Chapter-7

2105 Words
"Zandro where are you? Andito na ko sa VincElla Hotel," malambing na tinig ng babae sa kabilang linya nang sagutin ang cellphone pagdating sa condo unit na tinitirhan niya. Inalis sa tenga ang cellphone at binasa ang pangalang nasa screen, habang naglalakad palapit sa may mini bar, kung saan puno ng mga alak roon na kailangan na kailangan niya ngayon. Cindy ang pangalang nasa screen. Inisip pa nga niya kung sino si Cindy, at bakit ito naghihintay sa kanya sa VincElla Hotel. Masyado yatang na busy ang buong isip niya at nakalimutan na may plano pala siyang makipagkita sa babaeng kausap ngayon. Naalala na niya kung sino si Cindy, nakilala niya ito noong weekend at isang beses na silang nag overnight nito sa hotel para maglaro ng apoy. At ngayon ikalawang schedule pala ng pagkikita nila ng babae, nawala sa isip niya, at wala na rin siyang planong makipagkita pa. Marami siyang mas mahalagang kailangan gawin ngayon kesa makipaglaro sa babae. Nagdahilan na lang siya kay Cindy na hindi makakapunta, dahil may importante siyang gagawin. Nadismaya ang babae, wala naman siyang magagawa iba ang laman ng isip niya. Inihagis niya ang cellphone sa ibabaw ng folder na bigay ni Ziyah sa kanya, at naupo na para simulan ang pag inom. Kanina pa niya nais makatikim ng alak. Para matigil ang pag iisip niya kay Ziyah Alcaraz. "Damn it!" Mariing mura niya, at malakas na binagsak ang bote ng alak matapos makapagsalin sa baso. "Hindi ko siya dapat iniisip. Hindi ako dapat nag aalala kay Ziyah Alcaraz," Inis na sabi niya sa sarili at ininom ang laman ng baso. Inisang lagok lang niya ang laman ng baso, at muling linagyan iyon ng laman, nais niyang makarami ng inom ngayon. Nais niyang mawala saglit sa isip niya si Ziyah. Kanina palang niya nakilala at nakita si Ziyah Alcaraz, pero aaminin niyang nagandahan na siya sa dalaga. Well, maganda naman kasi talaga iro, attractive. Hindi rin niya lubos na kilala si Ziyah, hindi nga niya inalam kanina kung ano ang rason nito, at nais nitong pabagsakin ang stepfather nito. Sa ginagawa ni Ziyah, ay alam niyang matindi ang galit nito kay Julio, kaya pati sarili nitong katawan ay itinaya nito, para lang mapabagsak si Julio. Napakadali lang naman sana sa kanya ang tumanggi, dahil nasisiguro niyang makukuha at matitikman rin naman niya si Ziyah, sa paraang alam niya. Iyon nga lang nagulo ang isip niya sa narinig kanina patungkol kay Wilson Santiago. Hindi pwedeng ma involve si Ziyah sa isang katulad ni Wilson. Lalo na't birhen si Ziyah. "Bullshit!' Hiyaw niya at malakas na binagsak ang baso. "Ano bang pakialam ko kay Ziyah kung virgin ito? Anong pakialam ko kung paglaruan at babuyin lang ni Wilson si Ziyah?!" Inis niyang mga tanong sa sarili. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit masyado siyang apektado kay Ziyah. Kung bakit siya nag aalala sa babaing isang araw palang niya nakilala. Sumasakit lang ang ulo niya kaiisip at kakatanong sa sarili ng paulit-ulit na bakit, eh wala naman siyang maisagot sa sarili. Matapos makarami ng inom muli niyang inilabas ang larawan ni Ziyah. Napahugot pa siya ng malalim na paghinga at naalala ang pang aakit nito sa kanya kanina. Isipin lang ang mga ginawa ni Ziyah kanina ay naramdaman na niya ang pag gising ng alaga niya. Hindi pa nangyari sa kanya ang ganitong bagay, iyung inisip lang niya ang isang babae ay nagigising na ang dugo sa buong katawan niya. "Ziyah. Ziyah Alcaraz," paulit-ulit niyang bulong sa napakagandang pangalan ng babae. Bagay na bagay kay Ziyah ang pangalan nito, katulad nitong maganda. Matapos uminom tinutok niya ang hubad na katawan sa malamig na shower. Nais niyang mawala ang init sa katawan niya, dahil sa pag iisip niya sa magandang dalaga. Hinayaan niyang dumaloy ang malamig na tubig sa hubad niyang katawan. Dahil sa kaiisip kay Ziyah nag cancelled siya ng babae sa kauna-unahang pagkakataon. Ibig sabihin no s*x for him, tonight which is unusual. Dahil gabi, gabi siyang lumalabas at nakikipaglaro sa kung sinong babaeng available. At ang unusual na ito ay dahil kay Ziyah Alcaraz. Kinabukasan matapos mag almusal sa kilalang coffee shop sa loob ng Tragora Condominium ay sinadya niyang magtungo sa kabilang bayan. Ewan niya pero naisipan niya biglang magtungo roon, kung saan nakatayo ang Bar na pag mamay-ari ni Wilson. Matagal na niyang hindi nakikita ang lalake, sadyang sa mga ilang babaeng nakakasalamuha lang niya nalalaman kung paano ito magtrato sa mga babae. Wala na rin siyang idea kung anong klaseng buhay meron si Wilson ngayon, at kung bakit nais nitong tumakbo bilang Vice Mayor ng San Miguel. Dahil ba kay Ziyah? Umigtig ang panga niya sa naisip at humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hininto niya ang mamahaling sports car sa tapat ng bar na pag mama-ari ni Wilson. Sarado pa ito ngayon, dahil maaga pa, pero bukas naman ang entrance. "Ano naman ang ginagawa mo rito Zandro?" Bulong na tanong niya sa sarili habang nakatingin sa entrance ng bar ni Wilson. Napabuntong hininga siya at iniling ang ulo. Hindi na niya alam ang ginagawa niya. Akmang paaandarin na niya ang kotse nang mapansin na bumukas ang pintuan. Natuon sa mga papalabas sa pintuan ang mga mata niya. Isang babaing umiiyak ang nakita niyang tinulak palabas. Kumunot ang noo niya at hindi nag alis ng tingin. Sumunod na lumabas ang lalaking naka formal business siut. Pinakatitigan muna niya ang lalake bago ito nakilala. Si Wilson. Umiiyak ang babae sa harapan ni Wilson at isang malakas na sampal ang binigay ni Wilson sa babaing umiiyak. Nagulat pa siya, at napaigtig ang panga nang makitang bumagsak sa semento ang babaing sinampal ni Wilson. Hindi niya naririnig ang pinag uusapan ng dalawa, pero mali pa rin ang manakit ito ng babae. Ilang saglit lang ay may dumating na sasakyan at mabilis na sumakay si Wilson roon at iniwan ang babaing umiiyak na nakaupo sa semento. "Walanghiya talaga pati babae pinapatulan," bulong niya. Akmang bababa ng sasakyan para sana tulungan ang babaing umiyak nang makitang may lumapit na sa babae at tinulungan na itong makatayo. Agad naman niyang sinundan ang sasakyan ni Wilson. Hindi rin niya alam kung bakit, pero nais niyang sundan ito. Habang hindi inaalis ang mga mata sa sinasakyan ni Wilson pumasok sa isip niya si Ziyah. Magagawa ba niyang hayaan si Ziyah sa isang katulad ni Wilson na nananakit ng babae? Nakita niya mismo ang ginawang pagtulak at pagsampal ni Wilson sa babae kanina. Hahayaan ba niyang mangyari kay Ziyah ang ganoong bagay? Umabot ang pagsunod niya sa sinasakyan ni Wilson sa San Miguel. Sinundan pa rin niya ito nang pumasok sa Tragora Subdivision. Malawak ang loob ng subdivision, halos lahat ng may kaya sa bayan nila ay doon nakatira. Kaya marahil patungo ngayon si Wilson sa bahay ni Julio, kung saan naroon si Ziyah. Maingat ang ginawa niyang pagsunod, baka kase makahalata si Wilson na may sumusunod rito. Mahirap na dahil paniguradong kilala pa rin siya ng lalake. Kinse anyos si Ysa noong bastusin ni Wilson sa labas ng eskwelaan. Kaya naman halos patayin niya ito sa bugbog. At nagmakaawa pa sa kanya na huwag itong sampahan ng kaso. Pinagbantaan lang niya ito na makukulong ito kung babastusin nito muli ang kapatid niya. At buti nalang natakot ang gago at hindi na lumapit pa sa kapatid niya. Napahinto siya sa di kalayuan nang mapansin ang paghinto ng sinasakyang sinusundan. Nilingon niya ang paligid. Baka isa sa mga bahay na ito ang bahay ni Julio. Bumaba ng kotse si Wilson, at napansin ang babaing tumatakbo ng mabagal. Mukhang nag jo-jogging ito. Kumunot ang noo niya nang makilala ang babaeng hinarangan ni Wilson sa sa pagtakbo. "Ziyah," banggit niya sa pangalan ng babaing magdamag na gumulo sa isipan niya. Hindi niya inalis ang mata kay Ziyah. Kahit nasa loob siya ng kotse, kitang-kita niya ang kagandahan ni Ziyah sa suot nito, she is wearing a sports bra and a running short. Lutang na lutang ang kagandahan ng katawan nito. Isama pa ang nakakasilaw na mga binti nito. "s**t!" Mura niya dahil nakabandera ang magandang hubog ng katawan ni Ziyah sa suot nito at lalo pa siyang napamura dahil kaharap ni Ziyah ngayon ang maniac na si Wilson. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sumiklab ang galit niya. At mabilis na inalis ang seatbelt at nagmamadaling bumaba ng kotse. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari, pero hindi niya hahayaan si Wilson na pag fiestahan ang katawan ni Ziyah. "Ziyah," tawag niya sa dalaga habang mabibilis ang kanyang mga hakbag palapit. Nakaharap sa dako niya si Ziyah, kaya agad siya nitong nakita. Nakita niya ang pagkagulat sa magandang mukha ni Ziyah nang makita siya. Marahil hindi nito inaasahan na makikita siya nito. Siya man ay hindi inaasahan ang naging reaksyon niya nang makitang hinarang ni Wilson si Ziyah. Napakaganda ng pa rin ni Ziyah kahit pawisan. Nakapusod ang mahabang buhok nito at may suoy na puting cap. Ganoon pa man hindi naitago ng suot nitong cap ang maganda nitong mukha. Napalingon naman sa kanya si Wilson, at nalipat ang mga mata niya sa lalake. Kumunot ang noo nito nang makita siya. "De Guzman?" banggit nito sa apelido niya. "Ako nga," agad na sagot niya kay Wilson. "Ziyah, let's go," anyaya niya kay Ziyah na agad namang lumakad palapit sa kinatatayuan niya. Napansin niyang sadyang pumuwesto ang babae sa likuran niya, tila ba nais nitong magtago mula kay Wilson. Damn it! Talagang itatago rin niya si Ziyah kay Wilson, kung ganito ka sexy ang suot nito. Hindi niya nagustuhan ang suot ni Ziyah, lalo na't nasa labas ito. Paniguradong maraming mapapalingon sa magandang katawan nito. "Teka, magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Wilson sa kanila. "Oo, may problema ba doon?" Balik tanong niya kay Wilson. Tinignan naman siya ni Wilson sa mga mata. Tumalim ang tingin nito sa kanya. "Alam ba ng Daddy mo Ziyah na magkakilala kayo ni De Guzman?" Tanong ni Wilson kay Ziyah na nasa likuran niya. "Kailangan bang lahat ng kaibigan ko kakilala niya?" Balik tanong ni Ziyah na nasa himig ang iritasyon. "Ganoon ba," tanging sagot ni Wilson na halatang nagpipigil lang ng galit. "Sa bahay niyo ko patungo, Ziyah, tara na sumabay ka na sa akin," anyaya pa ni Wilson kay Ziyah. "Thank you, Wilson but, may pupuntahan pa kami ni Zandro," tugon ni Ziyah at naramdaman ang pagkawit ng kamay nito sa braso niya. Nakaramdam siya ng kakaiba, at pasimple pang sinulyapan ang kamay nito sa braso niya. Nagustuhan niya ang pakiramdam. "Ganoon ba," tanging sagot ni Wilson at tinapunan siya ng masamang tingin. Sinalubong naman niya ang mga mata nito. "Magkita na lang tayo mamaya Ziyah," sabi pa ni Wilson nang sulyapan nito si Ziyah. Hindi naman kumibo si Ziyah na nanatiling nakahawak sa braso niya. Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Wilson, bago ito sumakay sa sasakyan nito. "Let's go," anyaya niya kay Ziyah nang umandar na ang sinasakyan ni Wilson. Sumunod naman sa kanya si Ziyah. Pinagbuksan niya ito ng pintuan sa passenger seat at inalalayang makasakay, siya na rin mismo ang nagsuot sa seatbelt nito. Bagay na ewan niya kung bakit kinailangan pa niyang gawin. Naamoy na naman tuloy niya ang mabangong amoy nito na tumatak na yata sa ilong niya. Hindi rin niya tuloy naiwasang mapasulyap sa suot na sports bra nito. May kalakihan ang dibib ni Ziyah kaya, nasisilayan niya ng bahagya ang dalawang bundok. Napalunok pa siya. Hindi rin naman umiwas pa sa kanya si Ziyah nang halos kahibla na lang ang layo ng mga mukha nila. Nasasamyo na nga niya ang mainit at mabangong hininga nito. "Thank you, Zandro," pasalamat pa sa kanya ni Ziyah, at hinaplos siya nito sa dibdib ng banayad. Nagulat pa siya at napataas ng dibdib. Saka napatitig sa mga mata nito. Inaakit siya nito. Bumaba ang mga mata niya sa labi nitong sadyang bahagyang nakabuka na para bang naghihintay na halikan niya. Nag iwas siya ng tingin. Saka na mabilis na tinapos ang pagsusuot sa seatbelt nito at mabilis na umiwas. Kung hindi pa kasi siya iiwas ay baka mawalan siya ng kontrol sa sarili at halikan ito. Habang matino pa ang isip niya iiwas na muna siya. Nagbuga siya ng hangin pagsara sa pintuan ng passenger seat at saka na siya umikot pasakay sa driver seat. "Saan ba ang bahay niyo rito? Para maihatid na kita," sabi niya nang magsimula sa pagmamaneho. "Ayokong umuwi sa bahay ni Julio!" Mariing sabi ni Ziyah sa kanya. Napalingon pa siya rito. Nakita niya ang galit sa magandang mukha nito habang nakatingin ng deretso sa labas ng windshield. "Naroon si Wilson, ayokong umuwi," sabi pa nito at sinulyapan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD