Chapter-5

1801 Words
"If I say yes, gagawin mo ba?" Zandro asked her. "Yes," mabilis na tugon niya at huminto malapit sa kinauupuan nito. Ngumisi naman si Zandro habang nakatingin kanya. Pakiramdam niya sasabog na ang kanyang dibdib sa kaba. Gaoon pa man hindi siya nagpapahalata. "What if, gawin mo, and then hindi naman ako pumayag sa gusto mo," sabi nito. Natigilan siya bigla. Bakit ba hindi niya naisip iyon kanina. Masyado na ba siyang desperadang mapapapayag si Zandro kaya nais na niyang magpakitang gilas rito, kahit wala naman talaga siyang idea sa gagawin. "What if matapos kong makuha ang gusto ko, ay hindi ko naman gawin ang gusto mo," patuloy nito. "Well, you are Zandro De Guzman, at alam kong marunong kang tumupad sa usapan," confident na sagot niya. Nakikita kasi niyang hindi masamang tao o mapanamantala si Zandro. Kaya nga sarili niya mismo ang inalok niya rito. Alam niya at ramdam niyang mapagkakatiwala niya ang katawan kay Zandro. Nag research na siya sa kung anong klaseng lalake ang isang Zandro De Guzman. Dahil na rin nasa mundo ito ng pagnenegosyo, may mga articles patungkol sa lalake, bilang isang successful businessman. Kaya naman kahit papano may idea na siya kung sino ito. Alam din niyang may kapatid itong babae si Ysa De Guzman na ngayon ay isa ng Ysa Leonardo na nakapangaswa ng isang kilalang negosyante, kaya imposibleng basta, basta na lang siya sasamantalain nito. "Ganyan ba kalaki ang tiwala mo sa akin, Ms. Alcaraz?" Zandro asked. "Ziyah. Just call me Ziyah," pagtatama pa niya rito. Kinasusuklaman niya ang apelidong Alcaraz. At darating din ang araw na maaalis niya sa pangalan ang apelido ng demonyong iyon. "Yes. Beside wala nang ibang pwedeng makatalo kay Julio ngayong hindi tatakbo ang Papa mo, kundi ikaw." "Ganoon ba," sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan, at dinampot muli ang papel na galing sa OB niya. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Mukhang hindi naman siya nito paluluhurin ngayon. "Pwedeng i fake ang result nito," sabi nito at tinaas sa ere ang hawak na papel. Bahagyang kumunot ang noo niya. Iniisip ba nitong nagsisinungaling siya na isa siyang virgin? Pero hindi na lang siya kumibo. Nanatiling nakatingin sa mga mata nito. "But, I have my own way para malaman kung nagsasabi ka talaga nang totoo," patuloy nito at bumaba ang mga mata nito sa kabuuan niya. Sa bawat daanan ng mga mata nito, ay may kakaibang init siyang nararamdaman. Habang gumagapang ang mga mata nito, ay gumagapang din ang init sa buong katawan niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong init. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may lalaking sumuri sa kanyang lalake. "You can't trick on me, Ms. Alcaraz." "Ziyah!" Mariing pagtatama niya. "I am not lying. Totoo ang lahat nang sinabi ko at mga nakalagay diyan. At sinabi ko lang ang bagay na iyon kanina, to turn you own, para hindi ka na tumanggi pa," paliwanag niya rito. Habang patuloy ito na pinag aaralan ang kabuuan niya. At palakas ng palakas ang kaba niya. Iyon naman ang tototo nais niyang magpakitang gilas, para hindi na ito magdalawang isip pa at pumayag na sa alok niya. "Ganoon ba iyon," tanging sabi nito at bumalik ang mga mata nito sa mga mata niya. "Pwede kong pag isipan muna ang alok mo," sabi nito at humugot ng malalim na paghinga, sinulyapan ang papel na hawak ang muling binalik sa kanya ang mga mata. "Alam mo namam sigurong hindi ganoon kadali ang pagtakbo sa halalan. Beside I hate politics magulo, kaya nga kahit anong pilit ni Papa ayoko pa ring tumakbo," litanya nito na hindi nag aalis ng tingin sa kanya. "That's why I am here to change your mind," nang aakit na tugon niya at dinala ang mga kamay sa butones ng blouse niya. Nakita niyang sumunod ang mga mata ni Zandro sa kamay niya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib nito. Alam niyang may epekto ang ginagawa niya rito. Kailangan lang niyang ipagpatuloy ang pang aakit para mapapayag ito. Walang lalaking tatanggi sa kanya, sigurado siya sa bagay na iyon. Sumilay ang tabinging ngiti sa labi nito, nang mabuksan ang unang butones, at sinunod pa niya ang isa. Halos nakalabas na ang dibdib niya sa harapan ni Zandro. She is willing to get this low, para mapapayag lang ito. "Ziyah," banggit nito sa pangalan niya sa kauna-unahang pagkakataon. May kakaibang hatid sa kanya ang simpleng pag banggit lang nito sa pangalan niya. Natigilan siya nang pigilan nito ang kamay niyang binubuksan ang ikatlong butones ng blouse. Mainit na kamay nito ang sumakop sa kamay niya. Para siyang napaso na mabilis hinila palayo ang kamay. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa mga mata nito. "Ayokong husgaan ka sa ginagawa mo Ziyah. May sariling rason ka kung bakit ka nagpapakababa ng ganito, para lang mapapayag ako," litanya nito. Napalunok siya sa sinabi nito. Ganoon ba ang tingin ni Zandro sa ginagawa niya ngayon? Nagpapakababa siya. "Kung sakali bang hindi ako papayag, eh iaalok mo sa iba ang sarili mo?" Tanong nito at muling sinulyapan ang kabuuan niya. Hindi siya nakakibo. Hindi sumagi sa isip niya na maghanap ng ibang pwedeng tumalo kay Julio. Dahil tanging si Zandro lamang ang may kakayahan na matalo si Julio. Matapos ang ilang secundong pananahimik niya, muli itong nagsalita. "Pag iisipan ko ang alok mo sa akin Ziyah, bigyan mo ko ng tatlong araw," sabi nito habang panay sulyap nito sa naka exposed niyang dibdib. "Hanggang sa susunod na linggo na lang pwedeng mag ahin ng candidacy. At kung mahuli ka, walang makakalaban si Julio," taas mukhang paliwang niya. "Dalawang araw, Ziyah. Ibibigay ko ang sagot ko with in two days," sabi nito. Bahagya siyang nagkibit ng balikat. Halata naman niyang hindi siya kayang tanggian ni Zandro. Baka ang pagtakbo talaga ang ayaw nito. "You are not in any relationship, Mr. De Guzman," sabi niya. "How did you know that? Pina imbestigaan mo ba ko, bago mo ko hinarap?" Zandro asked. "I did my own imvestigation. Wala kang sineseryosong babae. At wala rin namang mawawala sa iyo kung makikipaglaro ka sa akin, kapalit ang pag upo mo pa bilang Mayor ng bayan na ito," litanya niya. Sumilay ang mapanganib na ngiti sa labi nito. Isang napaka attractive na ngiti, na kayang hubarin ang sinomang babaing kaharap nito. "You are smart eh. Inalam mo nga muna lahat, bago ka sumugod." "I know," tugon niya at nagtaas ng mukha. "So maglalaro pala tayo, kung sakaling pumayag ako. Anong laro ba ang kaya mong gawin, Ms. Ziyah?" "Kaya kong sabayan kung ano man ang laro mo sa kama," matapang na sagot niya. Sumilay na naman ang makamandag nitong ngiti. Siya man ay hindi malulugi kung sakali. Hindi niya marahil pagsisihan kung isang tulad ni Zandro De Guzman ang lalaking makakahuha sa virginity niya. "Anyway, bakit, parang sigurado kang mananalo ako?" Zandro asked. "Anak ka ni Mayor Fernan De Guzman. At ikaw ang nais ng lahat na pumalit sa ama mo at ituloy nasimulan niya. Kaya walang dudang mananalo ka at matatalo mo si Julio," paliwanag niya. "I see,' tanging tugon nito at napahimas pa sa pisngi nitong mukhang bagong shave, may malilit na balbas pa kasi roon. Napaka attractive