"CARLA... Melita." lumuluhang tawag ni nanay at hindi nagtagal hinila ako ni nanay palapit sa mga kapatid ko at nagpatianod naman ako.
Hindi 'man kami kayang yakapin lahat ni nanay pero pilit kami nitong sinasakop ng maliit na baraso nito. Para kaming basang sisiw dahil sa malakas na ulan.
"Ipamigay mo sila Mina! Dalhin mo sila sa bahay ampunan kung ayaw mong kailanman, hindi mo na makita ang itsura ko sa pamamahay mo!" dinig kong sambit ng ama ko. Halos lumabas na ang litid nito sa leeg. Ramdam kong walang pananabik ito sa amin. Lalo akong humagulgol sa narinig ko. Tumingala ako kay nanay kung sasagot ba ito. Pero hindi pa 'man dumadaan ang ilang segundo bumuka ang labi nito.
"Wala akong aalisin sa mga anak ko Dado!" hiyaw ni nanay. "Magpantay 'man ang dalawa kong paa, hindi ko sila aalisin sa puder ko! Magkakamatayan tayo pag ginawa mo ang gusto mo!" pagmamatigas ni nanay at ramdam kong humigpit ang pagkakayakap ni nanay sa amin nang sabihin nito iyon.
Gumanti ako ng yakap at lalong nagsumiksik sa katawan nito. Napansin ko naman lumukot ang mukha ni Melita at sandali lang humiyaw ito ng pag-iyak dahil siguro'y narinig nito ang malakas na hiyaw na boses ng aming ama. Si Melita ang tipong ayaw na nakakarinig ng mga hiyaw at nag-aaway na tao.
At si Carla naman ay nagmamasid lang sa amin. Anong sasabihin ko Carla? Ito ang ama natin na nasa harapan natin? Ngayon nalaman at nakita ko na ang ama'ng pinapangarap kong makita maging ni Carla ngunit hindi ko naman matanggap sa kabila ng ilang taon na hindi namin ito nakita ganoon pa ang maririnig ko mula rito. Ang ialis kami sa puder ni nanay! Ang ipamigay kami at dalhin sa bahay ampunan! Hindi ito ang inaasahan ko.
Sobrang sama nito! Walang kasing sama!
"Magpapakasal ako kay Liezel at wala akong ibubunyag na anak sa ibang babae! Ayokong maging sagabal sila sa kayamanan ko! Hanggat maaga Mina, alisin mo ang mga batang iyan sa puder mo!" utos nito at nakaturo pa ang hintuturo kay nanay.
Para bang isang pagsabog na umalingawngaw sa tenga ko ang sinambit nito kaya hindi ko na natiis at matapang na kumalas ako sa pagkakayakap ni nanay. Lakas loob na hinarap ko ang ama ko na puno ng luha saka nagsalita ako naikinagulat naman ng nanay ko.
"Sampong taon na po ako," sambit ko na pilit dinideretsyo ang boses. "Mula ng magkaisip ako pinangarap ko ng makita ka. Ang mayakap at mahagkan ka po. Sobrang sabik po namin s-sa i-inyo mi-mister." saka pilit na ginagawang okay ang sarili ko. "Ang lahat ng ito po ay hindi ko inaasahan na maririnig ko sa inyo. Mas mahal pa po ninyo ang kayamanan ninyo kesa sa mga anak nyo po. Alam nyo bang hindi kami tinuruan ni nanay na pangit na pag-uugali? Lagi po nyang sinasabi na laging maging malang po kami. Pero ngayon po. Kaya ko kayang gawin sa inyo iyon?!" hindi mapigilan umalsa ang boses ko dahil sa sama ng loob. "Imbes na manabik kayo sa amin dahil ngayon n'yo lang po kami nakita, mas gugustuhin pa po ninyong itapon kami ni nanay sa ampunan! Bakit po ang sama ninyo?! Sana po hindi ko na lang kayo nakita at nakilala! Sana po hindi na lang kayo ang ama namin! Nakakapanghinayang dahil kahit hindi ka pa namin nakikita minahal na po namin kayo! Habang kami pinapanalangin ninyong mawala sa mundo! Sobrang sama po ninyo!" matapang at lumuluhang sambit ko saka madiin na pinunasan ng baraso ko ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi. Gawa siguro ng matinding galit kaya namuo iyon sa bibig at nailabas ko.
