KABANATA 1. Maria's P.O.V
"R-RIVER!" Nanginginig na boses na tawag ko sa pangalan ng aking asawa ng pagbuksan ko ito ng pintuan sa aming kuwarto. Iyon ang naibungad ko sa kaniya na imbes ang surpresa ko sana.
Mabilis ko itong niyakap ng mahigpit at sa balikat nito ako humagulgol ng pag- iyak. Hinagod naman nito ang likuran ko nang paulit-ulit at nakaramdam naman ako ng kaunting paggaan ng aking dibdib.
Umiiyak ako sa kadahilanang gusto ko'ng kuhanin ang anak ko sa lola nito para laruin 'man lang ito. Ngunit ayaw nitong Ibigay si Zia na tila ba pag-aari nito at ako parang walang karapatan sa bata. Sa pamimilit ko, pinagbuhatan ako nito ng kamay sa harapan ng anak ko. Gusto ko'ng sumagot ngunit pinangibabawan na naman ako ng matindig takot. Pananakot na paulit-ulit na lamang nitong binibigkas sa akin.
Minuto, inilayo ako sa katawan ni River. Lumayo ito sa akin na walang tapon tingin 'man lang habang ako naiwan sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakatiis at nagsalita ulit ako.
"R-river hi-hindi k-ko na kaya!" pumipiyok na sambit ko habang nakatingin sa asawa ko'ng nakatalikod sa akin.
Maya't inalis nito ang suot nitong uniporme. Nagpatuloy si River sa kaniyang pag-aaral samantalang ako naman ay naging taong bahay lamang. Taong bahay na para bang naging alila sa malaking bahay.
Humakbang ako palapit dahil wala na naman itong sagot na para ba'ng walang naririnig. Huminto ako sa likuran nito at muling nagpatuloy sa panalilita.
"Hindi ko na kaya ang pang-aalipusta ng nanay mo, River. Anak ko si Zia pero para ba akong estranghera sa bata." Pinilit ko'ng maging diretsyo ang pananalita ko para mabilis ako'ng maintindihan nito. "Masyado na ko'ng nanliliit sa sarili ko kung may space pa ba ako sa bahay na 'to! Hindi ko na kayang tanggapin ang lahat ng hirap na ginagawa ni mama! Napupuno na ako!"
"Sa palagay mo ba Maria, kaya natin tumayo sa sariling mga paa natin? Basta kasi, kaunting tiis pa." walang lingon na tanong at sagot nito. Ngunit sa boses nagtitimpi na lang. Kung sa akin ba o sa ina nito.
Narinig ko na naman iyon. Ang pagtitiis na paulit-ulit na lamang nitong binibigkas sa akin. Pakiramdam ko, mas kinakampihan pa nito ang ina kesa sa akin. Ngunit para ba'ng may naghihila na sagutin ko ito. Kaya't kumibo ako.
"Bakit, hindi? Okay na sa 'kin ang mangupahan tayo. Kahit nga sawali ang lilipatan natin bahay, masaya na 'ko! Bumukod lang tayo River, maligaya na 'ko sa ganoon dahil sobra-sobra na ang pagtitiis ko." nasa mababang boses na bigkas ko para maintindihan nito ang kagustuhan ko.
"Hayan na naman tayo Maria." magkasalubong na kilay na sambit nito kasabay ang pagharap nito sa 'kin.
"River, pagod na 'ko! Isa pa lang ang anak natin pero parang kalahati na ng katawan ko ang nasa hukay dahil nakatira ako sa pamamahay n'yo. River sinaktan ulit ako ni mama!" may pagkaalsa boses na sumbong ko. "Lumipat na tayo, nakikiusap ako sa'yo. Okay lang sa 'kin kahit maliit na bahay lang. Basta makaalis lang tayo dito! Nakikiusap Ako, River. Please makinig ka sa 'kin." pagpupumilit ko kahit na ba alam ko'ng hindi ko ito makukumbinsido.
Nag-iisang anak si River, kaya nang malamang buntis ako at babae ang magiging anak namin, laking tuwa ng byenan ko. Ngunit ang akala ko kasama ako sa katuwaan nito. Malaking akala lang pala.
Lukot ang mukha nito at nagkakandahaba ang nguso nito nang titigan ako segundo at nagsalita din.
"Ano bang trabaho ko Maria? Sino ang nagpapakain sa 'tin? Sino ang nagpapaaral sa 'kin? Hindi ba't lahat ng 'yan, e, ang mga magulang ko? Ang lahat ng ito ay para sa 'tin! Para sa kinabukasan natin at magiging mga anak natin! Pag nakatapos ako ng pag aaral, makakabili na tayo ng magandang bahay. May magiging magandang trabaho na 'ko. Aalis na tayo dito. Kaya kaunting tiis na lang Maria." pagpapaintindi nito sa akin.
"E, a-ako?!" garalgal ko'ng tanong. "Tanungin mo naman ako kung pagod na ba 'ko, River. Iba na ang pakikitungo ng anak natin sa akin. Ako ang ina nya!" hiyaw ko sa huling sinabi ko.
"So, pinamumukha mo sa akin na masama ang ugali ng ina ko? Inutusan ka lang maglampaso para ka ng inaalila! Ano ang gusto mo? Maging palamunin na lamang habang naandito tayo?" balik hiyaw nito sa akin.
"At ikaw? Hanggang kelan ka magiging sunod-sunuran sa mga magulang mo? Hanggang kelan ka makikinig sa kagustugan ko? May asawa ka na River! Kaya ko'ng magtiis, mabuhay sa hirap kesa sa ganito! Parang hindi naman anak ang turing sa 'kin ng ina mo! Okay lang naman 'yung utus-utusan ako pero huwag naman akong sasaktan sa harapan ng bata. Tanggap ko'ng maging alila n'yo oras-oras. Tanggap ko lahat River dahil mahal kita! Alam mo kung saan ako galing na pamilya at iyon ang ayaw ko'ng ipatikim sa mga magiging anak natin! Doon ako takot pero pinipilit ko'ng maging masaya kahit alam ko'ng hindi!" madiin ko'ng paliwanag.
"Ewan ko sa'yo! Ang hirap mo'ng umintindi Maria!" may pagkapikon na sambit nito. Segundo at tinalikuran ako ni River.
"River!" tawag ko sa panagalan nito, ngunit tila bingi ito ng hindi nito ako lingunin.
"River!" tawag ko'ng muli pero tuluyang nawala na ito sa pamingin ko.
Naiwan ako'ng tumutulo ang mga luha ko. Basang -basa ang magkabilang pisngi ko dahil sa paninikip ng dibdib ko. Mas minabuti ko'ng magpagaan muna ng dibdib sa bahay ng kaibigan ko'ng si Kaye.
Si Kaye ay naging kaibigan ko ng college. Pareho kami nitong nabuntis kaya pareho kaming napahinto ng pag-aaral. Ang pagkakaiba nga lang namin, hiwalay na ito sa asawa.
Bago ako umalis naisipan ko pa'ng kausapin si Zia ngunit tinalikuran lamang ako nito at nagtatakbo ito sa lola nito. Para nga'ng mag-ina pa ang dalawa dahil minsan ang tawag sa akin ni Zia ay sa pangalan ko lamang habang sa ina ni River naman ay mamita or lola. Sa gulang nitong mahigit isang taon madali na itong matuturuan. Ngunit paano ko ito matuturuan ng tamang asal kung halos pati sa pagdumi nito ay ang tinatawag, ang nanay ni River na imbes ako.
"Oh girl, namamaga na naman ang mga mata mo?" bungad nito ng pagbuksan ako ng pintuan ngunit wala akong sagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa loob ng sala, tila wala ako'ng narinig sa bungad nito sa akin, "Maupo ka at ipagtitimpla muna kita ng kape." prisinta nito.
"Salamat Kaye." nanlalambot na boses na bigkas ko pagkatapos ay naupo ako sa malambot na sopa.
"Kahit hindi ka magkuwento Maria, nahuhulaan ko na kung bakit naandito ka sa bahay. Nag-away kayo ni River dahil sa ina nito? 'Di ba? Tama ako?" usal nito na may hawak na isang tasa nuong bumalik.
Hindi na ako kumibo dahil mabilis ng nagbagsakan ang mga luha ko sa magkabila ko'ng pisngi. At nag-unahan na basain ang magkabilang pisngi ko. Nagyukom palad na lamang ako dahil para ba'ng kaunti na lang at sasabog na 'ko.
"Alam mo matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to Maria. Pero mas okay na sabihin ko na talaga sa'yo at baka sakaling matauhan ka." Saka ibinaba nito ang tasa sa harapan ko pagkatapos ay naupo ito sa tabi ko. Pinakatitigan ko sa mga mata si Kaye bago magsimulang magsalita kahit ba nahuhulaan ko na ang sasabihin nito.
