Kanina pa siya nakatitig sa larawang hawak. May kasamang larawan ni Ziyah Alcaraz ang iniwang folder nito. Para marahil mas mapaisip siya sa alok nito. Napakaganda ng dalaga Paniguradong walang lalaking tatanggi sa inaalok nito. Sino bang makatanggi sa ganito kagandang babae. Mula ulo hanggang paa ay maganda, at napakabango pa. Amoy palang ay nakakawala na sa sarili. Isama pang isa itong birhen, alam niyang hindi nagsisinungaling sa kanya si Ziyah nang sabihing birhen pa ito, may patunay naman ito galing sa OB nito. At may sarili siyang paraan para malaman ang tungkol sa bagay na iyon.
"Damn," mura niya na tila ba nahihirapan. Kanina pa wala si Ziyah sa loob ng opisina niya, pero parang naamoy pa rin niya ito. Naiwan ang mabangong amoy ng dalaga sa loob ng opisina niya. Kaya heto siya at nahihirapan. Pakiramdam niya nasa loob pa rin ng opisina ang magandang babae na talaga namang kaakit-akit. Oo aaminin niyang naakit siya kanina sa pang aakit sa kanya ni Ziyah Alcaraz. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para tutulan ito sa pagnanais na lumuhod sa harapan niya. Baka kase nabibigla lang ito, ayaw niyang manamantala. Kahit na nagawa ni Ziyah na gisingin ang alaga niya at mapainit ang buong opisina niya sa presensya nito kanina.
"Ziyah Alcaraz," banggit niya sa napakagandang pangalan ng babae. Sumandal siya sa swivel chair habang hawak pa rin ang larawan ng magandang babae.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Maganda talaga si Ziyah, may mahaba itong buhok na bumagay sa maliit nitong mukha. Magagandang mata, na may lungkot. Matangos na ilong, at kaakit-akit na labi na para bang ang sarap halikan. Pansin niya kaninang light make up lang ang nasa mukha ni Ziyah, pero ganoon pa man ang ganda pa rin nito. May katangkaran din ito, at may magandang katawan. Petite na katawan pero may kalakihan ang dibdib, iyan ang unang tumatak sa isip niya kaninang halos buksan na nito ang mga butones ng blouse nito, para maipakita sa kanya kung ano ang iniaalok nito. Attracted pa naman siya sa babaing may malaking hinaharap, kaya ang dali siyang naakit nito kanina.
"Ziyah, Ziyah," banggit niya muli sa pangalan ng babae.
Maraming babae na siyang nakasama, magpa hanggang ngayon, papalit-palit pa rin siya ng babae. Madali lang namang makakuha ng babae para sa kanya. Alam naman kasi niyang malakas ang s*x appeal niya pagdating sa mga babae. Isama pa ang status niya sa buhay. Anak siya ng Mayor sa bayan ng San Miguel. Isa din siyang matagumpay na negosyante. Iyon nga lang hindi siya nakikipag relasyon. Wala siyang babaing sineseryoso. Para kasi sa kanya masyado pa siyang bata, sa edad niyang bente otso, para mag seryoso na sa babae. Isama pang mahirap makahanap ng matinong babae sa panahon ngayon. Dahil ang mga babae ngayon ay parang mga lalake na rin kung magpalit ng mga lalake ay parang nagpapalit na lang ng underwear. Wala nang pinagkaiba ang mga babae ngayon sa mga lalake. Kaya takot siyang pumasok sa relasyon, takot siyang maloko at mapagtawanan.
Nagbuga siya ng hangin at mariing pinikit ang mga mata. Nakikita pa rin niya ang magandang mukha ni Ziyah, ang nangaakit na mga mata nito.
Napapitlag pa siya ng tumunog ang cellphone sa may mesa. Pangalan ni Ysa ang nabasa sa screen, ang nakababatang kapatid nito.
"Ysa," masiglang sagot niya sa cellphone.
"Kuya, asaan ka na? Andito na kami nina Harry sa bahay nila Daddy," sabi ng kapatid sa kabilang linya.
"Ah...," tanging nasabi niya. Para siyang nag lo-loading kung ano ba ang meron at plano. Okupado kasi buong isip niya kay Ziyah.
"Kuya, are you ok? May problema ba sa farm?"
"Ah... Wala, wala naman."
"Nambabae ka na naman yata eh. Nakalimutan mo ang dinner sa bahay nila Daddy," maktol ng kapatid sa kanya.
Saka lang niya naalalang may family dinner nga pala sila ngayon. Masyado siyang na focus sa pag iisip niya kay Ziyah Alcaraz.
"Ysa, alam ko. Nasa farm lang ako may inaasikaso, pero paalis na rin ako," paliwanag niya sa kapatid. At agad nang nagpaalam rito.
Inayos ang mga gamit, binitbit na rin ang folder na bigay sa kanya ni Ziyah. Kailangan niyang pag aralang mabuti ang lahat, bago siya pumayag o tumanggi sa alok sa kanya ng magandang babae.
Pagdating sa bahay ng mga magulang agad siyang sinalubong ni Harris ang pamangkin niyang napakagwapo. Anak si Harris ng nag-iisang kapatid niyang si Ysa. Si Harry Leonardo, ang napangasawa ng nakababatang kapatid, isang negosyante din sa bayan nila. Kilala ang mga Leonardo sa pagiging dealer ng mga ito ng sasakyan, pati na mga luxury car.
"How are you baby boy," bati niya sa dalawang taong pamangkin, at kinarga pa ito. Hinalikan naman siya ng bata at yumakap sa batok niya.
"Why you are late Kuya?" Simangot na sita sa kanya ni Ysa.
"Hey, Harry," bati muna niya kay Harry na nakangiti, dahil bubungangaan na naman siya ni Ysa sa paggiging late.
"Busy lang," sagot niya sa kapatid.
"Baka babae na naman," simangot pa rin ni Ysa sa kanya.
"Ysa, hayaan mo na si Kuya Zandro, single pa naman siya," sabat naman ni Harry sa kanila, sabay kindat pa nito sa kanya. Ngumiti naman siya sa brother in law.
Saka na sila tinawag ng kasambahay na nakahanda na raw ang hapunan at nasa komedor na ang mga magulang nila. Kaya naman lumakad na silang tatlong patungong komedor, habang bitbit pa rin niya si Harris.
Sa hapag kainan enjoy na enjoy naman sila sa pagkain. Masarap kase ang luto ng Mommy nila, isama pang bibihira na lang din kasi niyang matikman ang luto nito.
Sa Tragora Condo siya namamalagi kasalukuyan pa kasing ginagawa ang pinapatayong bahay niya, sa Tragora Subdivision din, malayo lang ng kaunti sa bahay ng mga magulang. Dahil binata pa naman siya kaya sa condo muna siya nakatira. Wala nga siyang balak magpatayo ng sarili niyang bahay, dahil wala sa isip niya ang mag asawa. Iyon nga lang nais ng mga magulang niya na magpatayo pa rin siya ng sarili niyang bahay, para pag nagkapamilya siya ay hindi sa condo ititira ang pamilya niya. Sumangayon na lang din siya sa mga magulang, kahit wala siyang planong magka pamilya.
"Tuloy na po ba ang plano niyo Dad na hindi tumakbo sa halalan?" Tanong ni Harry sa Daddy niya.
Napa angat pa siya ng mukha, naging interesado siya bigla sa usapang pulitika. Ilang beses na siyang tinanong ng ama kung gusto ba niyang pumalit sa pwesto nito, dahil siya nga daw ang napupusuan ng mga tao sa bayan nila.
Tatlong taon lang naupo ang ama niya sa pagka Mayor ng San Miguel. Iyon nga lang ngayong halalan, hindi makakatakbo ang ama, dahil sa karamdaman nito. Kailangan munang magpahinga ng Daddy niya, at sa susunod taon ay kailangan nitong magtungo sa ibang bansa, para magpa opera. Kaya ang suggest ng doktor na tumitingin sa ama ay magpahinga na ito at mag relax. Huwag pagurin ang sarili nito, at huwag din magpa stress. Kaya nagdesidido na lang ang ama na huwag na muna itong tumakbo pang Mayor ngayong eleksyon.
"Ipapahinga ko muna siguro ang tatlong taon, at baka pagkatapos ay pwede na ko ulit. Sa ngayon kailangan ko munang magpahinga," sagot ng ama niya kay Harry.
"Matutuloy pala ang tandem nina Julio Alcaraz ar Wilson Santiago," sabi naman ni Ysa na nagpakunot sa noo niya.
