CASZIANNA ZEID's POV
(Ziana)
NAKAYUKO akong sumunod sa likod ni lolo hanggang sa makapasok kami sa opisina. Umupo ito sa kanyang swivel chair at tumitig sa akin nang seryoso. Wala akong magawa kundi mapayuko. Ako ay mistulang nasa harap ng isang pulis habang sinasampahan ng isang mabigat na kaso.
Lagi na lang ganito ang eksena sa mansion. Walang araw na hindi ako napupunta sa opisinang ito ni lolo. Minsan nasasanay na rin ako sa nangyayari sa buhay ko.
"I can't handle your attitude anymore! I am done with you! Punong-puno na 'ko sa iyo. Nagsasawa na 'kong malaman na may nangyayaring eksena rito sa loob ng mansion at ikaw ang may kagagawan!" sigaw nito habang dinuduro-duro ako.
Patago akong ngumisi. Lagi na lang kamalian ko ang nakikita niyo. Kahit hindi ako ang pasimuno, ako pa rin ang nasisisi. Parang kasalanan ko pa na dumating ako rito.
"Papa, don't blame my daughter-"
"Stop! I'm not asking for your opinion. I'm talking to your daughter, not on you..." pagbabanta ni lolo kay papa.
Alam kong sa lahat ng araw na nangyayari ang ganitong bagay ay lagi akong pinagtatanggol ni papa. Masaya ako dahil nararamdaman ko na may paki ito sa akin.
Kahit na minsan ay nakakaumay na.
"Sa loob ng pamamahay na 'to, ako ang nasusunod. Bawat galaw ng mga tao, dapat alam ko. Gano'n din sa iyo, it seems like you don't even care about this family! What's wrong with you? Anak ka ba talaga ni Carlos? O pinulot ka lang din sa kung saan-saan?"
"Papa! She's my daughter. At kahit anong sabihin niyo, anak ko pa rin siya. Dugo ko at dugo ni Zen ang nananalatay sa pagkatao niya."
"From the very start, Carlos, alam mong hindi ko gusto ang asawa mo!"
"When did you accepted my wife? Hindi, 'di ba? You never accepted Zen as my wife-"
"Because she's not suited for this family!"
Pagkatapos niyong sigaw ni lolo ay hindi na nakapagsalitang muli si papa. Tumahamik kami ng ilang segundo. Nakakabinging katahimikan. Hindi ko lubos mawari na magkakaro'n pa ng alitan sa pagitan ng pamilya ko at sa pamilya ni papa.
"Pipili na lang kayo ng mapapangasawa, 'yong hindi pa karapat-dapat..." dugtong pa ni lolo at nag-iwas ng tingin.
"For me, Zen is the one. Siya ang para sa akin. Noon pa lang... ipinaglalaban ko na siya sa pamilyang 'to-"
"Kasi ipinagpipilitan mo ang gusto mo!" pagsigaw nitong muli.
Sandali akong napapikit. Hindi ko na kinakaya ang bawat pagpapalitan nila ng salita. Naririndi na ako sa mga sigaw na naririnig ko.
Bumuntong-hininga si papa. "Enough... wala nang patutunguhan ang usapang 'to kung patatagalin pa natin..." kalmadong aniya.
"Because I'm right. I'm always right. Pinipili ko lang naman ang mas makabubuti sa inyo ni Carmie..."
"Pinipili? Ang makabubuti sa amin?" Ngumisi si papa. "You don't even care about our real feelings, pa. Sapilitan niyo kaming ipinapakasal sa ibang taong hindi naman talaga namin mahal," huminto ito sandali. "At hindi ko na hahayaang maulit pa ang sitwasyong iyon sa pamilya ko,"
"Dad, grandpa, that's enough... ipahinga na lang po natin ito," singit ni kuya Clynt.
Napatingin ako sa gawi niya. Nakatitig lang din ito sa akin na animoy sinusuri ang emosyon ko. He always like that. Sanay na 'ko.
Hindi na 'ko kumportable sa kinatatayuan ko kaya naisipin kong lumabas na.
"Ziana! Ziana! We're not done talking yet!" rinig kong sambit ni lolo ngunit nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi ito binigyan ng pansin.
Kung sawa na si lolo sa akin, sawang-sawa na rin ako sa sitwasyon kong ito. Akalain mo 'yon, sa loob ng dalawang taon ay natiis ko ang gano'ng pamamaltrato ni lolo sa kakahayahan ko without knowing that I'm doing my best for them. Pero sa huli, lagi na lang akong nasisisi sa mga kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Ziana! Ziana!"