"Bakit hindi ka na lang makipaghiwalay sa asawa mo? Ganoong alam naman nating mamas boy din naman s'ya! Sa totoo lang, Maria, parang hindi kayang tumayo ni River sa sariling paa n'ya kung wala ang bruha mo'ng byenan." sa boses halatadong inis na inis na rin ito sa aking asawa. "Alam ba niyang naglilihi ka? Alam ba niyang magtatatlong buwan na 'yang tiyan mo? Na, buntis ka?"
Dahan ako'ng umiling, pilit na nagsalita.
"A-lam n-na a-alam mo kung bakit ayaw ko'ng bumitaw K-kaye." napipiyok ko'ng sagot.
"Naandoon na 'ko Maria! Iba 'yung point ko ngayon!" sagot nito ngunit ang magkabilang kilay ay salubong. "Halatadong hindi naman panig ang asawa mo sa'yo dahil panig siya kaniyang ina—at kung tama sana nga ito!Kase nga ina niya iyon, kumbaga saiyo, asawa ka lang." sa boses may panenermon.
"Hindi naman kaye...Kase ang pinipilit n'ya sa akin ang makatapos siya ng pag-aaral tapos do—." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agawin nito.
"Ang martir lang! Hindi naman puwedeng laging nakasandal sa magulang, aber! Buksan mo nga 'yang tenga mo, Maria! Nasasaktan ka na, eh! Eh, habang nakasandal kayo doon puro pang -aalipusta naman ang kapalit na binibigay ng byenan mo sa'yo! Baka sa susunod minumura ka na ni Zia dahil sa turo ng byenan mo'ng impakta! Baka hindi na rin magtagal, hindi ka na kilala ng anak mo! Ako, alam mo kung bakit ako nakipaghiwalay kay Raul, Maria. Alam na alam mo 'yan! Walang kuwentang mga lalaki!"
"At alam mo din kung anong buhay na meron ako Kaye. Kung saan ako galing at kasabik." pagkasabi ko no'n hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol ako ng iyak. Mabilis ko naman sinalo ng magkabila ko 'ng palad ang mukha ko. "Ayokong hamantong kami sa ganoon. Ayokong lumaki ang mga anak ko na malayo sa kanilang ama." napipiyok na boses na paliwanag ko.
Umiling ito ng ilang beses at pagkatapos hinagod nito ang likuran ko.
"Tahan na..."
"Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan namin. Galit at pananabik ang nasa dibdib ko para sa ama ko! Pero kung pamimiliin ako. Ayoko na siyang makita pa dahil baka mabastos ko lang sya dahil sa ginawa niya Kaye." sabi ko na patuloy ang pagluha.
"Ano, hahayaan mo na lang na gano'n? Maghihintay ka lagi sa pangako pero 'yung pangako walang pagbabago. Huwag ka magpakamartir, Maria!"
"Maraming paraan, gagawa ako nang paraan ng hindi hahantong sa ganoon, Kaye."
"Pero kung ako saiyo hiwalayan mo na 'yang lalaki na 'yan." pilit nito.
Umiling ako ng paulit-ulit ngunit hindi ko alam ang gagawin.
At dahil kulang ang mga naikwento ko kay Kaye tungkol sa aking ama, kahit hirap na magsalita. Pinilit ko'ng magkuwento tungkol sa ama ko kung bakit kami nawalay rito.
FLASHBACK...
HINDI KO alam pero sa t'wing sasapit ang alas nuwebe ng gabi, araw ng sabado at linggo. Kailangan na namin matulog nila Carla at bunso kong kapatid na si Melita nang maaga. Paulit-ulit iyong nangyayare kaya sobrang pagtataka ko at laging naitatanong ko sa aking sarili. Habang si nanay naman ay nakakulong na kaagad sa kaniyang kuwarto ganoong kung matulog ito ay —magmula lunes hanggang byernes ay mag- a-alas onse na ng hating gabi minsan pa nga umaabot ng alas dose. Inignora ko na lamang iyon dahil kahit na may akda ako'ng dapat tapusin nauudlot iyon dahil sa utos ni nanay na hindi puwedeng bakliin. Kung gagawin ko iyon ng linggo baka hindi ko na matapos dahil sunod-sunod ang gawaing trabaho ko. Ang paliguan si Melita sa umaga pagkatapos ay pakakainin at patulugin habang si Carla naman ay tuturuan kong magsulat ng pangalan nito at pag may extra oras ako ay nakikipaglaro din ako sa kapatid ko. Nasa edad na tatlo si Melita habang si Carla ay nasa limang taon gulang. Kaya para hindi magalit si nanay sumusunod na lamang ako kasama ang mga kapatid ko. At ang akdang aralin ko ay gagawin ko na lang ng lunes ng alas kuwarto ng madaling araw.
