PROLOGUE
Wala sa sariling nilalaro ng kamay ni Monique ang keychain na hugis bituin. Sa tuwing nakikita niya iyon ay napangingiti siya. Binigay iyon sa kanya ng taong minamahal niya kahit mukhang ayaw nito, pero para sa kanya ay isa iyong mahalagang bagay kaya pinaka-iingatan niya iyon. Ngunit ‘di niya rin mapigilan ang makaramdam nang matinding lungkot.
Malalim na napabuntonghininga siya at tumingala sa kalangitan. Manaka-naka lang ang mga bituin na tumatanglaw sa kadiliman katulad ng nararamdaman niya na tila kay ilap ng tadhana sa kanya—malungkot at malapit nang matabingan ang saya na naroroon na dati lang ay nag-uumapaw pa.
“Bakit hindi mo ako makita? Nandito lang naman ako at alam mo ‘yon,” sambit niya sa sarili habang nakatingala sa pinakamaliwanag na bituin na ngayo’y malapit na ring maglaho—katulad ng pag-asa niya na malapit ng mawala. Pagod na siya. Sobra na siyang nasasaktan. Suko na siya. Tama na ang pagiging tanga niya.
Bago pumasok ng kanyang silid ay nagsalita pa muna siya. “I didn’t believe in fairy tale. Not until I met you. But you also destroyed my belief. You made my dream into fantasy. Pangarap na isang pantasya lang na hindi dapat nangyayari sa realidad. I will now let you go, Dome.” Nangingilid ang kanyang mga luha sa pinakawalang mga kataga na siya lang naman ang nakaririnig.
She have decided. Palalayain na niya ang sarili mula sa mga memoryang iyon. Siya lang naman ang nagpupumilit. Siya lang ang naniniwala. At isa pa, wala na siyang magagawa sa nakaatang na responsibilidad sa kanya. Kung tutuusin ay sapilitan iyon dahil ginipit ang kanyang pamilya. Wala ng makasasalba sa kanya. She’s drown already in a deep and dark path of her destiny. Nobody can save her anymore—even him. Habambuhay na siyang matatali sa kasal na kailanman ay hindi niya hinangad.
“Wala ka ng pagkakataong kumawala, Monica. Nasa iyo ang pag-asa ng pamilya natin,” biglang dinig niyang wika ng kanyang ina. Napapikit siya nang mariin at pilit na pinipigilang huwag kumawala ang anumang kinikimkim na sakit sa kanyang dibdib, sama ng loob at pagkabigo. She is so unlucky.
“Alam ko, ‘ma.” Hindi niya napigilang maisatinig iyon sa malamig na paraan.
Buong buhay niya ay hinahayaan siya ng mga magulang. Sinunod lahat ng nais niyang gawin kahit salat sila sa yaman. At ngayon ay hindi niya lubos maisip na may kapalit pala ang lahat—ang kanyang kaligayahan at kalayaan. Lahat ay ipagpapalit niya para sa kanyang pamilya at isa iyong sakripisyo sa kanyang bahagi.
“Sana maintindihan mo kami, anak. Para din sa ‘yo ang bagay na ito,” pagpapaunawa ng butihin niyang ina.
Mapait siyang ngumiti at pumihit paharap sa ina. “Tinatanggap ko nang maluwag sa puso ang lahat, Ma. Huwag ka na pong mag-alala,” pagsisinungaling niya. Niyakap siya ng kanyang ina at muli siyang napaluha. Maging ang kanyang ina ay ramdam niya ang mahinang paghikbi. Alam ng ina niya ang tunay niyang nararamdaman pero wala na rin itong magagawa.
‘Is this goodbye? Hindi ko man lang maranasang sumaya kahit saglit sa kanya.’
Tila sumisikip na naman ang kanyang puso. Kasabay ng masaganang luha ay ang pagdaloy rin ng nakaraan sa kanyang isipan kung saan siya naging maligaya nang ‘di niya inaasahan kahit na siya lang siguro ang nakaramdam ng mga iyon. May mahal na iba ang kanyang mahal kaya talo siya sa usaping iyon. Ayaw na niyang umibig kung pagdurusa lang din ang kanyang makakamit.