Chapter 1

2519 Words
MAGTA-TANGHALI na ngunit hindi pa rin ako makatayo sa hinihigaan kong kama. Napuyat yata ako sa event na nangyari kagabi. "Lady Wang! Lady Wang, gising na po!" Napakunot ang noo ko dahil sa narinig kong sigaw na 'yon. Pagbukas ng pinto ay agad akong nagtalukbong ng kumot. Wala pa akong ganang tumayo sa kinahihigaan ko. "Lady Wang!" "Cha, ang ingay mo! Puwede ba, mamaya na lang?!" pagrereklamo ko sabay kamot ng ulo. "Lady Wang, anong oras na po, tinanghali na po kayo ng gising. H'wag mo na pong hintayin si President na umakyat dito sa kuwarto niyo," Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yong mga katagang binanggit ni Chicha. Sa sobrang pagmamadali kong makatayo ay bigla na lang akong nahulog sa sahig. "Aaaahhh!" "Lady Wang! Okay ka lang ba?!" Umayos ako ng upo habang hawak-hawak ang noo ko. Sa sobrang sakit niyon ay napapa-aray na lang ako. Buti na lang ay hindi ako tumama sa side table na nasa tabi ng kama ko. "Puwede ba, Cha, h'wag mo na 'kong tawaging Lady Wang. At isa pa, hindi naman ako empress sa isang palasyo, ano, okay?" Iniabot ko ang kamay ko sa kanya at tinulungan niya akong makatayo. "Bakit ba late ka na naman nagising, ha? Alam mo namang hindi 'yon gusto ni President," Ang tinutukoy niyang President ay 'yong lolo kong si President Li Hui, siya ang ama ng daddy kong si Carlos Wang. Istrikto ang lolo ko, he's impatient. Lahat ng bagay ay dapat minamadali. Hindi dapat nagsasayang ng oras. "Cha, tulungan mo naman akong makalusot, oh..." pagmamakaawa ko sa kanya. Napa-upo akong muli sa kama ko. "Ziana, ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na dapat nagpapaalam ka sa tuwing lalabas ka ng mansion. Apo ka ng Presidente, hindi ka maid dito. Dapat lang na maprotektahan ka nila." Siya naman si Camiah Hidalgo, ang assistant dati ni papa rito sa China pero sa ngayon ay siya na muna ang may hawak sa akin. Mas gugustuhin niyang tawagin ko siyang Chicha kaysa Camiah, bulok daw kasi iyong pakinggan. Tumayo ako. "Gusto ko lang naman maging ordinaryong mamamayan ng Tsina," "Kahit anong gawin mo, hindi ka ordinaryong tao rito. May pinanghahawakan kang apelyido at kailangan mong sundin 'yon sa ayaw at sa gusto mo. Are we clear?" "Pero Chicha—" "Don't be such a hard headed, Ziana. Dalian mo na ang pagkilos diyan, kilala mo ang lolo mo, ayaw niya 'yong mabagal kumilos," Napabuntong-hininga na lang ako nang maunang lumabas ng kuwarto si Chicha. Madalas ay pumupuslit na lang ako sa tuwing lalabas ng mansion. Masyado kasing mahigpit ang mga taong nagbabantay rito. Tama nga si Chicha, may apelyido akong pinanghahawakan, ayoko rin namang madungisan iyon nang dahil lang sa kagagawan ko. Sumulyap muna ako sa ibaba nang makalabas ako ng kuwarto. Talagang sinasadya kong magpahuli ng gising para hindi ko madatnan ang lolo ko rito sa loob. Medyo tahimik naman na, mga maids na lang ang nakikita ko kaya dahan-dahan na 'kong bumaba ng hagdan. "Hoy!" "Ahyy kalabaw!" Muntikan na 'kong madulas nang makababa ako ng hagdan. "Ano ka ba?! Bakit ka ba nanggugulat diyan?" Inis na sambit ko kay Chicha. "Akala mo nakatakas ka na kay President? Nagkakamali ka," Hinawakan nito 'yong kamay ko. "Uyy, teka... ano bang ginagawa mo?" "Kanina ka pa nila hinahanap, ikaw na lang ang hinihintay sa hapagkainan," Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod kay Chicha. Kahit anong palusot ko, hindi talaga ako makakalusot. Sa sobrang tino nitong nagbabantay sa akin ay halos wala na 'kong magawa sa tuwing gusto kong gumawa ng mali. Inayos ko ang sarili ko nang makarating kami sa dining area. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga paningin namin ni lolo. Naro'n na rin si kuya Clynt na tahimik na kumakain. Tatlo lang kami rito dahil madalas ay nauunang umaalis ng mansion si papa. "Zǎo shang hǎo, President Li Hui," walang emosyong bati ko sa kanila at sandali akong yumuko upang magbigay galang. (Good morning) "Zǎo," malamig na sagot ni lolo. "You don't have to call me that way when we're at home," Yumuko ako sa pangalawang pagkakataon. "Duìbuqǐ," humina 'yong boses ko. (Sorry) (Pronounce as dway boo chee) "Sit down and eat your breakfast." Tumango na lang ako. Pinanghila ako ng upuan niyong isang maid at umupo na. Nagsimula na 'ko sa pagkain. Hindi ako masyadong kumportable sa puwesto ko. Lagi na lang akong nakayuko. Iniiwasan ko na lang na mag-eye to eye contact kami ni lolo dahil pakiramdam ko ay nakukuryente ako. "Napapadalas yata ang paggising mo ng late," Nag-angat ako ng tingin kay kuya. "Hhmm?" Kuya naman, h'wag mo naman akong ilaglag kay lolo, masesermunan na naman ako nito, eh. (*﹏*;) "In the whole two years na pamamalagi mo rito, tamad ka pa rin! Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo? Alam mo... mas mabuting bumalik ka na lang sa Pilipinas," Sinamaan ko na lang ng tingin si kuya. "Alam mo... nakakatuwa ka. Kumain ka na nga lang..." Habang tumatagal ay bumabalik kami sa dati ni kuya. Lagi na rin kaming nagbabangayan. Siguro dahil kumportable na 'ko na kuya ko siya. "Napapansin ko rin ang lagi mong paggising ng tanghali. Sinasadya mo ba?" rinig kong ani lolo. Umiling-iling ako. "Hi-Hindi po..." "Umiiwas ka ba sa akin?" "Hindi po, lolo." Napangisi ito sa sagot ko. "Sounds like a stinky fish, dear. Call me grandpa instead," Tumangu-tango na lang ako bilang sagot. Noong unang salta pa lang ako rito ay ganito na ang ugaling ipinapakita sa akin ni lolo. Pakiramdam ko ay hindi niya 'ko tanggap bilang apo niya. "Alam kong alam mo na ayoko sa mga taong laging nahuhuli," Ginagalaw-galaw ko lang 'yong pagkain ko, hindi ko iyon kinakain dahil nakikinig ako sa diskusyon ni lolo. Halos araw-araw yata akong nasesermunan. "Mahalaga sa akin ang oras, Caszianna. Wala akong sinasayang na oras para sa mga walang kuwentang bagay gaya ng pagkulong sa kuwarto." Medyo napalunok ako sa sinabing 'yon ni lolo. Oo na, natamaan na 'ko. Lagi ko kasing gawain 'yon. (─.─||) "Ano bang nakukuha ng tao sa palaging pagkulong sa kuwarto, ha?" Nag-angat ako ng tingin kay lolo. "P-Po?" "Ahh... President, Li Hui, nagkataon lang po ang paggising niya ng late ngayong araw. Naiintindihan ko rin naman po iyon dahil napagod si Lady Wang sa event kagabi..." pagpapaliwanag ni Chicha sa likod ko. "Shut up, Chicha, I'm not talking to you." Pinanlisikan ni lolo ng mata si Chicha kaya hindi na lamang ito umimik pa. "What's that? Nagkataon pero araw-araw ginagawa? That's not a valid reason, Caszianna!" Medyo tumaas na ang boses ni lolo. "Sorry," "Stop saying sorry! Don't be such a lazy person lalo na't isa kang babae. Alam mo ang patakaran ko sa pamamahay na 'to. I hate being late, I hate being lazy. Gawin mo ang dapat mong gawin para makatulong kang umunlad, you're not a kid anymore, stop faffing around, stop playing games, mag-invest lang sa pamilya hindi mo pa magawa!" Pabagsak na ibinaba ni lolo 'yong napkin niya sa ibabaw ng mesa at agad tumayo. Walang araw na laging mainit ang ulo niya sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya niyang puntiryahin ako o ano. Nagkatinginan kami ni kuya bago ito makatayo. "Mag-a-update na lang ako kay Chicha kung may kailangan ka pang pirmahang papeles. For now, just stay here. Hintayin mo na lang humupa ang galit sa iyo ni grandpa..." Ibinaba ko 'yong kutsara ko. "Lagi naman siyang galit sa akin," pabulong na sambit ko ngunit alam kong narinig naman niya iyon. "Gano'n talaga siya, kilala mo naman si grandpa, 'di ba?" Humalukipkip na lamang ako at hindi na sumagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa harap ko. "Sige na, I have to go." Pinunasan nito ang bibig niya gamit ang napkin at sumunod na rin kay lolo na umalis. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, Ziana. Hindi ka kasi nakikinig sa akin, eh. Buti na lang nailigtas kita kanina..." "Anong nailigtas ka riyan? Oo nga, sabihin na nating nailigtas mo 'ko pero hindi nakalusot 'yang palusot mo. Hindi pa rin gumana. Mas pinalala mo pa 'yong galit sa akin ni grandpa," Inirapan ko ito ng tingin. "Kasalanan mo rin kasi, eh, 'no? Kung inayos mo 'yang ugali mo sa harap ni President Li Hui, eh, hindi sana magagalit 'yon sa iyo?" "Ano pang aasahan ko? Unang salta ko pa lang dito, eh, galit na 'yan. Parang... hindi niya yata ako tanggap bilang apo niya," "Puwede ba 'yon?" Nagtaas ito ng kilay. Tumangu-tango na lang ako. "Puwede. Malay mo, si kuya lang talaga ang gusto niya. Parang sa classroom, may isang teacher na favoritsm..." "Hindi naman siguro," Umiling ako at tumayo na rin. "Hayaan mo na. Tapos na 'yon. Ngayon, iisipin ko na lang muna kung anong gagawin ko sa buong maghapon," Nagsimula na 'kong maglakad habang ito ay nakabuntot lamang sa likod ko. "Bakit hindi ka mag-swimming? Magpa-party kaya tayo mamayang gabi?" "Sa tingin mo may makakapansin sa atin? Lahat ng tao sa mansion na 'to, abala sa trabaho, puro business. At saka, baka mapagalitan na naman tayo ni grandpa," tugon ko. Hindi ko lubusang maisip kung bakit gano'n ang pakikitungo sa akin ng aking lolo. Ipinapakita ko naman 'yong galing ko sa lahat ng bagay pero pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat ang mga iyon. I tried to caught his attention but it ended up nothing. Alam niya kung pagaaksayahan niya ba ng oras ang simpleng bagay o hindi. Kaya lagi na lang akong tahimik sa tuwing kasama ko sila. Tila ako ay isang hangin na lumilipad sa ere, walang nakakapansin, walang nakararamdam. Hindi lang pala isang hangin, kundi isang parang lumulutang na multo. Naupo ako sa sofa dala ng aking laptop. Wala akong maisip na gawin kaya tatawagan ko na lang si Tads sa Pilipinas. Kahit gaano pa ako kalayo ay hindi pa rin nawawala ang komunikasyon namin. "You want something to eat?" Nilingon ko si Chicha sa likod. "Yes, please. Thank you, Chicha," "No problem, Lady Wang!" "I'm okay with my name, Chicha. You don't have to call me that way..." tugon ko rito. "If that's what you want, Ziana," Tumango na lang ako at ibinaling ang atensyon ko sa laptop. Ilang minuto ang nakalipas ay sinagot na rin sa wakas ni Taddiah 'yong tawag ko. "Sorry, ngayon ko lang nasagot 'yong tawag mo. Naglalag kasi 'tong bwisit na laptop ko, eh," Bahagya akong natawa sa asta nito. "Okay lang, pati ba naman yang laptop ay pagbubuntunan mo ng galit," "Sino ba namang hindi magagalit sa gano'n, 'di ba? Oh, kumusta ka na pala riyan? Galit pa rin ba sa iyo 'yang lolo mo?" aniya habang lumalamon ng chips. "Okay naman ako." "It seems you're not," Napansin ko si Chicha na kararating lang dala ang isang tray. Nakalagay roon ang isang baso ng juice at mga cookies. Sumenyas na lang ako na ilagay niya iyon sa gilid ko. "As usual, what should I expect for?" Bumuntong-hininga ito. "Umuwi ka na kaya rito. Para naman hindi ka na nasasakal diyan ng lolo mo," "Gustuhin ko mang magdahilan para maka-uwi... hindi rin ako makakalusot sa kanya. Kilala ko si lolo, mapagmatiyag 'yon, kahit oras ng pagtulog ko, alam niya," Natawa si Tads ng pagak. "Grabe naman 'yan, Hahaha! Daig mo pa ang nakakulong, ah," Napabuntong-hininga ako at uminom ng juice. Malaki na rin ang pinagbago ni Tads sa dalawang taon. Mas lalo itong gumanda, hindi na siya 'yong mukhang lalaking manamit. "By the way, I just want to inform you about our upcoming reunion." Muntikan ko nang maibuga 'yong juice sa bunganga ko. Agad akong napatingin kay Tads. "What? Reunion?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yeah, we will be reunited again," nakangiting sambit nito. "Sino bang may pakana niyan?" Inis kong inilapag sa tray 'yong baso ng juice. "Naisip lang namin ni Jervice 'to, at saka magre-retire na soon si Mrs. Pink, why don't we throw a small event for her? Dalawang taon naman na ang nakalipas, Ziana, hindi ka pa rin ba naka-move on sa boylet mong hindi ka pinili?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy! Anong boylet? Never naging kami, 'no?" "Ahysus! Bakit parang guilty ka?" Napahinto ako sa sinabi niya. Kilala ko kung sinong lalaki ang tinutukoy niya. It's Yuji. Aaminin ko, may mga oras na naiisip ko pa rin siya. Pero hanggang do'n na lang 'yon. Alam ko na kung ano ang limitasyon ko. "Alam mo ikaw? Ang isyu mo!" "Pero seryoso... uuwi ka ng Pinas, ha? Hihintayin ka namin ni Vice, ni tita Zen," Nginitian ko na lamang ito. "Please... kayo na muna ang bahala kay mommy. Dalawin niyo siya kahit dalawang beses sa isang linggo," "No worries. Dumadalaw naman kami ni Vice sa inyo. H'wag ka nang magaalala, okay? Mabuti naman ang kalagayan ni tita Zen," "Salamat, Tads." "Wala 'yon. Sige na... may pasok pa kasi ako. Mag-iingat na lang kayo riyan, regards kay tito Carlos at kay Clynt." Tumango ako. "Sige. Mag-iingat din kayo," Kinawayan ko siya on screen at saka ko pinatay 'yong linya. Sasandal na sana ako sa kinauupuan ko nang bigla kong makitang papalapit sa akin si Dana. (Pronounce as Deyna) "I heard everything kung anong pinag-uusapan niyo ng pilingera mong kaibigan," Nagtaas ako ng kilay. "Ano naman ngayon? Mind your own business, Dana." Tumayo ako. Akmang lalagpasan ko na sana ito nang hilain niya 'yong braso ko. "I'm not done talking to you, b***h!" "Ano bang problema mo?!" Nag-krus ito ng mga braso at nagtaas ng kilay. "I heard na pinag-uusapan niyo si grandpa. How could you saying those such words, Ziana. You didn't respect him as the highest President of our company! He just want the best for us!" Napangisi ako. "Alam mo ikaw? Ang hirap sa iyo... sipsip ka!" Nagpeke ito ng tawa. "Sipsip? Talaga? Baka ikaw!" "Don't me, Dana, I know you..." "You just know my name, not my personality, Ziana. Tutal, napapansin mo namang ayaw ka ni grandpa, ikaw na lang ang lumayo. Umalis ka rito gano'n, oh, 'di kaya kunwari nawawala ka, kinuha ka ng mga kidnappers at saka 'di ka na nakabalik," Lalapitan ko na sana ito nang biglang sumingit sa pagitan namin si Chicha. "Oopss! Teka lang... wait lang, okay? Itigil niyo na 'yan at baka madatnan pa kayo ni President Li Hui ng wala sa oras," ani Chicha. "Pasalamat ka, nakahanap ka ng kakampi mo!" pagtataray nito sa akin. Nginiwian ko ito. "Pasalamat ka rin sa akin, kung hindi lang sumingit si Chicha, kanina ko pa iniuntog 'yang pagmumukha mo," "How dare you!" Pinandilatan ko ito. "Ang pangit mo!" sumbat ko at saka nilagpasan siya. Sinadya kong bungguin ang balikat niya. "Arrghhh!" rinig kong reklamo nito. Nakangiti lang ako habang naglalakad palayo. Siya ang pinsan kong si Dana, siya ang anak ng tita ko na kapatid ni papa, hindi ko rin alam kung bakit sobrang init ng dugo niya sa akin. Mas lalo akong nagiging matapang sa tuwing kaharap ko siya. Umeepal lang 'yan dahil ayaw niyang nalalamangan siya. Tama naman ako, I'm better than her. Hindi ko man makuha ang atensyon ni lolo, alam ko sa sarili ko na ginagawa ko naman 'yong makakaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD