Forever With You Prologue
Book One: Fall For You
Book Two: Forever With You
This story contains spoilers for Fall For You Book One.
Hinihiling na basahin muna ang unang libro bago mamalagi rito. Salamat. ♥️
*****
SABI nila, para makalimot ang isang tao, kailangan niyang magpakalayo-layo muna. At iyon nga ang ginawa ko. Nakalimutan ko ang dating ako. Pakiramdam ko, isa na 'kong bagong babae nang makatapak ako sa bansang Tsina. Nakakapanibago ngunit natuto rin akong makiayon sa mga tao rito.
Naglalakad ako ngayon sa kalagitnaan ng maraming tao rito sa Beijing. Weekend ngayon kaya maraming dumarayo sa iba't ibang lugar. Binabalot ang araw ko ng kasiyahan. Kahit saan ako tumingin ay nakangiti silang lahat. Masaya na animoy walang dinaramdam na problema.
Nakasuot ako ng loose tees sa panloob, naka-tack in iyon sa candy pants ko. Dahil medyo malamig na ang panahon, naka-trench coat din ako. Bawat paghakbang ko ay sabay sa tunog iyong mga boots kong suot. Nagbago na ako, hindi na ako 'yong dating Ziana na kilala ng lahat. I also cut my hair. Sobrang iksi na nito hindi gaya noon, hanggang sa ibaba na lang yata ng baba ko itong gupit ko.
Binuksan ko iyong sling bag ko at kinuha 'yong sunglasses ko. Isinuot ko 'yon na para bang isang mayaman na babae. Nagfi-feeling sosyal na naman. Isinuksok ko pa iyong mga kamay ko sa bulsa ng trench coat ko para mas lalo kong ramdam ang paglalakad ko.
Ine-enjoy ko ang paglalakad habang pinagmamasdan ang malalaking gusali sa paligid ko. Dalawang taon na 'ko rito ngunit hindi pa rin ako gaanong marunong mag-mandarin. May mga alam nga ako ngunit mga basic words and phrases lamang ang mga iyon.
Napakunot ako ng noo nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Bumagal iyong paglalakad ko dahil kinuha ko iyon mula sa sling bag ko.
"Nî haô?" sambit ko sa kabilang linya. (Hello)
"Nǐ tzài nǎlǐ? Kanina ka pa hinihintay ni dad at lolo, ano ka ba? Mahuli ka na sa lahat ng meetings, h'wag lang sa importanteng event ng kumpanya. Hurry up and get here now!" (Where are you?)
Inilayo ko nang bahagya 'yong cellphone ko sa tainga dahil sa sunod-sunod na sigaw ni kuya Clynt sa kabilang linya.
"Hindi na ba makapaghihintay 'yang event ni lolo? Nag-eenjoy pa 'kong naglalakad dito, eh,"
"What?! Naglalakad ka? Juice mayonnaise, Caszianna! Ano ba 'yang pinaggagagawa mo? Sightseeing sa Beijing?"
Natawa ako sa sinabing niyang 'yon. Para siyang si papa na dire-diretso kung manermon.
"Relax, bro, kalma! Papunta na 'ko, okay?" natatawang sambit ko.
"Hurry up and stop faffing around!"
"Bye!"
Pagkatapos niyon ay agad niyang ibinaba 'yong linya. Natawa ako sa asta niya. Paniguradong kawawa na naman ako nito kay lolo President. Lagi na lang kasi akong nahuhuli sa bawat meetings o events ng kumpanya namin. Parte na 'ko ng pamilya at mayroon din naman akong puwang sa kumpanya, kumbaga may hati rin ako. Hindi ako gano'n karunong sa pagtatrabaho nito dahil nga photography ang itinapos kong kurso noon.
Para sa akin, sobra ang pag-a-adjust ko rito sa Tsina.
Ipapasok ko na sana 'yong cellphone ko sa loob ng bulsa ng trench coat ko nang biglang may isang taong humablot niyon.
"Hoy! Cellphone ko 'yan!"
Mabilis na tumakbo iyong mandurukot kaya hindi ko na ito nahabol agad.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Teka? Ano ba 'yong salitang 'tulong' sa mandarin? Takte! Hindi ako marunong mag-chinese!
"Putcha, help! Help me, please!" sigaw ko mula sa kinatatayuan ko.
May napansin akong isang lalaki na tumakbo sa dinaanan ng mandurukot kanina. At para makasigurong sinusundan niya nga iyong kumuha ng cellphone ko ay sumunod na rin ako sa kanya.
Lalaki siya. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. Likod pa lang niya ay mukhang maskulado na ito.
"Gimme that phone, you asshole!" sigaw nito.
Napahinto na lamang ako nang suntukin niya 'yong lalaking kumuha ng cellphone ko. Hindi nakabawi 'yong lalaki, natumba rin ito sa sahig. Sa pagtumba niyang iyon ay naihagis niya iyong cellphone ko. At dahil napansin iyon ni pogi ay agad niyang tinapakan 'yong likod niyong lalaking nakahandusay sa sahig at tumalon para makuha 'yong cellphone ko sa ere.
Inalis ko 'yong sunglasses ko at wala sa sariling napanganga ako sa ginawa niyang 'yon na animoy napabilib.
Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang humarap sa akin 'yong lalaki. Kaunti na lang ay baka maglaway na ako. His genuine smile makes my heart melts, his kissable lips, his twinkling eyes, his pointed nose, his long eyelashes. Damn! He's almost perfect.
"I think this is yours,"
Napalunok ako nang marinig ang buo nitong boses. Siya 'yong tipo ng lalaking parang isang American. Buong-buo ang boses nito, sobrang lamig.
"Hello, miss?"
Kumurap-kurap pa ako at inayos ang sarili ko sa harap niya.
"Ye-Yes. Sa akin nga 'to, ahy este, this is my phone." Agad kong kinuha 'yong cell phone ko sa kanya. "Have we met before?"
"I-I don't think so, Miss," umiling-iling ito.
Tumangu-tango na lang ako. Nakakatuwa. Hindi man lang ako ni-ready ni Lord na may mahahanap pala akong pogi rito sa Beijing. I think he's totally an American. Hindi naman ito halatang Chinese dahil unang-una hindi singkit ang mga mata niya.
"By the way, thank you,"
Nginitian niya ako. Mas lalong lumabas ang kaguwapuhan nito nang ngumiti ito. "No worries. Watch your things always, okay?" Tinanguan niya ako at nilagpasan na rin.
Naiwan akong tulala sa kawalan. Tila bang kinikilig ako sa nangyari kanina. Akalain mo 'yon, sa ganitong oras, may lumilibot pa lang anghel dito. Ang suwerte ko naman kung gano'n.
( ˘ ³˘)♥
Sandali kong pinagmasdan ang likod nito hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Pumupuso na yata ang mga mata ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ulit ako naging masaya kaya nilulubos ko na.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may matapakan akong isang...
"A bracelet?" bulong ko sa sarili ko.
Pinulot ko 'yon sa sahig at sandali kong sinuri. Isa iyong silver bracelet. Sa tingin ko ay nahulog ito sa wrist niyong poging lalaki kanina. Kaya imbes na isauli iyon ay ibinulsa ko na lang sa trench coat ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ay bigla na lang akong napaisip. Nakangiti pa rin naman ako hanggang ngayon.
'Yong lalaki kanina, parang iba ang dating niya sa akin. Aaminin ko, attraction iyong naramdaman ko sa kanya kanina.
Bumagal ang paglalakad ko. Ang kaninang nakangiting mga labi ko ay napalitan ng pagtataka.
Hindi kaya, nagkita na talaga kami noon? Hindi ako sigurado dahil parang naaalala ko lang talaga iyong hitsura niya, at kung ano ang kurba ng mukha niya. Sa tingin ko talaga ay nagkita na kami, hindi ko nga lang maalala kung saan.
Parang may kamukha siya na kilalang-kilala ko. Hindi kaya...
Napasinghap ako ng wala sa oras. Agad akong umiling ng ilang beses. Sana hindi totoo iyong naiisip ko.
Nagpatuloy na lang akong muli sa paglalakad at pilit na ngumiti. Hindi dapat ako balutin ng lungkot at pagtataka.
Ako si Ziana, iba ako sa kanila, kaya kong gawin ang lahat nang hindi pa nila nagagawa sa buong buhay nila.