"Sino? Wilson Santiago ba?" Kunot noong tanong niya kay Ysa sa pagkagulat ng marinig ang pamilyar na pangalan.
"Oo, Kuya iyung maniac na iyon ang tatakbong Vice Mayor para kay Julio Alcaraz," sagot ng kapatid sabay ikot pa ng mga mata nito. Napansin naman niyang hinawakan agad ni Harry ang kamay ng kapatid niya. May pagka sweet talaga itong si Leonardo.
Kilala niya si Wilson naging kaklase niya ito noon sa San Miguel University. Kaya nasabi ni Ysa na maniac ang Wilson na iyon, ay minsan nabg binastos ng lalaking iyon ang kapatid noong estudyante pa ito. Kaya nga binugbog niya si Wilson noon sa pambabastos nito sa kapatid. Wala namang binatbat sa kanya si Wilson, mga babae lang kinakaya-kaya nito.
"Siya nga at kung walang makalalaban si Julio, tiyak ang panalo ng dalawa," nahimigan niya ang lungkot sa tinig ng ama. Marahil ayaw din nitong makuha ng dalawa ang kapangyarihan sa bayan nila. Tiyak naman kasing walang gagawing mabuti ang Wilson na iyon sa bayan nila.
"Narinig ko rin sa munisipyo ang usap-usapan na kaya daw dikit ng dikit iyang si Wilson kay Julio, dahil daw sa anak na babae ni Julio," sabi naman ng Mommy niya.
Napa angat ang likod niya sa narinig at lumalim ang kunot sa noo. Si Ziyah ba ang tinutukoy ng Mommy niya?
"Napakaganda naman kasi ng anak ni Julio, at napakabait pa, malayong-malayo sa ama niya, marahil nagmana sa ina niya," patuloy ng Mommy niya.
"Anong pangalan ng anak ni Julio?" Hindi na siya nakatiis na magtanong. Naramdaman rin ang pagkabog ng dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Sa pagkakaalam ko, Ziyah. Ziyah Alcaraz," sagot ng Mommy niya.
Hindi siya nakakibo, natulala siya. Gumulo sa isip niya si Wilson. Hindi mapagkakatiwalaan nang sino mang babae ang isang tulad ni Wilson Santiago.
"Kuya, kilala mo ba ang anak ni Julio?" Tanong sa kanya ni Ysa.
"Ah?"
"Parang natulala ka kase nang marinig mo ang pangalan niya," sabi pa ng kapatid.
Pinaglipat-lipat naman niya ang tingin sa mga naroon sa hapag, na tila ba naghihintay ng isasagot niya.
Hindi niya pwedeng sabihin sa ngayon ang napag usapan nila ni Ziyah. Isa pa hindi anak ni Julio si Ziyah. Nabasa niya sa profile na binigay sa kanya ni Ziyah, na walang nakakaalam na hindi ito anak ni Julio. Sinabi daw nito sa kanya, para sa simula palang malinaw na raw sa kanila ang lahat.
"Ah.. Not really, but, nagkita na kami before," sagot niya at muling tinuloy ang pagkain.
"Maganda ba talaga siya sa personal Kuya?" May panunukso sa tinig ng kapatid
"Ah?" Sabi niya at napatingin sa kapatid na may kakaibang ngiti sa labi. Iniling na lang niya ang ulo at muling tinuon ang buong atensyon sa pagkain. Buti na lang at hindi na nangulit pa si Ysa.
Nagpatuloy ang mga ito sa pag uusap patungkol sa parating na eleksyon. Hindi na niya naiintindihan ang usapan ng mga ito, dahil okupado na ng buong isip niya si Ziyah at si Wilson. Kung interesado si Wilson kay Ziyah, at kinamumuhian ni Ziyah si Julio na stepdad nito. Posible bang nasa panganib si Ziyah, kaya nagawa nitong ialok sa kanya ang sarili?
Isang maniac si Wilson, panganib ito sa kahit na sinong babae. May ilang babae na siyang nakaharap na nakasama si Wilson. Iisa ang sinasabi ng mga ito, sadista at abusive si Wilson, nambababoy daw ng babaeng nakakasama sa kama. At alam niyang ang pagka interesado ni Wilson kay Ziyah ay para maikama lang babae at babuyin ito tulad ng ginagawa ni Wilson sa mga naging babae nito.