siya sa paglalakad.
"Hindi namn, ah!" tanggi pa nito.
Huminto siya sa paglalakad at gahibla na lang ang pasensya ko. Baka rito niya pa mabuhos ang pagkainis niya ng ilang araw ng kinikimkim.
"Then what are you doing?" malamig niyang tanong at tinitigan ito ng malamig. Kung lalaki lang 'to ay baka nabangasan na niya ang mukha. She is really annoying.
"Doon din kasi ang papunta sa cabin ko. Sige, ha! Mauna na ako. Ingat ka, Dome!" paalam nito at mabilis na naunang maglakad.
"Really? What a big lie? Panghuli na ang cabin ko!" pahabol na sigaw niya pero nagpatuloy pa rin ito at mas binilisan pa ang paglalakad.
Kaninong cabin naman kaya siya pupunta?
Samantala, hindi mapigilan ni Monique ang mapangisi sa reaksyon ni Dome. Ang sarap nitong asarin. Dahil sa ganu'ng paraan ay nakakausap niya ito kahit na mukhang naiinis sa kanya ang binata. Bahagya siyang nalungkot dahil para siyang desperada sa kanyang ginagawa pero sige pa rin siya. At least they talk.
"Panghuli na ang cabin ko!" rinig niya pang sabi nito. Napangiwi siya sa kanyang ginawa. Mukhang nahalata nito na nagsisinungaling siya.
Pero hindi ko naman talaga siya sinusundan. Nagkataon lang.
Lagi niya kasi itong naiisip at sa ilang araw na hindi niya nakikita ang binata ay hindi siya mapakali. Pero nag-leave muna siya ng ilang araw para lang makita niya ito Baka sa mga sumunod na buwan ay hindi niya na ito makikita. Pinapauwi siya sa kanilag bahay sa Santiago at nahihimigan niya ang pagkabahala sa boses ng kanyang ina noong magkausap sila. Pakiramdam niya ay may problema sa kanila at kailangan siya roon.
Nang masigurong nakalayo na siya kay Dome ay wala sa sariling naglakad-lakad lamang siya sa dalampasigan. Ang totoo ay naroon siya para makapag-isip at saktong naroon din pala si Dome.
Gusto niyang magmuni-muni muna dahil nababalisa siya sa nahihimigang lungkot sa boses ng kanyang ina.
Kung hindi ka naman regular diyan sa trabaho mo ay umuwi ka muna rito, Monica. May kailangan tayong pag-usapan at namomroblema na si tatang mo.
Iyon ang sinabi ng kanyang ina na hindi mawala sa kanyang isip. Palagay niya ay may kinakaharap na suliranin sa kanilang bahay. Ayaw naman sabihin ng ina sa tawag lang. Kailangan daw ay personal para magkainitindihan. Nag-aalala tuloy siya dahil mukhang mabigat ang problema.
"Saan mo balak pumunta?" bigla ay rinig niyang wika ng pamilyar na tinig.
"Ay p*ta!" Hindi niya napigilang mapamura dahil sa pagkagulat. Hindi niya namalayang may tao pala sa paligid at ang nakakapagtaka ay palayo na siya sa property ng resort kung saan wala man lang mga bahay. Tanging sinag ng buwan ang nagbigay liwanag sa paligid at bigla siyang kinabahan.
"Dome?!" gulat niyang sambit ng lingunin ito. Nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya na parang pinag-aaralan ang kanyang anyo.
"Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?Hindi mo ba alam na delikado rito lalo pa at hindi na ito sakop ng resort?" matigas na wika nito.
"And one more thing, dahan-dahan sa pagmumura. 'Di bagay sa 'yo," dagdag pa nito na ikinagulat niya.
Napatakip siya sa kanyanh bibig at pilit pinipigilan ang pagtili. Nakita niya namang nakataas na naman ang isa nitong kilay na parang naweweirduhan sa kanya.
"Concern ka ba sa akin?"
'Aw! Kapal ng mukha ko.'
Humalukipkip ang binata at tinitigan siya ng mataman.
"Hindi," malamig nitong tugon kaya napatawa siya ng mahina.
"Weh? Bakit mo ako pinagsasabihan?" tudyo niya at nakita niya ang pagkairita sa mukha nito.
"Will you stop being childish? Ako ang huli mong kausap bago ka pumunta rito kaya in case na may mangyari sa 'yong masama ay madadawit ako na siyang ayaw kong mangyari. I have a name to protect with. Now go back to your cabin —"
"Ang daming sinabi. Oo na po! Sasama na ako sa 'yo. Chillax! Walang mangyayari sa akin," pabiro niyang saad.
"Ew! Lumayo ka nga,"anitong umatras para 'di niya mahawakan. Plano niya pa sanang kumapit sa braso nito.
Ang arte naman talaga!
Napasunod na lang siya rito pabalik sa resort. Ngayon niya lang napansin na medyo magubat na ang bahaging iyon. Hindi niya man lang namalayan kung ilang oras na siyang lutang habang naglalakad kanina.
Nang makarating sila sa cabin nito ay hinarap siya ng binata.
"Go to your cabin now so you can get lost of my sight. Got it?" maarteng saad nito na ikinanguso niya
"Bukas na lang—"
"No! You won't show your face in front of me tomorrow. Or whenever it is," seryosong wika nito na mabilis niyang tinutulan.
"Ano? Hindi naman puwede 'yun. Ang sama mo naman sa akin. Number one fan mo ako—"
"Hindi na ngayon. I don't need a fan like you," may diin ang bawat bigkas nito sa huling pangungusap bago siya mabilis na tinalikuran. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot at nasaktan. Marahil ay naiinis na sa kanya si Dome dahil palagi siyang nakikita nito kung nasaan ito.
"O-okay. Crush na lang," pahabol niya pa kaya nilingon siya nito ng marahas.
"Ang kulit mo. Nakakairita ka!" bigla ay sabi nito kaya natigilan siya. Ganu'n ba ito magsalita? Harap-harapan at diretso.
Ang lupit! mapanakit!
Napakurap-kurap siya nang pabalibag nitong isara ang pinto ng cabin nito.
"Dome! Hatid mo naman ako. Hinatid nga kita, eh!" Pero wala na siyang narinig pa mula rito. Napasimangot na pumunta na lamang siya sa kanyang cabin. Ang totoo ay nasaktan siya. Bigo na siya pero naroon pa rin ang kanyang paghanga. She just want to be close with him because she likes him.