KABANATA 4. Maria's P.O.V

1928 Words
HALOS mag-aalas nuwebe na ng hating gabi ng makauwi ako ng mansion. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan kahit na ba nagpalipas lang ako ng sama ng loob sa bahay ng aking kaibigan. Lalong bumigat ang pakiramdam ko ng mabungaran ko ang malaking sala na halos wala na akong makita dahil sa kadiliman ng kabuuan. Datapwat tila ba may nangangalabit at naghihilang huminto ako sa napakalaking sala, kaya huminto ako doon at mabilis na umikot ang magkabila kong mga mata na tila ba may hinahagilap na bagay. Napaismid ako. Biglang nanlumo ang magkabila kong singkit na mga mata. Sobrang tahimik ang kabuuan ng bahay na tila ba isang liblib na lugar ngunit mapanganib. Pero sanay na sa kinagawian. Kinagawian araw-araw. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagpatuloy ulit sa paglalakad para magtungo na lamang sa kuwarto ng aking anak. Baka naandoon si Zia. Ito ang hinahanap ng aking magkabilang mga mata. Gusto ko sya'ng makita, gusto ko sya'ng makausap at makalaro lamang bago ako matulog. At dahil natitiyak kong naglalaro pa 'to dahil hindi ito sanay matulog ng ganoong oras, nagmamadali akong lumakad patungo sa kuwarto nito na biglang sumagi sa ala-ala ko ang bilin sa akin ni Kaye. Lalong naging doble ang bilis ng paglalakad ko na tila ba may hinahabol. "Saan kaya nanggaling ang magaling na ina ng apo ko?" malaking boses sa may likuran ko ng akmang pipihitin ko pabukas ang serendura ng pintuan. Natigilan ako at napalunok laway dahil sa bose's na 'yun. Nagtaas baba ang paghinga ko. Maya at inalis ko ang pagkakahawak sa serendura ng pintuan. Ibinaba ko ang kamay ko bago ko harapin ang byenan kong babae. Muli, humugot ako ng hininga. Kailangan ko 'yon para may lakas ako at may maiharap na pasensya sa matandang babae. Pekeng ngiti ang bumalatay sa pagmumukha ko ng harapin ko ito habang ito'y seryoso at direksyong nakatingin sa akin. Nakabalatay sa mukha nito ang galit. Galit na lagi ko na lang nakikitang nakabalatay sa mukha nito. Bumuka ang labi ko. Ayokong magtagal kami sa ganoon posisyon dahil mas gusto kong aksayahin ang oras ko sa anak ko kesa makaharap ang ina ng asawa ko dahil tiyak magtatalo lang din kami. "Sa anak ko ho, mama." Magalang na sagot ko. Umangat ang dunggot ng labi nito, ngumiti ito na para bang nakakainsulto. Kahit bakas na ang pagkulubot sa mukha nito, nagliliwanag pa rin sa mukha nito ang kagandahan pustura. Maya't gumalaw ang dalawang baraso nito at isinabit sa harapan nito, "May matino bang ina sa ganitong oras uuwi?" Maanghang na katanungan nito sa akin at may kalakasan ang boses na tila ba walang makakapigil sa matanda. Sanay na ang tenga ko sa ganoong boses at sanay na rin ako sa maanghang na pinupukol nito sa akin. Ganoon pa 'man, dahil mahal ko ang ama ng anak ko, lumalabas na lang iyon sa kabilang tenga ko. "Ma, pwede na po ba akong pumasok?" Malayo sa katanungan nito ang isinagot ko. "Go away to my grand daughter! Kanina pa s'ya natutulog!" utos nito na tila ba wala akong harapatan para makita ko ang anak ko. Ilang taon na ba kaming nagsasama sa isang bubong ng ina ni River? Anim na buwan na lamang at magdadalawang taon na. Magdadalawang taon na akong nagtitiis sa magaspang at nakakasukang ugali nito! Kailangan kong palaging maging kalmaat baon ang Mlmaraming pasensya at iyon naman ang magandang katangian ko. Pero minsan hindi ko na rin kinakaya kaya pag nasa kusina ako at nag-iisa doon ko binubuhos ang bigat ng dibdib ko. Kusina ang naging sandigan ko simula ng tumira ako sa bahay na ito. "Maaga pa po, 'ma. Alam kong gising pa ang anak ko sa ganitong oras." Kalma kong sagot. Kumislot ang mukha nito. Nanliit angg magkabilang mga mata bago ulit sumagot. "Ayaw kang makausap ng apo ko." Maikling sagot nito ngunit hindi ko alam kung sa ba nito nakuha ang salitang iyon. "Ma, please. Gusto kong makalaro ang anak ko." Matigas kong sagot saka tumalikod sa matanda. Ngunit mabilis ito at agarang kinapitan nito ang kamay ko na sanay pipihitin na ang serendura ng pintuan. Hinalibas nito palayo ang hawak nitong kamay ko na para bang nandidiri ng mahawakan nito ang balat ko. "Gagawin mo lahat ng gusto ko sa pamamahay na 'to, Maria! Hindi ka pwedeng magdesisyon na labag sa kalooban ko! Bastos ka at wala kang modo!" Nangangalit na bigkas nito sa akin. Kahit may kalamlaman ang kinatatayuan namin kitang kita ko sa mukha nito ang pamumula. "Opo, ma! Bastos ako! Ano pa gusto n'yong sabihin?" Hindi na rin mapigilang usal ko. "Mauutusan n'yo ko para gawin ang gawaing bahay, ipagluto kayo ng pagkain at maglinis. Pero, hindi ninyo mababago kung ano ang gusto kong gawin para sa anak ko." Nanginginig na boses na dagdabg ko pa. "Tama na ang mga oras na sinayang ko para sa anak ko. Tama na 'yung oras na kayo ang gumagawa para sa kaniya dahil pinipigilan n'yo ako sa tuwing lalapitan ko si Zia." matapang na paliwanag ko. Pinilit kong huwag maluha sa ganoon hindi nito mahalata ang takot na nararamdaman ko. Sa isang taon at kalahati naglakas loob na Rin akong nagsalita. "Ughm!" singhal nito sa akin. "Anong pinagmamalaki mo at marunong ka ng sumagot?! Stupida ka!" bulyaw nito sa akin. Nanlilisik ang mga mata at tila ba kaya akong tupukin sa kinatatayuan ko. Humigpit ang pagyukom ng magkabila kong palad. Iyon ang naging kakampi ko para maging matatag ako sa kinatatayuan ko. Naglakas loob ulit akong magsalita sa matanda na kahit na ba alam kong never akong mananalo. "Bakit po, 'ma? Bakit lagi ninyo 'ko pinagbabawalan na kausapin po ang anak ko? Buong oras ng anak ko ikaw na ang kasama. Bakit hindi ko 'man lang maramdaman ang pagmamahal nyo bilang asawa ng anak ninyo?" garalgal na sabi ko datapwat walang luhang pumatak sa mga mata ko. "Kahit anong gawin ko sa anak ko, kausapin o gisingin ko 'man siya. Anak ko si Zia at huwag ninyo akong pipigilan dahil lola ka lang ng anak ko!" Madiin na usal ko. Nanlaki ang magkabila nitong mga mata. "How dare you!" mura nito sa akin na halos umugong sa buong bahay. Ilang beses na ba ako nitong minura? Isa, dalawa o hindi na rin mabilang pa. Ganyan ako katanga pag-abot sa ina ng asawa ko. Ganyan ako katatag para sa mag-ama ko at para sa kinabukasan nila. Sa mga oras na iyon, durog na durog na naman ang puso ko dahil habang minumura ako ng ina ni River, para akong isang basura na hindi na puwedeng pakinabangan pa. "Tapos ka na po 'ma?" Kalmadong sabi ko ulit dahil kung magtatagal ang usapan walang mangyayare. "No! Hindi mo bubuksan ang pintuan ng apo ko!" Matigas na pigil nito. Mabilis na humakbang palapit sa pintuan at iniharang ang maliit na katawan doon. Awtomatikong napalunok laway ako, nagpipigil. Ramdam kong sasaktan ulit ako nito oras na pilitin ko ang kagustuhan ko. Pero kailangan ko ipakita na iba na ako. Na puno na ako. Na dapat sundin ko ang bilin ni Kaye at kung hindi hangga-hangga tatapakan lang ako ng ina ng asawa ko. "Hayaan po ninyo akong makausap at makalaro man lang ang anak ko, mama. Nakikiusap ako, umalis ka po sa daraanan ko." Nakikiusap at may halong pagtitimpi sa matandang nakataas ang kilay sa akin. Tumawa ito ng malakas. Tawa na akala mo isang kontrabida sa isang teleserye. Habang ako naman ang bida na inaapi. Inaapi na kailangan magtiis hanggat hindi nakakatapos ng pag-aaral ang asawa ko. Utang ko pa rin kasi rito ang mga bagay na makakamit ni River. Kaunting tiis pa at malapit ng makagraduate ang asawa ko. "Mama, ina rin po kayo. Anak ko po si Zia. Hayaan n'yo akong gawin lahat para sa anak ko." garalgal na pakiusap ko. Muli, wala pa rin luhang tumulo sa mga mata ko. "Anong kakayahan mo para sa mag-ama mo? Ang tumihaya lang?" pang-iinsultong tanong nito. Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi nito, pero hindi ko na lamang iyon sinagot, "Ma, ginagalang po kita at sana...ganoon ka rin p—," Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang pagbuhatan ako ng palad nito at dumako iyon sa pisngi ko. Mabilis na sinalat ng palad ko ang nasaktang pisngi ko. Doon tuluyang umagos ang luha ko ng salubungin ko ang nanlilisik nito nitong mga matang nakatingin sa akin. Akala ko kaya ko na ang lahat. Masusunod ko na ang bilin sa akin ni Kaye. Pero heto ako at nakatayong lumuluha sa harapan nito. Talunan na naman ako. "Hanggat nasa pamamahay kita, Maria, wala kang karapan para pangunahan ang kagustukan ko sa loob ng pamamahay ko!" Taas leeg nitong bigkas. "Magpumilit ka sa lahat ng gusto mo kung ayaw mong huwag nang makita ang mag-ama mo!" nanliliit matang banta at may kasamang pagduro sa akin. "Bakit hindi nyo na lang po kami palayasin?!" Garalgal at matapang na sabi ko. "Ikaw ang lumayas at hindi ang apo at anak ko!" taboy nito sa akin. "Lalayas ako na kasama ko sila!" Wala na akong pakielam kung magsumbong ito kay River! "Mamita..." tawag ni Zia sa lola nito. Hindi ko namalayan na nabuksan na pala nito ang pintuan. Mabilis ko itong nilingon at nilapitan ngunit tumakbo ito kaagad sa lola nito. Para bang malulusaw ang puso ko sa nakita ko kaya nagsalita ako, "Zia, anak... Hug mo si mama. Halika maglalaro tayo anak." kasabay ng pagbuka ng magkabila kong baraso. "No mama. May pangako si mamita na ipagreread niya ako ng mga books ko tonight." saka yumakap sa ito sa matanda. "Si mama marunong no'n anak." presinta ko habang ganoon pa rin ang posisyon. "Ayoko mama. Sabi ni mamita hindi ka raw no'n marunong." tanggi nito. "Ana—," hindi ko na naman naituloy ng biglang magsalitang pabulyaw ang byenan ko sa akin. "Go to hell Maria! Huwag mong pilitin ang batang ayaw sa'yo!" Saka niyakap ang anak ko, segundo lang at niyakag na nito ang bata papasok sa loob ng kuwarto. "Hindi po mama!" sabay pigil ko sa baraso nito. "Ibigay n'yo sa akin ang anak ko! At ako ang magpapatulog sa kan'ya!" na ngayon ay hawak ko na si Zia sa baraso na pilit kinukuha sa matanda. "Don't touch me!" pigil ng matanda saka ipiniksi ang palad ko na mabilis naman naialis. "Subukan mo pa akong hawakan maging ang apo ko! Malilintikan ka ulit sa akin." banta nito na halos lumuwa ang magkabilang mata sa galit sa akin. "Come on baby. Lets go inside your room. Maraming lamok sa labas ng kuwarto mo." "Hindi!" matigas na sambit ko at matapang na hinawakan ko ulit si Zia sa kaliwang baraso nito. "Bitiwan mo ang apo ko!" "Hindi! Hindi ko bibitawan ang baraso ng anak ko! Sa akin siya matutulog at dahil ako ang nagluwal sa kaniya, kaya ako ang masusunod!" para bang may nagbigay lakas loob sa akin ng sabihin ko iyon. Para bang may bumubulong na gawin ko ang nasa isipan ko. "Ri-ri-river!" hiyaw nito sa anak habang ang dibdib ay salo-salo ng kanang palad nito. "Ri-river!" muling hiyaw nito sa asawa ko. Ngunit walang dumadating, "Maldita ka! Pagbabayaran mo mga ginagawa mong kabastusan sa'kin! Makakaabot ito sa anak ko!" Banta nito at nagawa na nitong makuha ang cellphone sa bulsa. Nahuhulaan kong tatawagan nito ang asawa ko. "Wala akong masamang ginawa po sa inyo mama." pagtatama ko. "Kinukuha ko lamang po ang anak ko." "No! Bastos ka masyado! Wala kang utang na loob!" Hiyaw nito habang duro ako at ang isang palad ay hawak ang cellphone at nakapatong na sa tenga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD