Nang gabi ring iyon ay lumabas si Monique sa kanyang cabin para mag-swimming na ayon sa usapan nila ni Kyros. Nakasuot siya ng black two-piece total ay gabi naman. Wala masiyadong makakakita sa kanya. Hindi niya rin kailangang mahiya kay Kyros. He is nothing for her to be intimidated.
Naglalakad na siya papunta sa tabing-dagat nang may malaking bulto ang papalapit sa kanya. Napahinto siya at inaaninag ang mukha nito.
"Dome?" gulat niyang tanong nang makilala ito. Naglalakad ito palapit sa kanya at tumayo sa harap niya mismo. Isang metro lang yata ang layo nila.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa malamig na boses.
"Ahm, maliligo? Gusto mong sumama?" biro niya rito. Bigla siyang nahiya sa harap nito dahil sa mga titig ng binata. Pakiramdam niya ay hubad siya sa paningin nito base sa mga tinging ibinibigay nito sa kabuuan niya.
I wish, anang pilyang isip niya.
"At this hour?" matigas ang boses na tanong nito. Naninibago siya rito. Kung makatanong akala mo naman ay tatay niya o boyfriend.
I Wish, ulit na naman ng pilyang isip niya.
"Maaga pa naman. Saka may kasama naman akong maligo," rason pa niya.
"Okay then. Go ahead," bigla ay sabi nito at nilagpasan siya. Papunta na ito sa cabin nito. Sinusundan na lamang niya ito ng tingin na naguguluhan. Akala niya ay pipigilan siya dahil sa nagseselos ito pero parang wala naman. Nag-aakala na naman siya.
"Akala ko pa naman magtatanong siya kung sino ang kasama ko?" Napasimangot siya at tumuloy na para maligo. Mukhang wala naman talagang pakialam sa kanya si Dome.
Ayaw na naman siguro niyang mag-isa ako dahil baka may mangyaring masama sa akin. At since siya ang huli kong nakausap ay baka madawit na naman siya. May inaalagaan pa naman siyang pangalan. The h*ck!
Padabog na naglakad si Monique papunta sa kinaroroonan ni Kyros. Mabuti na lang at may mga kasama sila kaya hindi siya mababahala. Matapos mapagod sa pag-swimming kasama si Kyros at ang mga kaibigan nito ay kaagad siyang bumalik sa cabin niya. Hinatid naman siya Kyros at tila may nais pang ipahayag sa kanya ngunit dahil naging seryoso ang kanyang anyo ay hindi na nito itinuloy. Defense mechanism niya iyon para hindi siya lapitan ng mga tukso.
"Thank you for tonight. Sobrang napasaya mo ako and this is very memorable to me."
Oh! Ano ba naman 'yan? Nginitian niya na lamang ito at nagpaalam na rin dahil giniginaw na siya.
"You're welcome! Nag-enjoy rin naman ako, eh! 'Till next time." Iyon ay kung magkikita pa tayo. Tuluyan na siyang nagpaalam sa binata.
Pagkapasok niya sa kanyang cabin ay kaagad siyang naligo at nagbihis saka muling lumabas. Nahagip ng paningin niya ang maliwanag na kalangitan.
"Wow! Ang daming bituin!" tuwang-tuwa na sambit niya. Naglakad siya malapit sa tabing-dagat at naupo sa buhanginan. Maliwanag naman ang paligid kaya kampante siyang naupo. Nakatingala siya at natutuwang tinitingnan ang mga bituin.
"It's beautiful, right?"
Bigla siyang napalingon nang may nagsalita sa kanyang tabi. Nagulat siya nang makita si Dome na nakatingala rin. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang bigla iyong tinambol ng malakas.
Pasaway! Baka marinig, huminahon ka puso!
Napatitig siya sa mukha nitong perpekto kahit nakatagilid. Ang tangos ng ilong at ang mga labi, parang gusto niyang salatin.
Bakit ang guwapo niya kahit saan tingnan?
Napakagat-labi siya. Pinipigilan niya ang sarili dahil baka mayakap niya ng wala sa oras ang kanyang katabi.
"Yeah! You're beautiful," wala sa sariling sambit niya na kay Dome nakatingin. Bigla siya nitong nilingon na nakakunot-noo.
"What?" naguguluhang tanong nito ngunit nginisihan lamang niya.
"Maganda rin bang ipinta ang mga bituin na ito ngayon?" sa halip ay tanong niya. Natigilan naman ito.
"I guess, pero sa ngayon mas maganda siyang titigan muna. Habang tumatagal kasi ay lalo siyang gumaganda. Hanggang sa ma-realize mong nakatatak na pala siya sa isip mo at namemorya mo na," makahulugang wika nito at napaisip siya roon.
Ang lalim naman nu'n.
"Anong ibig mong sabihin? Tao ba 'yan o 'yung mga bituin?" tanong niya rito.
"Hindi ba bituin ang pinag-uusapan natin?" balik-tanong naman nito at nilingon siya. Napaiwas siya ng tingin dahil nakaramdam na siya ng hiya. Pakiramdam niya kasi ay napakaromantiko ng gabing iyon. Magkatabi silang nakatingala sa mga bituin sa tabing-dagat.
"Kahit anong abot ko, hindi ko talaga siya makuha. Matagal na panahon na akong naghintay ng pagkakataon para makuha siya. Pero hindi pa rin pala puwede. Nandito lang naman ako. Nag-aabang. She's a shooting star that I wish for. Pero mali dahil panandalian lamang. Sa bituin dapat ako nag-wish para pangmatagalan," makahulugang saad nito. Lalo tuloy siyang nagulumihan. Palagay niya ay may tinutukoy ito at tiyak niyang hindi iyon bagay, tao iyon.
"Ako nagwi-wish sa mga bituin. Pero hanggang ngayon ay hanggang tanaw pa rin kita," wala sa sariling nasabi niya. Napalingon ito sa kanya na seryoso ang mga tingin.
"Gusto kita, Dome," lakas-loob na sabi niya rito. Wala man lang reaksyon ang mukha nito at nanatili pa ring nakatingin sa kanya.
"Dome," untag niya. Biglang inalis ni Dome ang tingin sa kanya. Muli itong tumingala.
"Do you like stars?" sa halip ay tanong nito. Hindi siya sumagot. Nanahimik lamang siya at yumuko. Nasaktan siya dahil wala man lang itong reaksyon sa pag-amin niya.
Basted na ba ako? Hindi pa nga ako nanliligaw,
"I like stars, too." Ito na ang sumagot sa tanong nito sa kanya.
"Gusto mo ang mga bituin dahil hindi ka na nakakakita ng shooting star?" may pang-uuyam sa tono na tanong niya rito.
"Maybe. Pero magkaiba ang halaga. Maganda kasi siya ipinta. Alam mo 'yun, palamuti minsan sa 'di karaniwang panahon. Unlike sa bituin na ordinaryo na lang. Lagi kasing nakikita," saad nito.
Potek 'yan! Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? Ang gulo! Tao ba talaga o bagay ang ipipinta niya?
Gusto na niyang mainis. Kanina pa siya nag-iisip pero hindi naman iyon bugtong.
"I'll go ahead. May trabaho pa ako," bigla ay paalam ng binata kaya napatayo na rin siya.
"Trabaho? Ano naman 'yun?" takang tanong niya dahil akala niya ay bakasyon nito.
"Painting," tipid nitong sagot at naglakad na palayo.
Napakamot siya sa ulo. Yeah! Pagpipinta pala ang trabaho nito.
"Anong ipipinta mo?" pahabol niyang tanong pero hindi siya nito pinansin hanggang sa mawala na sa kanyang paningin ang binata.
Dome... How I wish na mapansin mo rin ang ganda ko. Buti pa ang ibang mga lalaki, sinasabing maganda ako. Ikaw na gusto ko binalewala lang ako? Hah! Hindi puwede. Ang bituin nga maganda para sa 'yo kahit malayo pero ako wala pa rin kahit abot mo? I'll get what I want. At ikaw ang gusto kong makuha.