CASZIANNA ZEID'S POV (Ziana) “IN THE name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen!” Nakapila ako sa likod ni kuya Clynt upang ihagis iyong puting rosas sa kabaong ni manong Arturo bago ito tuluyang ilibing. Pagkatapos ni kuya ay nilapitan niya ako. Hinaplos muna nito iyong likod ko at binigyang layang makahakbang palapit kay manong. Dahan-dahan kong ibinaba iyong sunglasses ko at pinagmasdan ang kabaong nito. “Paalam, manong. Maraming salamat po,” wala sa sariling bulong ko sa kawalan at sabay inihagis iyong puting bulaklak. Lumapit sa akin sina mama at kuya para haplusin ang likod ko. “Maraming salamat po, ma'am Zen,” saad ni aling Mina at saka ito nakipagkamay kay mama. “Walang anuman. Alam na natin ngayon na nasa mabuting lugar na si Arturo. Payapa na si