Lumaki akong hindi lumaban sa nanay ko. Tahimik lang ako pag pinapagalitan ako ni nanay. Pinapalo ako nito pero hindi ko nagawang sagut-sagutin ito ng pabalang. Bagkus iniintindi ko na lamang ito. Ngayon, mas mamahalin ko pa ang nanay ko dahil sa pinakita nito sa amin.
"Umiiyak po ang kapatid ko halos araw-araw dahil gusto ka po niyang makita! Samantalang kayo gusto ninyong alisin kami rito! Anong klase kang a-ama?!" hiyaw kong muli ngunit pumipiyok na halos hindi na maidiretsyo ang sinasabi ko.
"Kahit kailan hindi ko kayo kayang tanggapin at alam iyan ng nanay nyo! Dahil oras na tinanggap ko kayo tiyak ang malaking mana ko sa mga magulang ko, mawawala!" bitaw na sagot nito sa akin.
Umikom ang labi ko para walang lumabas na salita. Hindi ko ipipilit ang sarili namin sa taong ayaw sa amin. Mamaya't bumaling nang tingin ito kay nanay. Nanlilisik matang pinaktitigan niya si nanay. Parang walang talab ang mga nasambit ko rito. Parang hindi umapekto. Nakikita kong matigas ang dibdib nito.
"Kasalanan mo ito Mina! Kung nakinig ka sa akin, e, 'di sana walang mga batang masasaktan! Pagsisihan mo itong maling pagpapasya mo! Wala ka nang matatanggap na pera mula sa akin! Heto na ang huli natin pagkikita!" bulyaw nitong sabi kay nanay.
Napatitig ako kay nanay na napahagulgol sa harapan namin. Halos gumawa na ng malakas na ingay dahil sige pa rin sa pag-iyak si Melita habang si Carla ay pilit na pinipigilan ang paghikbi pero sandali lang tuluyan na itong umiyak sa harapan namin.
"Huwag Diosdado!" sabay kalas sa pagkakayakap sa mga kapatid ko at tumakbo ito sa harapan ng ama namin. Lumuhod ito na para bang ang hirap tingnan. "Maawa ka! Kahit pera na lang para sa mga anak mo ang ibigay mo. Hindi ko ipipilit na mahalin mo sila at ipakilala sa angkan mo. Nakikiusap ako, wala kaming pagkukunan ng pagkain." umiiyak na pakiusap ni nanay.
Nakita kong malalaking umiling ang nakilala namin ama sa gabing iyon. Maya't sumagot din.
"Hindi ba't iyan ang pinamukha mo sa akin kanina kaya ginawa mo ito. Bahala ka sa buhay mo! Buhayin mo silang mag-isa!" bulyaw nitong sagot kay nanay. "Nagsinungaling ka sa akin! Wala akong perang isusustento sa mga batang iyan dahil hindi ko sila matatanggap! Ngayon na ngayon din kalilimutan ko na nakita ko ang mga batang iyan sa buhay ko! Binabantaan kita, isang linggo na lang at magpapakasal na kami ni Lizel." tumikhim muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, " Ayokong makikitang tatawag ka sa akin o pupunta ng mansion kung ayaw mong isa sa mga anak mo ay ipadampot ko!" galit na babala nito.
Kinalibutan ako sa narinig ko. May ganito pa lang ama. Na akala ko sa pelikula lang makikita at puwede din pa lang makita ko sa totoong buhay at sa buhay ko pa naranasan.
"D-diosdado, ma-maaawa ka sa mga anak mo." kanda utal na sabi ni nanay sa lalaking puno ng galit ang mukha.
Imbes na magsalita ito, walang paalam na tumalikod ito at iniwan kami sa ganoong posisyon.
"N-nanay..." pumipiyok na tawag ko kay nanay at nagawa ko ng yumakap sa likuran nito habang nakaluhod pa rin ito sa sahig.
"M-maria..." tawag naman ni nanay sa pangalan ko habang humahagulgol.
"Hindi po natin siya kailangan nanay. Kahit kailan hindi po natin siya naging kailangan." pagpapakalma ko kay nanay.
"Anak..." tanging sagot sa akin ni nanay.
"Nay, huwag po ninyo kaming isipin. Ngayon alam ko na kung bakit wala kaming ama. Pero okay lang po iyon dahil naandyan ka naman po. Marunong kaming tumanggap ng bagay na hindi po sa amin." pinakatitigan ako ni nanay ng masabi ko iyon ng humarap ito. Maya't tumaas ang palad ko at hinaplos ang pisngi ni nanay. "Huwag po kayong mag-alala 'nay. Mababait po kaming anak at alam nyo po iyan. Tutulong po ako para mabuhay tayo. Kung puwedeng huminto po ako sa pag-aaral para makatulong sa inyo gagawin ko po. Huwag ninyo lang po kami dalhin sa bahay ampunan." diretsyo ang pagkakabigkas ko kahit umiiyak ako.
Umiling ito ng sunod-sunod.
"Hindi anak. Hindi ko kayo dadalhin doon dahil kayo ang kayamanan ko." saka kinabig kami nitong tatlo.
"Salamat po nanay!" at humagulgol ako ng iyak. Maya't nag-iyakan na rin ulit si Melita at Carla dahil siguro naintindihan na ni Carla ang sinabi ni nanay habang si Melita ay nakararamdam ng antok kaya umiyak na rin ito.
"Tahan namga anak. Tandaan ninyo, ni isa sa nyo hindi ko ipamimigay. Sama-sama tayo dito sa bahay. Hahanap ng trabaho ang nanay para maitaguyod ko kayong tatlo."
Sandali lang at inalis nito ang pagkakayakap sa akin at tumayo ito. Naupo ito sa upuan at naglapitan kaming tatlo.
"Kalimutan ninyo ang nangyare ngayon gabi. Kahit gaano kasama ang ama ninyo, hindi kayo puwedeng magtanim ng galit sa kaniya. Kung wala siya, hindi ninyo masisilayan ang magandang mundo. At kung ayaw niya sa inyo, wala tayong magagawa, atlis binuhay ko kayo at pinalaki sa tama at tinuruan ng mgandang asal."
"Patawad po 'nay! Hindi ko lang po kinaya yung mga sinabi niya. Kahit naman po ayaw niya sa atin, naandyan ka naman po nanay. Lumaki nga po ako na wala siya kaya lalaki din kami na wala siya."
"Maria ikaw ang panganay kaya kung ano 'man ang mangyare, mahalin mo ang mga kapatid mo." saka pumiyok ito habang nakatingin sa akin. Nakatayo kaming nakikinig sa kaniya ngunit patuloy din ang pag-iyak namin. "Alam ko naiintindihan mo na ang lahat. Patawarin mo ako kung sinekreto ko ito. Natakot ako kaya hindi ko nasabi saiyo nuon. Patawarin ninyo ako dahil sa ginawa ko." mabilis ako nitong kinabig at humagulgol si nanay habang yakap ako ng mahigpit.
Nagsalita ulit ito nang bitawan ako.
"Ikamamatay ko kung mawawala kayo sa akin mga anak."
Ngunit tila ba nangangati ang dila ko dahil sa gustong magtanong kaya nang bumuka iyon diretsyong nagtanong ako kay nanay.
"Nanay, mayaman po ba si tatay?" iyon ang gusto kong malaman dahil sa narinig kong mana na paulit-ulit nitong binigkas kanina.
Mabilis na tumango si nanay sa akin.
"Oo anak. Nag iisang anak ang tatay ninyo at hindi siya taga rito. Lihim ang relasyon namin dahil katulong lang nila ako sa bahay nila noon. Kilalang-kilala ko ang mga magulang niya. Isang pitik lang anak kaya nila tayong ipatapon. Kaya mas okay na umalis tayo dito dahil alam ng tatay ninyo ang bahay na ito. Mababaliw ako oras na mabawasan kayo."
Tumango ako. Maya't nagtanong ulit na tila ba naging interesado sa buhay ng aking ama.
"E, sino po iyong sinasabi niyang pakakasalan niya nanay?"
Mapaklang ngumiti si nanay sa akin at pigil ang pag-iyak.
"Iyon ang babaeng nakatadhana para sa inyong tatay. Bata pa lamang sila, pinagkasundo na sila ng mga magulang nila dahil sa negosyo." pagkatapos sagutin iyon ni nanay humagulgol ulit ito ng iyak sa harapan namin.
Ramdam ko kung gaano kamahal ni nanay ang aming ama. At ang iyak na 'yon ay alam kung sobrang sakit dahil iyon na ang last na makikita ni nanay sa loob ng bahay namin si tatay.