CHARLOTTE PLEIA'S POV (Chary) MABILIS akong nagmamaneho upang puntahan si Yuji. Alam kong sa ospital ang punta niya kaya mas mabuting syndan ko siya roon. Ayokong gumawa ng eskandalo at baka kung ano pang mangyari doon. Ganoon na lamang ang respeto ko sa pamilya Wang, at hindi kasama roon si Ziana. Huminto ang sasakyan ko sa harap ng ospital at dali-daling pumasok sa loob. Nagpalinga-linga ako upang mahanap ang katawang lupa ni Yuji ngunit tila nahihilo na ako kahahanap sa kanya. Hanggang sa makarinig ako ng humahagulgol. Sinundan ko ang ingay na iyon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa morgue. Saktong lumabas si Clynt at nagtama ang mga paningin namin. Kumunot ang noo nito na animoy hindi niya inaasahan ang pagdating ko. “Chary? A-Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong