Chapter-1
Isang malakas na kabog at mga sigawan ang gumising sa kanya. Napabalikwas siya nang upo mula sa pagkakahiga, halos hindi pa niya nadidilat ang mga mata, ay nagmamadali na siyang bumaba ng kama.
"Mommy!"
Halos madapa siya sa pagmamadaling makalapit sa pintuan ng silid. Nanginginig ang mga kamay na piniit ang lock ng pintuan pabukas at nagtatakbo palabas ng silid.
"Mommy!" Tawag niya sa ina.
Bago niya narating ang silid na kinaroroonan ng ina, ay lumabas na mula sa silid si Julio. Galit na mukha ni Julio ang sumalubong sa kanya. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. Napahinto siya at sinalubong ang galit na nga mata nito. Masamang tingin din ang pinukol niya sa stepfather.
"Ano na naman ang ginawa mo sa Mommy ko?" Matalim na tanong niya. Saka akmang lalapit rito ng itulak siya nito.
"Magsama kayo ng Mommy mo na tatanga-tanga!" Galit na sabi nito. Saka ito nagpamura at nagptuloy sa paglalakad.
Masamang tingin ang pinukol niya kay Julio na nagmumura pa habang pababa ng hagdan.
"Demonyo!" Matalim na sabi niya.
Narinig niya mula sa loob silid ang pag-iyak ng Mommy niya. Dali-dali siyang tumakbok papasok sa loob ng silid ng ina.
"Mommy!" Tawag niya.
Nakita niyang nakaupo ang ina sa sahig habang umiiyak ito. Nagkalat sa tabi ng ina ang ilang mga gamit. Marahil iyon ang narinig niyang nagkalabugan kanina. Nagkibit balikat siya. Tila nanghihina siya sa nakikitang itsura ng ina.
"Mommy." tumabi sa umiiyak na ina.
"I'm ok Ziyah, I'm ok. Don't worry," sabi ng ina habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.
Napabuntong hininga siya ng makita ang dugo sa gilid ng labi nito. Walang dudang pinagbuhatan na naman ng kamay ng lalaking iyon ang Mommy niya.
Nasasaktan siyang makita ang ina na ganito. Umiiyak at may pasa. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang magawa para maprotektahan ang ina.
Mula pagkabata saksi siya sa pananakit ni Julio sa Mommy niya. Kaya kinamumuhian niya si Julio Alcaraz ang walanghiya niyang stepfather.
Nagka-isip siya na akala niyang si Julio ang kanyang ama. Dahil, asawa ito ng Mommy niya at dala-dala ang apelidong Alcaraz. Ngunit hindi rin nagtagal nahalata niya na iba ang trato sa kanya ni Julio. Noong una inakala niyang baka dahil babae siya at hindi lalake. Dahil nga karamihan sa mga ama ay gustong magka anak na lalake. Pero dahil na rin sa nasaksihan niya ang pananakit ni Julio sa ina, ay lalo na siyang nagduda kung sino ba si Julio Alcaraz.
Sampung taon na siya ng aminin sa kanya ng ina na hindi si Julio ang kanyang ama. Hindi na siya nagtaka pa roon. Halata naman niya noong una pa lang. Dahil sa malamig na pagtrato sa kanya ni Julio.
Nang tanungin ang Mommy niya kung nasaan ang tunay na ama. Malungkot na sinabi nitong namatay ang tunay niyang ama bago pa man siya maisilang.
Sa kagustuhang malaman kung bakit namatay ang ama, ay nahalungkat niyang sadya pinapatay ni Julio ang kanyang ama, para maagaw ang Mommy niya sa tunay niyang ama.
Magpa hanggang ngayon ay nasa poder pa rin sila ni Julio, at nais niyang makuha ang hustiya para sa ama. Nag-iisip siya ng paraan at patuloy na naghahanap ng matibay na ebidensya na magpapatunay na si Julio ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.
Hindi rin naman siya makaalis, dahil hindi niya kayang iwan ang ina. Isa pa, katatapos palang niya sa pag-aaral noong isang taon sa kursong tourism sa San Miguel University. Hindi siya pinapayagan ni Julio na magtrabaho sa iba. Ang nais ng stepfather niya ay mamasukan siya sa kompanya nito. Bagay na kailanaman ay hindi niya gagawin. Illegal ang mga negosyo ni Julio, kaya nabibilang ito sa mayayaman sa bayan nila. Ang mga pasugalan, at ilang illegal na bar sa karatig bayan ay patagong pagmamay-ari ni Julio.
Alam naman niyang darating din ang araw na babagsak na si Julio at pagbabayaran nito ang lahat ng kasalanan. At hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang hustiya para sa ama. At mapagbayaran ni Julio ang pagpatay sa ama at pananakit sa Mommy niya.
"Bakit po ba kasi niyo hinahayaan na saktan kayo ng demonyong iyon?!" Galit na tanong sa ina habang tinatapalan ng yelo ang gilid ng labi nitong pumutok.
"Hayaan mo na ang Daddy mo-"
"Hindi ko siya Daddy!" Mariin na putol niya sa sasabihin ng ina.
Mula ng masaksihan niya ang pananakit ni Julio sa Mommy niya ay tuluyan na siyang nawalan ng galang kay Julio Alcaraz. Hindi niya ito tinatawag na Daddy o ano pa man. Julio lang ang tawag niya sa stepfather.
"Ziyah anak, huwag mo na lang pinagpapansin si Julio, baka pati ikaw madamay pa,"
"Subukan lang niya kong saktan. Kundi lalabanan ko talaga siya!" Banta niya.
Ni minsan hindi pa dumapo ang palad sa kanya ni Julio. Pero madalas pagsalitaan siya ni Julio ng masasama, at minsan dinadamay pa ang tunay niyang ama sa usapan pag galit ito sa kanya.
"Ziyah, hayaan mo na," malumanay na pigil sa kanya nito.
"Bakit kasi hindi niyo labanan?!"
"Anak, wala tayong pupuntahan kapag kinalaban natin si Julio,"
Parehong galing sa katamtamang pamilya ang Mommy at Daddy niya. Kaya walang laban sa kapangyarian ni Julio. Kaya marahil magpa hanggang ngayon, ay hindi pa rin makamit-kamit ng ama ang hustisya.
Humugot lang siya ng malalim na paghinga. At hindi na kumibo. Kung sana makahanap siya ng trabaho, at may sapat na pera, iyung kaya niyang isama ang Mommy niya, para layasan na nila ang demonyong si Julio.
"Ziyah," tawag ng ina. Makalipas ang ilang sandali.
Sinulyapan niya ang ina at binaba ang pinupunas sa putok na labi nito.
"Tatakbong alkalde si Julio dito sa San Miguel," seryosong sabi ng ina.
"Ano po?!" Gulat na tanong niya.
Nalalapit na ang halalan at sa pagkakaalam niya hindi na tatakbong Mayor ang kasalukuyang nakaupo na si Mayor Fernan De Guzman. Isang napakagaling na Mayor nito, dahil napalago nito ang bayan nila. Isama pang naipasara nito ang mga pasugalan ni Julio sa bayan nila. Kaya nagustuhan niya ang pamamalakad nito.
"Hindi siya mananalo!" Taas mukhang sabi niya.
"Walang boboto sa demonyong iyon. Matitino ang mga tao sa San Miguel, at hindi nila iboboto si Julio,"
"Wala siang makakalaban, dahil ang pambato ng San Miguel na si Zandro De Guzman na anak ni Mayor ay hindi tatakbo sa halalan," malungkot ang tinig na sabi ng Mommy niya.
"Kung hindi rin ang batang De Guzman ang makakalaban ni Julio, sigurado ang magiging panalo niya," patuloy ng ina.
Hindi siya nakakibo. Nanatili siyang nakamata sa ina. Hindi pwedeng manalo si Julio. Mas magkakaroon ito ng kapangyarian para saktan ang Mommy niya. At lalo nitong matatakasan ni Julio ang krimen nito sa Daddy niya.
"No! Hindi siya mananalo,"