"Hijo please...tulungan mo 'ko, anak! Ang asawa mo masyado na akong binabastos! Ito ba ang kapalit ng lahat, River?! Ito ba?!"
Naghihimatok na sumbong ng aking byenan. Habang ako taas baba lamang ang dibdib. "Ang bastusin ako ng babaeng pinakasalan mo?! Please anak, ilayo mo sa akin ang babaeng 'to!" Patuloy nito pa saka ibinaba nito ang cellphone at tumingin sa akin. Tingin na natitiyak nitong ito ang kampihan ng asawa ko.
Ngunit pabalang akong sumagot na animoy may nag-uudyok na gawin ko ang nasa isipan at puso ko. "Hindi po ako lalayo hanggat hindi ko nakukuha ang anak ko! Bitawan mo ang anak ko!" at hindi ko na rin napigil ang sarili kaya lumakas ang boses ko.
"No!" Na mas malakas na sagot nito. "Wala kang makukuha sa mag-ama mo! Lumayas ka mag-isa!" Malakas na hiyaw na taboy nito.
"Lalayas ako kasama ang mag-ama ko! Sawang-sawa na ko sa ugali nyo!" saka hinila ko ang anak ko at hindi nagtagal umiyak ang bata.
"Stupida ka!" mura nito sa akin.
"Mamita..." hagulgol ni Zia habang umiiyak. Nangatog ang tuhod ko dahil imbes na ako ang tawagin nito ngunit sa byenan ko ito lumapit at yumakap ng mahigpit.
"Z-zia, ako ang ina mo." nauutal na sabi ko. "Anak mahal na mahal ka ni mama. Yakapin mo si, mama. Ikaw ang buhay ko at ng magiging kapatid mo. May makakalaro ka na anak. " lumuluhang usal ko.
"Bu-buntis ka, Maria?" may pagkagulat na katanungan sa likuran ko. Mabilis akong napalingon kay River na nakatayo sa likuran ko.
"A-are you kidding?" ang ina naman ni River ang nagtanong. May pagkagulat ang mukha.
At si Zia naman ay nagpupunas na ng mga luha. At dahil sa murang idad nito hindi pa nito naiintindihan ang lahat.
"Zia come here," ani River sa anak ng balingan. Walang isang segundo at tumalima ang bata sa ama. Kinarga ito ni River. "Mama, matulog na po kayo at kami ng bahala kay Zia." Baling ni River sa ina nito. Sumunod naman ito. Nakabusangot itong tumalikod sa kanilang tatlo na walang paalam.
Nagtatalon ang puso ko ng iabot ni River si Zia sa akin. Sa murang edad nito, hindi ko alam kung anong itinuro ng ina ni River sa bata dahil nang akmang hahalikan ko ito sa pisngi ay mabilis nitong inilihis ang sariling mukha.
"I want to sleep, mama. Please bring me to my room." Nakabusangot na wika nito at lihis pa rin ang mukha sa akin. Sa inugali nito parang tinataga ang puso ko ng pino. Minsan pansin ko din ang pananalita nito, kulang na kulang ito sa magandang asal at turo ng isang ina. Hindi ko maiwasang tapunan ng tingin si River ngunit tumalikod na rin ito at naglakad na papunta sa pintuan ng kuwarto ni Zia.
"Okay, anak." sagot ko na kunwaring binaliwala ang naramdaman. Inumpisahan ko ng humakbang at sumunod kay River na ngayon ay nabuksan na ang pintuan. "Kumusta mahal ang maghapon mo?" Umpisa ko'ng tanong kay Zia. Sa totoo lang ngayon ko lang ito nakausap ng malapitan. Wala kasi itong oras para kausapin ako dahil halos maghapon ito sa byenan ko. Imbes na sumagot ito kumislot ito hudyat na gusto nang bumaba sa pagkakarga ko. Ramdam na ramdam ko ang kalamigan ni Zia sa akin, iyon ang daan para manghina ako. Pero ayokong iparamdam sa bata na sa ganoon lang susuko ako. Nangako ako kay Kaye na ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang ina ni Zia. Na puwede din ako'ng masunod para sa bata. Kaya ko pa itong baguhin. May oras pa para ipakita na mahal na mahal ko ang anak ko. Na hindi lang ang lola nito ang nagmamahal rito.