talaga ang lalaking kaharap Wala siyang typical na type sa isang lalake. Masyado kasi siyang busy sa pag paplano kung paano mapapabagsak si Julio, kaya halos wala na siyang time na tumingin sa mga lalake. "I'll give you a call with in two days, Ms Ziyah," sabi nito at inabot pa ang balikat niya sa isang kamay. Dahan-dahan nitong pinaglalandas ang mga daliri nito roon. Hindi naman siya pumalag pa. At least ngayon palang alam na nito kung ano ang makukuha nito pag pumayag na ito sa alok niya. "I'll wait for you call, Mr. De Guzman," sagot naman niya at nang aakit na mga mata ang pinukol niya rito. Wala din siyang idea kung paano mang akit ng lalake. Sadyang nagbasa at nanood lang siya ng mga romance para magkaroon ng idea. Easy to learn naman siya, at sa tingin niya effective ang ginagawa niya. Matapos maisara ang mga butones ng blouse, inayos na rin niya ang sarili, sinuklay ang mahabang buhok sa mga daliri sa nang aakit na paraan. Ramdam kasi niyang nakasunod ang mga mata ni Zandro sa kanya. Saka na siya nagpaalam kay Zandro. Iniwan na rito ang folder na naglalaman ng lahat ng tungkol sa kanya, para naman may idea ito kung sino siya, at ano ang kaya niyang ibigay "Nice to meet you, Ms. Ziyah," sabi pa sa kanya ni Zandro nang ihatid siya nito sa labas at pagbuksan ng pintuan ng kotse. "Thank you. I'll wait for your call Mr. Zandro," sagot niya. Tumango-tango naman ito sa kanya. Ngumiti siya rito, at saka sumakay na sa driver seat. "Take care, Ms. Ziyah," sabi nito sa kanya at ito na ang nagsara sa pintuan ng kotse. Nagbuga siya ng hangin habang nagmamaneho palabas ng De Guzman farm. Hindi siya makapaniwala na nagawa na niya ang unang hakbang. Malakas ang kutob niyang papayag si Zandro sa alok niya. Halata na kasi niya kanina ang paglalaway ni Zandro sa katawan niya, kaya walang dudang mapapapayag niya ito. Pagdating sa bahay ni Julio, napakunot pa siya ng noo nang makitang puno ng sasakyan ang bakuran ng bahay ni Julio. Mukhang nagsisimula nang magpa meeting ito, baka inaakala ni Julio na sigurado na ang panalo nito, dahil sa pag anunsyo ni Mayor Fernan na hindi ito tatakbo. "Hinding, hindi ka mananalong demonyo ka!" Matalim na sabi niya, bago pinatay ang makina ng kotse at bumaba na. Napailing pa siya ng ulo habang tinitignan ang mga sasakyang naroon, pati na mga drivers at bodyguard na naghihintay sa labas. Pagpasok sa loob malalakas na boses ang sumalubong sa kanya. Nakita niyang nasa mini bar si Julio, kasama ang mga kapartido nito, mukhang umiinom na at nag se-celebrate na, sa pag aakalang panalo na ang mga ito. Panay pa ang malakas na tawa ni Julio na nakakairitang pakinggan. Nagtuloy na siya sa paglalakad patungo sa hagdan. Magpapahinga na muna siya sa silid. "Ziyah." Natigilan siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Julio. Napalingon siya sa dako nito. "Ziyah, hija, halika," magiliw na tawag sa kanya ni Julio, na tila ba napakabuting ama nito sa kanya. Pakitang tao lang ito, dahil marami itong kasama. "Ziyah, halika muna hija, nais kang makilala ni Wilson," sabi pa nito at tumayo mula sa kinauupuan at nakangiting lumakad palapit sa kanya. "Gusto kang makilala ni Wilson. Wilson Santiago siya ang aking Vice Mayor," nakangiti pa ring sabi ni Julio sa kanya. Creepy, dahil hindi naman siya nito nginingitian. "Huwag mo kong ipapahiya, Ziyah," nakangiting bulong nito sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa stepdad. "Sumunod ka sa akin, ipakikilala kita kay Wilson. Interesado siya sa iyo," sabi pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD