KASAMA ko si mama ngayon dito sa kumpanya. Tutal wala naman akong gagawin kaya pumayag na ako. Narito din naman si kuya upang mag-asikaso at tulungan si mama. Paikot-ikot lamang ako rito sa opisina ni mama habang siya naman ay abala sa sandamakmak na papeles na nasa harapan niya. “Are you okay there?” rinig kong tanong ni mama. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Iyon bang mga papeles sa harap niya o ako itong naka-upo sa sofa habang nakatunganga. “Can I... go outside?” tanong ko rin sa kanya sa malumanay ang boses. Nagbabaka-sakaling payagan pa ako ng mama ko. “Tawagin mo si Azenzo para may kasama ka.” Bumagsak ang mga balikat ko at tila napabuntong-hininga na lang. “Huwag na lang pala. I changed my mind!” sabay iwas ng tingin sa kawalan. “Alam ko na. Why don't you practice