DANA's POV
"ARRGHH!"
Padabog akong pumasok sa office ng mama ko rito sa loob ng mansion. Nadatnan ko itong naka-upo at nag-aayos ng sarili niya.
"What is it again this time, Dana? H'wag mo 'kong artehan ng ganyan, ha, busy ako."
"Nakakainis talaga 'yang anak ni tito Carlos! Punong-puno na 'ko sa kamalditahang ipinapakita niya sa akin,”
Sinulyapan ako ni mama. "Sinong mas maldita sa inyo?"
"Syempre ako! Hindi niya 'ko puwedeng malamangan sa lahat ng bagay," pagtataray ko. Nag-krus pa nga ako ng mga braso. "Simula no'ng dumating 'yang babaing 'yan, etsapuwera na 'ko rito, lalo na sa mga mata ni grandpa. You know what mom, lahat ng atensyon nila nasa kanya. But look at her, she's just wasting everything na ibinibigay sa kanya ng pamilyang 'to. This is so unfair!" sigaw ko ang umaalingawngaw sa kabuuan ng silid. Halos mapaos ako sa sobrang inis.
Simula noong dumating si Ziana, nawalan na 'ko ng puwesto sa paningin ni grandpa. Imbes na ako ang purihin ng lahat, nagiging siya ang mas lamang sa amin.
"Calm down, Dana. Nag-uumpisa pa lang ang laban. Hayaan mo munang magsawa 'yang matandang 'yan kay Ziana. Darating din ang oras na ikaw ang mapapansin niya,"
"How can I calm down, mom? Inaangkin niya ang trono ko. Gusto ko, mas malaki ang mamanahin ko kaysa sa babaing 'yon at sisiguraduhin kong mapapatunayan ko ang galing ko sa paghawak ng isang malaking kumpanya gaya ng Wang Cooperation,"
Sinamaan ko ng tingin si mama nang marinig ko ang paghalakhak nito at saka tumayo sa kinauupuan niya. Lumapit ito sa akin at nginitian ako nang nakakaloko.
"Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" pagsusungit ko.
"Anak nga kita, Dana. Ang taas din ng pangarap mo, 'no? Mind your business, h'wag mong aagawin sa akin ang puwesto ko. For sure, malapit-lapit na rin ang pagpanaw ng lolo niyo, at malakas ang kutob ko na ako ang pipiliin na maging President ng kumpanya kaysa sa kapatid ko. Don't expect na ikaw ang hahawak, bata ka pa, asikasuhin mo 'yang karibal mo!"
Napangisi ako. "Sabagay, may punto ka aking ina."
Nginitian ako ni mama. "Like mother, like daughter. Kaya huwag mong hahayaang malamangan ka ng babaing 'yon. Isipin mo, sampid pa rin siya sa pamilyang ito. Wala siyang karapatang agawin ang mana natin."
Nagngitian lang kami ni mama ng nakakaloko.
Nagmana nga talaga ako kay mama. Naalala ko pa ang lahat noong itakwil kami sa pamilyang ito. Muntikan pa kaming pulutin sa basurahan. Hindi noon tanggap ni lolo na buntis si mama kaya sobra na lamang ang pagkamuhi nito. Awang-awa ako kay mama noong ikinukuwento niya ang buhay nito sa akin.
Hindi ko naman hinangad ang isang amang babaero, iniwan din nito ang aking ina noong nalaman niyang nagdadalang-tao ito. Ako iyon ang pinagbubuntis ni mama. Nalaman ni lolo ang tungkol do'n, kaya itinakwil siya sa pamilya.
Ngayong alam ko na ang kuwento at pinagdaanan ni mama, hinding-hindi ko na hahayaang mangyari ang sakit na noong nagpahirap sa kanya.
Ako ang babawi, ako ang magtatanggal ng kapangyarihan na mayroon silang lahat.
Nagtaas ako ng kilay. "Sisiguraduhin kong... luluhod ang mga tala, mother dear..."
"You, go girl! H'wag mo naman silang pahihirapan ng todo, anak,"
Ngumisi ako. Naningkit ang mga mata ko. "Hindi ko sila pahihirapan, isang galaw ko lang sa gatilyo, mawawala na sila sa mundong 'to," pagtataray ko.
Kapag sinabi ko, seryoso ako.
TUMUTUNOG ang takong ko sa tuwing naglalakad ako. Pakiramdam ko ay may kapangyarihan ako, 'yon bang isang malakas na babae.
"Yaya! Yaya!" inis na sigaw ko nang makalakad ako sa sala. Kanina pa ako sumisigaw ngunit ni isang maid ay walang lumalapit sa akin. "Ano ba namang klasing mga maids 'to! Wala kayong kakuwenta-kuwenta! Yaya! Juice ko naman!”
Napahinto na lang ako nang makita ko ang pagtakbo niyong isa naming maid. Takot na takot itong lumapit sa akin.
"Pa-Pasensya na po, Ma'am-"
"Madame! Call me, madame Dana! Kailangan ba pa-ulit-ulit tayo, manang?!"
Ang sakit sa kilay! Argghh!
( ̄ヘ ̄;)
Mayamaya pa ay may mga dumating pang iba. Nagsiyukuan sila sa harap ko.
"Kanina pa 'ko nagtatawag dito, ah?! Mga bobo ba kayo?! Wala ba kayong mga tainga, ha?!"
"Pasensya na po, madame!"
"Anong pase-pasensya?! Alam niyo ang patakaran sa pamilya namin. Walang kukupad-kupad, walang pa VIP treatment dito!" sunod-sunod kong sermon sa kanilang lahat.
"Ma-Madame, pagpasensyahan niyo na po. May pinapagawa po kasi sa amin si Lady Wang, magpapa-picnic daw po siya sa pool area mamaya,"
Kumunot ang noo ko. "What did you just say? Lady Wang? She's not an empress, you don't have to call her that way! At saka, anong picnic, aber? Hindi ba niya alam na bawal ang gano'n dito sa mansion?!"
"Madame, kasi 'yon po ang utos niya. Sumusunod lang din po kami kung ano ang-"
"Shut up! Nakakabingi ka!"
Tinarayan ko ito at nagsimulang magmartsa paalis. Bago pa man ako makalayo ay may narinig akong bulong mula sa kanila.
"Ikaw nga 'tong nakakabingi, eh,"
Nilingon ko silang muli. "Anong sinabi mo?!" pasinghal na tanong ko sa isang babaeng maid.
"Wa-Wala po..." Yumuko na lamang ito at saka mabilis na umalis.
Wala sa sarili akong napahawak sa noo ko. "My gosh! Paano ba ako nabuhay sa environment na ganito?!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa pool area. Kitang-kita ko mula sa hindi kalayuan sina Ziana, Chicha at ang iba pang mga maids. Nasa malayo pa lang ako ay umiinit na ang ulo ko. Sa tuwing nakikita ko siya ay kusa na lang akong nagagalit sa kanya.
Nadatnan ko silang nag-iihaw. "The hell, what's that smell?! Ang bantot naman!"
Tinakpan ko pa iyong ilong ko dahil sa naamoy ko.
"Kung ayaw mo ang amoy, puwede ka namang umalis dito, 'di ba? O sadyang, nagutom ka lang talaga kaya ka naparito," sa dulo ay nagpeke ng ngiti si Ziana.
"What the hell are you saying? Una, hindi ako kumakain ng ganyang karuruming pagkain. Pangalawa, amoy pa lang, nabubulok na. Kaya pala, pinulot ka rin sa basurahan, ang hindi nila alam na nangangamoy ka rin katulad nila!"
Susugurin na sana ako nito nang hawakan siya ni Chicha.
"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" nanggagalaiting aniya.
Natawa ako. "Guilty ka? Bakit, tama ba 'ko?"
"Hindi ako basura at lalong hindi ako nangangamoy plastik katulad mo!"
"Eh, ano bang dapat? Ang sabihin mo, pilingera ka. Hindi ka lumaki sa pamilyang 'to, kahit anong gawin mo, nasa katawan mo pa rin ang pagiging basura mo! Umaalingasaw pa rin ang bulok mong pagkatao!"
"Pumunta ka lang ba rito para sumbatan ako?! Kasi kung wala kang tamang sasabihin sa akin, puwede ka nang umalis dito,"
Nanlaki ang mga mata ko kapagkuwan ay nginitian ko lang ito ng nakakaloko. "At bakit ako aalis? First and foremost, dito ako nakatira!"
“Talaga, hindi ka rin nababagay rito. Kung ako basura, ikaw, parang chewing gum na kapag pinagsawaan na, itatapon na lang sa kung saan-saan. H'wag kang nagmamalinis, Dana, gaya mo, pinulot lang din kayo sa basurahan!" sumbat nito sa akin na mas lalong ikinagalit ko.
Nilapitan ko ito at agad sinampal. "How dare you! You don't have the right to insult me like that! Hindi kami pinulot sa basurahan ni mama. Mas malinis kami kaysa sa iyo," kalmadong tugon ko ngunit may diin sa bawat salita.
Mas lalo akong nagiging palaban sa tuwing kaming dalawa ni mama ang pinag-uusapan. Lalo na ang sitwasyon ni mama. Hindi ko man nakita ang pagpapahirap sa kanya noon, ipakikita at ipararanas ko naman sa kanila ang hirap ngayon.
Dodoblehin ko ang sakit.
"Bakit? Guilty ka? Kasi totoo. Sipsip ka, sipsip ka sa lahat ng tao rito, tama ba 'ko?"
Sinusubukan kong magtimpi, umiinit na ang mga mata ko.
"Shut up, Caszianna! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ng pamilya ko noon! At ikaw naman... ayus-ayusin mo 'yang sarili mo, h'wag mong gamitin ang kapangyarihan mo bilang isang Wang dahil umpisa pa lanh, hindi ka namin ka-level, Miss Eunri Manuel."
Nagulat na lang din ako nang bigla rin ako nitong sampalin. Ramdam ko kung gaano iyon kalakas.
"Isa ring sampal para sa iyo, Dana..."
Pinanlisikan ko ito ng mga mata. "You b***h!"
Hindi na ako nagsayang ng oras at sinugod ko na ito. Sinabunutan ko siya ng sinabunutan. Aaminin kong mas mapuwersa siya sa akin. Hindi ko ikakailang kaya niya akong pataubin.
Ngunit nakaisip ako ng kalokohan kung paano ko babaliktarin ang sitwasyon. Hinila ko siya palapit sa pool. Nang makalapit ako ay agad ko siyang sinabunutan ngunit inihulog ko rin ang sarili ko sa tubig.
"Dana!" sigaw ni mama na kararating lang. Nakita nito kung paano ako mahulog sa tubig. "Why did you pushed my daughter?!" galit na galit na sumbat ni mama kay Ziana.
Marunong naman akong lumangoy kaya hindi problema sa akin iyon. Tinulungan ako ni mama na maka-ahon.
"Here's the towel, baby,"
Ibinalot sa akin iyon ni mama at niyakap ako. "Are you okay? May masakit ba sa iyo? Sinaktan ka ba niya?”
Kunwari akong naiiyak. "Tinulak niya 'ko, wala naman akong ginagawang masama sa kanya, eh." Kunwaring mangiyak-ngiyak na sambit ko.
Nginisian ko si Ziana nang magkatinginan kami.
"What's happening here?"
Napalingon kami sa gilid nang dumating na sina lolo, tito Carlos at Clynt.
What a nice timing!
Sakto ito upang makita ni lolo kung gaano kasama si Ziana. Ngayon, ay mapapaikot ko ang utak ni lolo.
"Bakit basang-basa ka?" tanong sa akin ni lolo.
Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Si Ziana, grandpa. Sinabunutan niya 'ko at itinulak sa pool. Grandpa, look what she have done to me! Wala siyang awa!" Kunwari kong pinunasan ang mga mata ko kahit wala naman talagang luhang pumapatak.
Lumipat ang atensyon ni lolo kay Ziana. "Is it true, Ziana?"
"Hi-Hindi po... siya mismo ang naghulog sa sarili niya sa pool! It wasn't me!" sagot nito.
"Magsisinungaling ka pa? Eh, kitang-kita ko kung paano mo saktan at api-apihin ang anak ko. Hindi ka na nahiya, wala kang respeto!" singit ni mama.
"Hindi naman siguro mangyayari 'yon kung hindi siya iniinis ng anak mo," rinig kong pagdepensa ni tito Carlos kay Ziana.
"What?! Anak ko pa ang masama, Carlos? Look... sa buong buhay ko, ikaw na lang ang laging tama. Kaya puwede ba... alang-alang sa anak ko, h'wag mo naman kaming itulak pababa! This is so unfair! You always treat me as your opponent! I'm your sibling, Carlos, hindi ako ibang tao rito!"
Ngumisi si tito Carlos. "I'm not treating you that way, Carmie."
"That's enough! Tama na! Mahiya naman kayo sa pamilyang 'to!" sigaw ni lolo na ikinatahimik ng lahat. "Pantay-pantay lang ang trato ko sa lahat, kung sino ang naaagrabiyado, siya ang poprotektahan ko. Respect is very important to this family!"
Pasimple kong nginingisian si Ziana. Hindi ito makaimik, nanatili itong nakayuko.
Hahaha! Poor, Ziana. Lagi na lang talo sa pagkuha ng atensyon ni lolo. This is good! Gusto ko 'to! Pananatilihin kong may galit si lolo sa iyo. I won't let you ruin my life, I won't let you get my trone.
"Ayoko nang maulit 'tong nangyari!" pagdidiin ni lolo. "And you, Ziana..."
Nag-angat ng tingin si Ziana.
"Come to my office... now!"
Walang imik na tumango si Ziana at naglakad kasunod ni lolo.
Umiling-iling-iling lang ako habang pinapanood ang likod niyang paalis sa harap ko.
I did a great scene today! Mas lalo ko pang pagbubutihin ang paninira sa kanya.
NAGPUPUNAS ako ng buhok nang makalabas ako sa banyo. Nag-inat-inat ako. Medyo napagod ako ng kaunti sa nangyari kanina. Pero hindi bale, worth it naman 'yong eksena. Kapani-paniwala. Ang galing ko talaga!
"Very good, daughter!"
Ibinigay sa akin ni mama 'yong isang basong may wine. Agad ko naman iyong tinanggap.
"Gānbēi!" Iniangat ni mama iyong baso niya sa akin at nakipag-toast. (Cheers!)
"Gānbēi!" Pag-uulit ko at saka nilagok iyong wine.
"Ang ganda ng eksena kanina, gusto ko iyang acting skills mo, anak,"
Nagtaas ako ng kilay. "I told you, mom. Hindi ako basta-basta nagpapatalo sa isang katulad niyang walang kuwentang tao! Wala siyang pakinabang sa pamilyang 'to, mom. Nababagay lang siya sa kalye!"
Tumangu-tango siya. "That's great. Kuhain mo lang ang atensyon ng grandpa mo at ako naman ang bahala sa puwesto ko. Unti-unti kong aagawain sa kanya ang kumpanya. Pagkatapos niyon, magiging malaya na tayo. We can do whatever we want to do. Walang makapipigil sa ating magawa 'yon,"
Nilapitan ako ni mama. Hinaplos-haplos pa nito ang mahaba kong buhok.
"Yes, mom. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Makukuha ko lahat ng matitipuhan ko. Walang makapipigil sa atin, mommy. Makakabawi tayo sa lahat ng paghihirap na ginawa nila sa atin,"
Nginitian na lamang ako ni mama sa mga sinabi kong 'yon.
I promised to her that I will protect her no matter what happens. Hindi ko hahayaang tapak-tapakan ang pagkatao namin.