"Goodnight, 'dad," usal nito ng maibaba ko sa kama. "Goodnight 'ma," baling naman sa akin. Mabilis akong naupo para akmang yayakapin ko ito para magpaalam, agaran naman tumalikod ito sa akin at nagmamadaling niyakap ang malaking staff toys na bigay ng byenan ko. Nanghihina at nanginginig tuhod na tumayo ako sa pagkakaluhod"Gusto mo ba'ng basahan kita ng mga stories, anak? Hindi ba't paborito mo si snow white?" prisinta ko kahit nakatalikod ito sa akin.
"No, ma...thanks!" malamig na sagot nito sa akin.
"S-si Cinderella, baka hindi mo pa napapangkinggan 'yung kuwento n'ya anak? Maganda iyon ," makulit na wika ko.
"Tapos na po ni mamita iyon." iritadang sagot nito.
"Si Charlo—,"
"I said, no!" inis na patuloy nito sa sasabihin ko.
"O-okay, goodnight anak ko. Pasensya na. Sleep well. I love you always." Saka tumayo sa kama.
Bumaling ako kay River, hindi ko namalayang wala na pala ito sa likuran ko. Muli, tinapunan ko ng tingin si Zia na ngayon ay nakatalikod pa rin sa akin. Humugot ako ng paghinga, nandoon pa rin kasi ang sakit na nasa kaliwang dibdib ko na tila ba kung susuriin ay para bang unti-unting natutunaw dahil sa pakikitungo ng bata. Dahan akong humakbang, dahan din pinihit ang serendura pasarado saka lumakad palayo sa kuwarto na may luhang sunod-sunod ng pumatak sa magkabilang pisngi ko. Habang puno ng emosyon, nagising ang diwa ko dahil sa kaluskos na galing sa loob ng kuwarto namin ni River. Doon ako dinala ng aking matinding kalungkutan at magkabilang paa sa kuwartong iyon. Nakauwang ang pintuan kaya malaya akong pumasok pero bago iyon pinunasan ko ang luhang nagkalat sa dalawa ko'ng pisngi ayaw kong makita iyon ni River.
Sobrang bilis ng mga oras, kanina lamang ay nagtatalo kaming mga asawa dahil kay Zia kaya't naisipan ko magtungo kila Kaye ng maaga.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng kuwarto ng magsalita ito sa akin, kaya agaran napatingin ako sa walang reaksyon na mukha ni River.
"Ilan buwan na, Maria?" umpisa nitong tanong.
Saka humakbang at kinuha nito sa palad ko ang serendura at ito na ang kusang nagsarado ng pintuan sa akin. Niyakap ako nito patalikod na animoy wala kaming pagtatalo kanina. Napapikit ako, para ba'ng nasa alapaap ako. Nararamdaman ko ang t***k ng puso ni River, para ba'ng bumalik kami sa pagka taneger. May halong kilig ang pumintig sa puso ko. Simpleng napangiti ako ng ipatong nito ang pang-ibabang mukha sa balikat ko. Mahal na mahal ko talaga ito.
Ganito kami nuong una, sobrang sweet namin. Halos hindi kami naghihiwalay ni River sa isang pinggan, baso, unan, at kumot nuong hindi pa kami nagkakaanak. Pero simula ng iluwal ko ang panganay naming si Zia, dumaan na lang sa isang linggo, ang isang beses nama'y mamagitan sa aming dalawa. Na dati naman ay halos hindi na ako makalakad dahil halos araw-arawin ako nito. Sabi ko nga, iba na ang buhay mag-asawa. Mananawa din sa ganoon, magbabago din minsan ang pakikitungo pero hindi ko sinasabing magbabago din ang pagmamahal nito sa akin. Alam ko sa sarili ko'ng pagod lang ito, dala narin ng ina nito, kaya minsan naguguluhan na rin ito sa aming dalawa. Kahit ba halatadong mas pinapanigan nito ang ina. Tinitiis ko ito sa ngalan ng pagmamahal at ang pinangako ko sa sarili ko'ng hindi kami magiging katulad ng buhay ko. Ang maging broken family.
Madiin napapikit ako ng hagkan ako nito sa leeg. Napakalalim...kailan pa ba ulit nitong ginawa iyon? Kase sa tuwing magsisiping kami nito. Walang dribol. Syut kaagad! Aminin ko 'man, nasasabik din ako'ng maulit iyon sa amin ni River. Sabik ako sa ganoon posisyon. Hanggang sa lumakad ang labi nito kasabay ng labi nito at kasabay ng palad nito. Hanggang sa nawala ako sa huwisyo ng aking sarili. Inanod ako nang matinding pagmamahal ko rito at nagpatiubaya ulit. Nagising na lamang ako na tabon ng isang makapal na kumot ang hubad ko'ng katawan at wala ng galit na nananalaytay sa dibdib ko. At wala na rin ang asawa ko dahil mabilis ang oras dahil umaga na. Napangiti ako sa agarang sumagi sa isipan ko. Kung paano ako nito halikan at sisirin, ang matagal ko ng pinasasabikan ulit. Mag-iisang taon na rin nito ginawa iyon at ngayon na lamang ulit naulit. Mabuti na lamang nagawa ko ng maligo kila Kaye dahil nagyaya itong na maligo sa fool habang nag-uusap kami at hindi ko naman nahindian.
"Ilan buwan na ang tiyan mo?" usisa ulit nito sa akin matapos ako sipingan kagabi. Naalala ko ang mga katanungan nito. Matapos tanungin iyon umalis ito sa ibabaw ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko ito sagutin.
"Magtatatlong buwan na." malumanay na sagot ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?" walang lingon na tanong nito. Nakatihaya ito habang hubad pa rin ang katawan.
Matikas ang katawan at guwapo si River at dahil hindi batak ito sa trabaho, kitang-kita sa balat nito ang kinis at walang kagasgas-gasgas. Mabalahibo din ito na akala mo ay isang bumbay. Pero kung ikukumpara ito sa iba, katawan at mukha lang ang puwedeng ilaban dito...hindi kasama ang tinatago nito. May maliit 'man itong tinatago hindi iyon hadlang para hindi ko ito mahalin ng todo. Mabuti nga nakabuntis pa ito.
"Gusto ko'ng isurpresa ka sana River." Paliwanag ko saka nilingon ko ito matapos sabihin iyon. Maya'y binawi din ng 'di pa rin ako nito nililingon. "Nagkausap na ba kayo ni mama?" halos pabulong na ang tanong ko.
"Maria, hayaan mo na si mama. Ilan buwan na lang din at ga-graduate na ako. Konting tiis na lang at magkakaroon na rin tayo ng sariling bahay. Makakabukod na rin tayo. Kaya ingatan mo 'yang anak natin sa sinapupunan mo." iritadong sagot nito sa akin.
Agaran nag-init ang magkabila ko'ng pisngi. Nag-iba ang itsura ng mukha ko na agarang nahalata naman nito. Humarap ito sa akin at hinila ako nito para lalong malapit ako sa katawan nito.
"Konting tiis pa." Malamig na bigkas pa ulit nito.
"Hindi ko na kaya River." pumipiyok na sagot ko. "Hindi na ako kayang galangin ni Zia. Nararamdaman ko'ng wala ng pagmamahal ang anak natin sa akin. Kaya gusto ko, bago ako manganak wala na tayo dito sa bahay ng ina mo." sumbong ko.
Mabilis ko'ng napansin ang pag-iba ng mukha naman nito. Wala ako'ng pakielam kung magalit ulit ito at magtalo ulit kami. Ipipilit ko ang gusto ko.
"Okay, kakausapin ko si mama. Pero hindi ako nangangako, Maria." itsurang nawalan ng gana kaya inalis nito ang nakadikit na katawan sa akin. Napakunot nuo ako sa inusal nito.
"Bakit hindi mo kayang ipangako, River?!" may gulat at pilit hinihinaan ang boses ko.
"Nag-aaral pa 'ko, Maria at alam mo'yan. Wala tayong pera para sa pag-aaral ko." nakanguso nitong sagot.
"Eh, paano ako?" sabay singhot ko.
"Ako ng bahala sa anak natin. Ako ang kakausap at pangako lahat ng gusto mo ipagagawa ko sa kaniya."
Nagningning ang punong tenga ko sa narinig mula kay River. Napangiti ako na animo'y nakalimot sa bagay kung saan ako nasaktan. Iyon ang pangarap ko nuong iluwal ko si Zia. Ang sundin at makasama ko ang anak ko.
"Bukas na bukas pagkagising mo, puntahan mo siya sa kuwarto niya at ikaw ang makipaglaro. Kakausapin ko sya bago ako umalis." sa sobrang tuwa, hinalikan ko sa labi si River at nauwi sa mainit na pagtatalik nag aming halikan. Nakakapagtaka dahil hindi na nito kinakaya ang pumangalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain nito kung bakit game na game ito ngayong gabi. Nakatulugan na lang namin ang sobrang pagod at sobrang saya. Nakalimot sa ilang oras na malungkot ako.