Hindi ko namalayang sinundan pala ako ni papa at kuya papunta sa kuwarto ko. Hindi ko ito pinansin. Binuksan ko 'yong pinto ng kuwarto at pumasok.
"Anong kabastusan 'yong ginawa mo? Hindi pa tayo tapos mag-usap tapos bigla-bigla ka na lang lumabas ng office without any permisson?" galit na tinig ni papa.
Hinarap ko ito. Hindi ako nagpakita ng anumang emosyon sa kanya. Nanatili akong blangko. Malamig. Na tila walang pakialam sa mga bagay na nangyayari sa paligid.
"Do I need to get permission to leave?" seryosong tanong ko kay papa.
"Of course yes! Ang pamilyang kinagisnan mo ay may respeto. Kahit gaano kakumplikado ang sitwasyon, rerespeto at rerepesto ka sa mga mas nakatatanda sa iyo. Naintindihan mo ba? Are we clear?"
"But they don't respect me the way they respect everyone here... they always see me like a trash, daddy," pagpapaliwanag ko. "If they don't respect me, I won't respect them too!" pagdidiin ko.
"He is your grandpa, Ziana. Whatever happens, you will respect him..." kalmadong tugon nito.
Natawa ako ng pagak. "Ano 'yon? Rerespetuhin ko pa rin sila kahit ako na ang naaagrabiyado rito?"
"Hindi ko nagugustuhan 'yang tono ng pananalita mo,"
"Dad, Ziana... please, tama na," pagpipigil sa amin ni kuya Clynt.
"I think that's unfair, dad..."
"Bumalik ka sa office at humingi ka ng tawad, ngayon na!" utos nito na agad kong ikinailing.
"Hindi ko gagawin 'yon..."
"Ziana, ano ba?! Sundin mo na nga lang si daddy para matapos na 'to. Why you're so tough? Hihingi lang ng tawad, hindi mo pa magawa,"
"Hihingi lang pala ng tawad, bakit 'di mo gawin?" pabalang na sagot ko kay kuya.
"Don't talk to your brother like that! Ano bang nangyayari sa iyo, anak?!"
Napa-iwas ako ng tingin dahil sa sinabing iyon ni papa. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dinadala ko. I feel like I'm carrying a heavy burden at my back.
"I wanna go home..." mahinang tugon ko habang nakatingin sa kawalan.
"You're not going home!"
Agad akong napatingin kay papa. Seryoso ang titig nito sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi iyon kaya napakunot na lamang ako ng noo.
"What?" Natawa ako. "Bakit? Dad, nasa Pilipinas si mommy... hindi ba natin siya bibisitahin? I mean... we're family, right? Dapat kasama natin si mommy..."
"You don't understand, Ziana..." singit ni kuya.
Umiling-iling ako. "Talagang hindi ko kayo naiintindihan. Dad, malaki na 'ko, alam ko na kung anong nangyayari sa paligid ko. Nagtataka na nga ako, eh, kung bakit hindi natin kasama si mommy sa loob ng dalawang taon..."
"Ako ang ama mo kaya ako ang susundin mo. You are staying here, you are not going back to the Philippines, are we clear?"
"Dad, no!" sigaw ko.
"That's final, Ziana! Don't be such a hard headed!" pagdidiin nito at saka naunang lumabas ng kuwarto.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit kailangan naming magtagal dito sa China? Ni hindi man lang ba nila naisip si mama sa Pilipinas?
"Kuya, what's going on? Bakit gano'n?" hindi makapaniwalang tanong ko kay kuya.
"Ziana... please, for now makinig ka na lang muna sa amin-"
Hindi ko pinatapos si kuya. "Then why?!"
Napa-irap ito sa kawalan at pumameywang. "Look... it's not safe to go back. Maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin..."
Tinapik niya iyong balikat ko at saka ito sumunod na lumabas ng kuwarto ko.
Napabuntong-hininga na lang ako kasabay ng pag-upo ko sa kama. Sandali akong tumingala at napapikit. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang buhay ko sa China. Ang inaakala ko ay mapapabilis ang pag-recover ko, pero sa tingin ko ay mas mabigat pa ang daranasin ko rito.
“ZIANA, pinatatawag ka sa kumpanya, ngayon na..."
Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Kapapasok lang ni Chicha habang may dala itong mga dokumento.
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat na lamang ito at ngumuso. "Siguro may pipirmahan ka?"
"Lagi naman akong may pinipirmahan..."
Walang gana akong lumapit sa salamin at naglagay ng light lipstick sa labi. Bahagya akong ngumiti at kinuha iyong sling bag ko.
"Alam mo... nasobrahan mo yata ang pagiging palaban mo," aniya at lumapit sa akin dala iyong trench coat ko. Isinuot niya iyon sa likod ko. "Lahat na yata ng tao rito sa mansion ay kinakalaban mo,"
"Kinakalaban din naman nila ako. Bumabawi lang ako..."
Ngumiwi ito. "Hindi mo kailangang bumawi. Kung alam mong mali sila, hayaan mo na lang,"
Umiling ako. "Kahit alam kong sobra na? Hahayaan ko pa rin ba sila?"
Nagtaas siya ng kilay. "Ewan ko sa iyo... tara na, baka mapagalitan ka na naman..."
Nakakunot ang noo ko habang nasa biyahe. Nasa malayo ang tingin ko na animoy may iniisip na malalim. Hindi ko lang makalimutan 'yong mga sinabi sa akin ni papa kahapon. Masyado akong nagtaka. Hindi ko lubos na maisip na kaya niyang talikuran ang lahat sa Pilipinas.
"Hoy! Okay ka lang ba? Ang lalim yata ng inisiip mo?"
Napatingin ako kay Chicha. "May problema ba si daddy? Wala ka bang napapansin sa kanya?"
"H'wag mong alalahanin ang daddy mo, stress lang 'yon sa trabaho kaya gano'n. Hindi niya naman siguro sinasadyang sabihin ang mga 'yon sa iyo."
"Hindi, eh. Parang... parang pinapaiwas niya 'ko kay mommy. Parang ayaw niya akong pauwiin sa Pilipinas... nagtataka rin talaga ako kung bakit. Anong rason?"
"Gaya nga ng sabi ko... abala lang ang daddy mo. Sa loob ng ilang taong pagsisilbi ko sa kanya, kilalang-kilala ko na siya. Hindi na ako magtataka..."
Tumangu-tango na lamang ako at nag-iwas ng tingin sa malayo.
Siguro nga stress lang si papa kaya gano'n. Naiintindihan ko kung iyon ang rason kung bakit niya nasabi ang mga iyon. Pero kung may mga sekretong nakakubli sa mga katagang iyon, hinding-hindi talaga ako mapapakali.
"Zǎo shang hǎo, Miss Wang..." (Good morning)
Nagsiyukuan iyong mga empleyado habang naglalakad ako sa harap nila. Hindi ako nagpakita ng kung ano mang emosyon ngunit bumabati rin naman ako pabalik.
"Zǎo,"
Inalis ko 'yong suot kong sunglasses habang naglalakad. Nakasunod lang naman sa akin si Chicha sa likod at iba pa naming bodyguards. Ganito ang laging sitwasyon ko, hindi ako lumalabas ng mansion kapag walang chaperone.
Pumasok kami ni Chicha sa office ni kuya. Pagkabukas niyong pinto ay nadatnan ko ring naka-upo si papa roon. Hindi ko inaasahan na magagawi rin pala siya rito.
"Zǎo shang hǎo, dad, kuya..." walang ganang bati ko sa kanila.
"Sit down."
Naupo ako sa harap ng desk ni kuya. Si papa ngayon ang naka-upo ro'n sa swivel chair ni kuya. Habang ito namang kuya ko ay nakatayo lang malapit sa salamin. Tinatanaw nito ang kabuuan ng lugar, makikita mo rin kasi ang view ng gusali mula rito sa loob ng office niya.
"May kailangan po ba akong pirmahan?" tanong ko.
"Wala naman. I just want to announce that you will be part of this company, Ziana."
Napatingin ako kay kuya. "Dad, hindi naman na kailangang mangyari 'to. At saka... alam niyo ang hilig ko, hindi ito..."
"I know, I know. Pero isa kang Wang, alam mo naman ang patakaran sa pamilya natin, hindi ba? Lahat tayo ay business ang pinagkakabalahan..."
Natawa ako ng pagak. "Dad, hindi ako graduated ng Business Management. Kinuha ko ang kursong Fine Arts in Photography dahil iyon ang gusto ko. Gusto kong kumuha ng mga pictures,"
"I can send you in a Business school, dear. Wala tayong magiging problema ro'n."
"Dad, hindi niyo ko naiintindihan sa gusto ko. Minsan talaga napapaisip na lang ako kung bakit naging Chi-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit si kuya.
"Chinese. Nagsisisi ka na naging Chinese ka? Tama ba ang pagkakarinig ko?"
Hindi iyon ang punto ko. Ang hilig nilang pangunahan ang isang tao. Why they don't understand me?
"That's not what I meant to say," mahinang tugon ko.
"'Yon ang ibig mong sabihin..."
"Enough!" singit ni papa na ikinahinto namin ni kuya.
Habang tumatagal ay nakikita ko na kung anong totoong ugali ni kuya. Iba na siya kaysa sa ugali niya noon. Mas gusto ko 'yong mabuting pagtatrato niya sa akin noon dahil do'n ay pakiramdam ko ay protektado ako sa lahat.
"Ito na ang napagkasunduan namin ni papa. Whether you like it or not, whether you accept it or not, the decision is final!"
Napangisi ako at nag-iwas ng tingin. "Dad-" hindi pa man ako nakakapagsalita ng maayos ay sumingit na naman si kuya.
"No buts, Ziana!"
Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo na. Nawalan na ako ng gana. Lalabas na sana ako nang marinig ko ang sinabi ni papa.
"You have to sign these documents, Ziana..."
Napahinto ako. Hindi ko na lamang sila nilingon. "I'm leaving..." walang ganang tugon ko at itinulak 'yong pinto palabas.
Ni hindi man lang nila ako tinanong kung papayag nga ba ako sa kagustuhan nilang maging parte ako ng kumpanya. Oo, papayag naman ako, eh. Hindi nga lang sa pagtatrabaho sa kanila. Ang serbisyo ko pa rin ay nasa larangan ng photography.
Nagtungo ako sa isang silid na kung saan ay pahingaan ng mga empleyado. May coffee and tea making facility kasi rito kaya kahit sinong empleyado ay puwedeng magtimpla ng kanya-kanya nilang kape. Parang mini canteen gano'n. May mga upuan, sofa at mesa. Talagang marerelax ka dahil ang ganda ng view mula rito. Makikita mo kung gaano kataas ang gusali.
Nang makaalis ako ay hindi ko na nakita si Chicha. Hayaan ko na muna dahil gusto kong mapag-isa. Nang makahanap ako ng upuan ay agad akong nagtungo sa gawi niyon. Mayamaya pa ay biglang may lalaking bumunggo sa akin. Natapon iyong hawak nitong kape sa sahig. Buti na lang ay hindi ako niyon natapunan kundi wala akong pamalit na damit.
"La-Lady Wang... I-I'm very sorry... Duìbuqǐ..." Hindi ito tumigil sa pagyuko upang humingi ng pasensya sa akkin. (Sorry) (Pronounce as dway boo chee)
Lalaki ito, naka-eyeglass siya. Hindi ko itatangging may hitsura ito. Sa unang tingin ay mapapatitig ka talaga sa kanya.
"Are you a Chinese?" nakakunot-noong tanong ko.
Tumangu-tango ito. "Half Chinese and Filipino po..." mahinang tugon nito.
"O-Okay lang. Pasensya ka na rin, hindi kita napansin..."
"Pasensya na po." Yumuko itong muli sa huling pagkakataon at agad na nitong nilinis iyong kalat niya sa sahig.
Parang ngayon ko lang ito nakita sa loob ng kumpanya. Hindi gano'n ka-pamilyar ang hitsura nito. Pero halata namang Chinese siya dahil sa singkit nitong mga mata. Chinito siya, maputi, matangkad. At higit pa riyan, bagay sa kanya ang suot niyang eyeglasses.
Hindi ko na ito pinansin pa at na-upo na lang sa sofa. Iginilid ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Diretsong salamin ang pader kaya nakikita mo ang labas nito. Nakakalula sa sobrang taas ng gusali ngunit maganda ang view dahil tanaw mo ang kalangitan at kabuuan ng syudad.
Napansin kong bumalik iyong lalaki at umupong muli malapit sa sofa na kinauupuan ko. May hawak siyang diyaryo at nagbabasa habang umiinom ng kape. And guess what, he's holding a Philippine newspaper.
"Excuse me..."
Nag-angat ito ng tingin sa akin. "Ye-Yes po, Lady Wang..."
Napangiti ako kapagkuwan ay umiling naman ako. "Don't call me that way, Ziana would enough. By the way, anong trabaho mo rito? Bakit... parang ngayon lang yata kita nakita?"
Napa-awang ang bibig nito. "Ahh... baguhan pa lang po ako rito. Sa ngayon, taga-timpla ng kape at taga-xerox lang ako rito. Ang sabi kasi Mr. Clynt... sa Pilipinas daw ako madidistino at hindi rito. Hinihintay ko lang ang go signal nila para makalipad na pabalik ng Pilipinas..." pagpapaliwanag nito.
Lalong kumunot ang noo ko. "Sigurado ka? I mean... bakit sa Pilipinas pa? Wala bang bakante rito?"
Tumango ito. "Yes, wala na nga."
Hindi na 'ko nakasagot. Napa-iwas ako ng tingin. Gaya nang sinabi nito ay hindi siya rito madidistino kundi sa Pilipinas. Paano na lang kung...
Wala sa sarili akong napangiti nang maka-isip na naman ako ng bagong ideya.
Lumipat ako sa upuan na nasa harap niya. Ikinagulat niya iyon dahil awtomatiko itong napatingin sa akin. "Puwede ba 'kong sumama sa iyo 'pag na-approve na 'yong pag-uwi mo ng Pilipinas?" mariing bulong ko sa kanya.
Napahinto ito sa sinabi ko. "A-Ano?" natawa ito ng pagak.
Napabuntong-hininga ako. "Kitain mo 'ko sa restaurant na malapit dito mamayang ala-sais ng gabi. May pag-uusapan tayo, puwede ba?"
"Te-Teka... Lady Wang, hindi ko po kayo maintindihan..." naguguluhang tugon niya.
Napa-irap na lang ako sa kawalan. Bakit ba kasi ang slow niya? Hindi ko tuloy masabi kung anong gusto kong ipahiwatig.
"Basta! I will wait for you..."
Agad na 'kong tumayo. Kinindatan ko pa ito bago maka-alis. Dahil alam kong maraming tainga ang makakarinig sa amin kung sa loob ng kumpanya kami mag-uusap.
Tama nga iyong ideya ko kanina. 'Yon lang ang tanging paraan para makabalik ako ng Pilipinas at para maituloy ko kung anong gusto kong trabaho. At para na rin makasama ko na si mama. Alam kong dalawang taon na siyang nangungulila sa amin ni kuya.
KANINA pa ako naghihintay rito sa restaurant. Nasa pangalawang palapag ako. 'Yon bang parang terasa dahil kitang-kita mo ang kabuuan ng gabi. Ang ganda ng ambiance dito, maraming palamuti at pa-ilaw.
Naka-ilang baso na ako ng wine ngunit wala pa rin iyong lalaking hinihintay ko. Sinulyapan kong muli iyong wristwatch ko, ala-syete na ng gabi ngunit hindi ko pa rin nahahagilap ang katawang lupa niya.
Naiinis na nga ako dahil para akong tangang naghihintay rito sa wala.
"You want to refill your glass, Madame?"
Napa-irap ako sa kawalan at iniangat iyong basong hawak ko sa harap ko. Dahan-dahan niyang binuhos iyong wine sa baso ko. Akmang aalis na ito nang hilain ko 'yong braso niya.
"Dito ka lang!"
"Pardon? Sorry, Madame, I can't understand what you're saying."
Nagtaas ako ng kilay. "I-I mean... nothing..." nagpeke na lamang ako ng tawa. "Sure, you can go..." nahihiyang sambit ko at binitiwan iyong braso niya.
Naka-ilang refill na rin kasi ako ng wine pero wala pa rin 'yong lalaking slow at nerd na iyon. May balak pa ba siyang dumating at kitain ako? Kasi kung wala na, mag-iinom na lang ako. Sayang naman itong itinakas ko kay Chicha kung hindi ko pa susulitin, hindi ba?
Naibaba ko 'yong hawak kong baso nang matanaw ko na ito sa hindi kalayuan. Iginaya siya niyong waiter hanggang sa makalapit ito sa puwesto ko
"Why took you so long to arrive? Alam mo bang pinaghintay mo 'ko ng mahigit isang oras dito?" pagtataray ko sa kanya.
"Pa-Pasensya na po, Lady Wang. Nag-overtime pa kasi ako..."
Natawa ako. "Overtime? Taga-timpla lang ng kape at taga-xerox, overtime? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?!"
Hindi maipinta ang hitsura nito. Napaka-seryoso niyang tao.
"Ano ba talagang kailangan mo?"
Nahinto ako sa pagtawa at nagseryoso. "Ano ulit ang pangalan mo?"
Ilang segundo itong natahimik. Nagtaas ako ng kilay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot.
"Hello? May kausap pa ba ako rito o wala na? It's just a simple question. Wala ka bang pangalan?" dugtong ko.
Tumikhim ito at saka sandaling nag-iwas ng tingin. "Azenzo... Azenzo Claveria,"
Tumangu-tango na lang ako nang marinig ko ang pangalan nito. "Siguro AZENZAdo pamilya niyo?" pagpipigil ko ng tawa.
Sinamaan niya ako ng tingin hanggang sa mailapag niyong waiter iyong mga pagkain namin.
"Hindi ka nakakatawa, Ziana," walang emosyong aniya.
"Bakit ba ang seryoso mo?" Patuloy pa rin ako sa pagtawa. "Ikaw naman... hindi mabiro... Hahaha!"
Inilingan ako nito at nagsimulang kumain. Nasa kanya lang ang atensyon ko. Kinakabisado ko ang bawat galaw nito.
"Siya nga pala, Azenzo. 'Yong sinabi ko kanina, seryoso ako. Puwede ba 'kong sumama sa iyo sa pag-uwi mo sa Pilipinas?"
Tiningnan niya 'ko at umiling. "Hindi! Magagalit sa akin si President Li Hui. Baka mapatalsik pa 'ko sa trabaho nang dahil sa iyo!"
"Ang sungit-sungit mo! Ang kapal pa ng mukha mong maunang kumain, ikaw ba magbabayad niyan?"
"Syempre ikaw... inaya-aya mo 'ko rito tapos ako ang magbabayad? No way! Anong silbi ng pagkain kung hindi kakainin? Aber?" Pinagtaasan niya 'ko ng kilay at saka nagpatuloy muli sa pagakin.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nilagok iyong natitirang wine sa baso ko.
"Gusto ko 'yang kakapalan ng mukha mo," pang-aasar ko.
"Diretsahin mo 'ko. Ano bang balak mo?"
"Pa-ulit-ulit tayo? Ang sabi ko, gusto kong sumama sa iyo sa pag-uwi mo."
"Paano nga kung mahuli ka ni President? Ni Mr. Carlos, ni kuya mo? Eh, 'di damay ako? Ayoko namang mawalan ng trabaho dahil sa kagagawan mo."
Napakamot ako ng noo. "Puwede ba? H'wag mong unahin 'yang galit mo sa akin. Ano bang ginawa ko sa iyo at sinusungitan mo 'ko?" tanong ko kapagkuwan ay nginitian ko siya ng nakakaloko. "Alam mo... ang nega mo! Umamin ka nga sa akin..." Inilapit ko ng bahagya iyong mukha ko sa kanya. "May gusto ka sa akin, 'no?" Nagtaas-baba pa 'ko ng kilay.
Napa-ubo siya sa harap ko kaya tumalsik iyong ibang kanin na kinakain niya sa mukha ko. Agad akong napapikit ng mariin dahil sa kabastusang ginawa niya.
Bwisit na lalaking 'to!
"So-Sorry... Lady Wang, hindi ko sinasadya!"
May lumapit na waiter sa akin at binigyan ako ng napkin na pamunas.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa kinauupuan ko. Medyo nainis ako sa ginawa niyang iyon. Pero napapansin ko ang pagtawa nito nang patago. Animoy bumabawi ito sa akin.
"I'm serious, Azenzo,"
Umayos ito ng upo at ibinaba 'yong baso nang matapos itong makainom ng tubig.
"Paano ang set-up?"
Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko. "So... payag ka na? Payag ka nang itanan ako-ahy, este... itakas ako?"
Pinaningkitan niya 'ko ng tingin. "Kapag nahuli tayo... malalagot ka talaga sa akin..." pinanlisikan niya ako ng tingin.
Napa-palakpak ako dahil sa tuwa. "Just trust me, baby!" Kinindatan ko itong muli.
"Hindi tayo talo!"
"Bakla ka ba?"
"Hindi, 'no? Hindi lang kita type! Ang sagwang tingnan kung magiging girlfriend kita!"
Sinamaan ko ito ng tingin. "As if namang gusto kita! You wish!"
Nginisian ko ito. Nag-iwas ako ng tingin at wala sa sariling napangiti. Animoy nababaliw na 'ko. Kung ano-ano nang kalokohan ang naiisip. Ito lang talaga ang paraan para maka-uwi at makatakas. Masyado na 'kong naiipit sa mansion.
Gusto ko nang bumalik, tutal, matagal na rin naman na 'kong naka-move on sa nakaraan ko.
I'm ready to face them.