ISANG UMAGA umiiyak si Carla na umuwi ng aming bahay galing ito sa labas ng bakuran namin. Nakipaglaro ito sa mga batang kapitbahay namin na laging kalaro naman nito. Nagulat ako nang biglang yumakap ito patalikod sa akin habang nakaupo ako sa maliit na upuan at hawak ang kutsilyo dahil ginagayat ko ang sibuyas para sa lulutin kong piniritong itlog na may kasamang sibuyas. Iyon ang umagahan namin.
"A-ate..." pumipiyok nitong tawag sa akin habang ang likod ng kanang palad ay ikinukoskos sa mga mata nito. At ang kaliwang kamay nito dala ang isang manika na wala ang isang paa. Kahit kulang ang parte ng manika nito paborito pa nitong laruin iyon.
"Bakit umiiyak ka na naman Carla? Ikaw, kada uwe mo rito sa bahay umiiyak ka." singhal ko, kunware'y galit at tila ba matanda kung magsalita ngunit naiintindihan na ang lahat ng bagay, "Huwag ka na nga lalabas ng bahay." walang lingong panenermon ko kay Carla.
"Sabi po ni Tanya, ate, ipinanganak lang daw po tayo sa buho kase wala daw po tayong papa." sumisinghot na sagot nito sa akin. Sa edad na sampo mabilis kong naintindihan iyon. Mabilis naman akong napahinto sa tinuran ni Carla. Hindi rin nakatiis tinapunan ko ito ng tingin.
"To-totoo po ba ate?" dagdag na wikang tanong nito pa. Patuloy sa pagluha at pagkuskos ng palad sa mga mata.
Bigla akong nakaramdam nang malaking pagka-awa sa kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko dahil maging ako ay hindi ko alam. Tumuntong na ako sa edad na sampo ni itsura nang aming ama ay hindi ko pa nakikita. Hindi rin naikukwento ni nanay na may ama ba kami o wala. Minsan naiisip kong maglakas loob na magtanong ngunit na sa utak ko pa lamang iyon at pinaghahandaan, tila ba nababasa na iyon ni nanay kaya pag-uuwi ito ng bahay ay lagok ito sa kalasingan. Para bang may iniiwasan na hindi namin puwedeng malaman.
"Tahan na..." aro ko kay Carla. Yuon na lamang ang maisasagot ko sa kapatid ko para tumahan ito sa pag-iyak.
"Ate, sabi pa po ni Tanya, hindi daw tayo mahal ng tatay natin kase nga wala daw po sa tabi na 'tin s'ya." wika pa nito na tila ba pinipilit ako'ng magsalita tungkol sa aming ama.
Parang pinipiga ang puso ko sa usapan namin na iyon ni Carla. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang sagot na isasagot ko rito. Pinakatitigan ko ito sa mga mata at pinakatitigan din ako nito. Nakikita ko sa mga mata ang paghihintay na masagot ko ang tanong nito. Punong-puno din ng luha ang makbilang pisngi nito at masyadong emosyonal dahil sa naiisip nito. Nararamdaman kong naghahanap ito nang kasagutan. Ngunit ano nga ba ang isasagot ko?
"Anong iniiyak-iyak mo Carla?!" pabulyaw ni nanay na bumungad sa harapan ng pintuan. Mabilis kaming napatingin ni Carla kay nanay. Pagkatapos malakas kong kinabig ang katawan ni Carla palapit sa akin. Kahit malayo si nanay nanuot kaagad sa ilong ko ang naamoy kong alak na iininom nito. Kaya pala maaga itong wala sa aming bahay dahil nakipag inuman na naman ito sa aming kapitbahay. Ganito ang gawain ni nanay oras na mawala ito sa loob bahay.
Pero hindi hadlang ang mabagsik na boses na iyon kay Carla para magtanong sa aming ina.
"Nanay, totoo po ba ang sinasabi ni Tanya? Anak daw po kami sa buho dahil wala daw po kaming ama." pumipiyok na tanong nito kay nanay.
"Hintuan mo 'ko Carla!" naniningkit mata at halos pabulyaw na sagot ulit ni nanay sa kapatid ko.
Maging ako tila ba may nagtutulak na segundahan ang tanong ni Carla kaya naglakas loob ako.
"Nanay, sagutin ninyo na po ang katanungan ni Carla. Hanggang kailan po kami nanay maghihintay sa pagdating ni tatay?" tanong ko dahilan para mapahinto ito sa akmang paghakbang nito paloob ng kuwarto. "Nay, sampong taon na po ako at ilan taon na lang magdadalaga na po ako, pero hanggang sa ngayon hindi ko pa rin po nakikita ang tunay na ama namin. Bakit ang ibang bata may tatay? Bakit kami wala po?" pumiyok na ako sa pagkakasambit ko n'on. Ngunit pinipilit kong huwag maluha kaya pinikit-pikit ko ang aking mga mata.
"Anong pinagsasabi mo ba Maria?!" malayong sagot nito ngunit may panginginig ang boses. Nagawa na rin nitong makatalikod sa amin.
"Baka nga po totoo ate na anak tayo sa buho. Baka totoo din na hindi tayo mahal ng ating ama." lumuluhang wika naman ni Carla habang ang mga mata nito ay nakatitig sa akin.
Bago ako sumagot, pinunasan ko muna ang luhang nagkalat sa mukha ni Carla gamit ang magkabilang palad ko.
"Hayaan mo Carla, kahit wala tayong ama, mabuting tao naman tayong pinalaki ni nanay. Pangako kahit anong mangyare, hindi ko kayo pababayaan ni Melita. Kahit wala tayong ama parang meron na rin kase... Ako iyon." pagkasabi ko n'on mahigpit ko itong niyakap ng magkabila kong baraso. Hindi rin nagtagal pinapasok ko na si Carla sa loob ng bahay habang ako naman ay nanatili sa loob ng kusina. Pinagpatuloy ko ang naudlot kong pagluluto. Si nanay naman ay pasuray-suray na naglalkad papunta sa kuwarto nito.
LUMIPAS ang dalawang araw, oras ng aming hapunan at araw din ng sabado. Habang tahimik kaming naghahapunan ng aking mga kapatid. Napansin kong hindi mapakali si nanay. At dahil araw ng sabado hindi ito nakainom ng alak. Ganito ito pag sabado at linggo, ilan beses ang punta ng banyo, minsan naman sisipat sa malaking salamin na nakasabit malapit sa telebisyon. Sanay na ako sa ganoong kilos nito kada sabado at linggo. Iyan ang bagay na hindi ko mahulaan kung ano ba ang gagawin nito dahil hindi naman lasing.
Sa edad ko na ito, hindi ko pa nakikitang nagtatrabaho si nanay pero nabubuhay kami. Minsan gusto ko na nga'ng tanungin kung saan ba nanggagaling ang mga perang ginagastos namin sa pang araw-araw.
"Nay, kakain na po." anyayang tawag ko kay nanay habang na sa kuwarto nito. Naglo-lotion ito, pero tuwing sabado at linggo lang talaga.
"Mauna na kayo, busog pa ako anak Pagkatapos n'on patulugin mo na ang mga kapatid mo Maria. Ilock mo ang kuwarto, huh?" walang lingon na sambit ni nanay.
"Nay..." mahinang tawag ko.
"Maria, sabado ngayon! Kaya lumabas ka na." padabog na wika ni nanay sa akin. Ang mga mata'y nakakapasong tinapunan ako.
Nakayukong lumabas ako ng kuwarto ni nanay. Pag talaga sabado huwag mo itong kakausapin dahil tiyak mabubulyawan ka lang.
Minsan naglalambing din si nanay at nakikipaglaro sa amin pag hindi ito nakainom ng alak sa umaga, ngunit sa hapon hayun na. Lagok na ito sa kalasingan. Ipinapasyal din kami minsan sa mall at binibilan din nang mga gusto namin damit.
Pagdating ko ng kusina wala na ang mga kapatid ko. Tapos ng magsikainan ito. Napatanong tuloy ako sa aking sarili. Matagal ba kaming nag-usap ni nanay? O sadyang sanay na talaga ang mga kapatid ko pag ganitong araw. Naiiling na niligpit ko ang mga plato saka mabilis na hinugasan ang mga gamit sa kusina at pagkatapos n'on mabilis kong nilinisan ang mga kapatid ko. Hindi na ako kakain dahil nawalan na ako ng gana.
"Carla, Melita. Pag ni-lock ko ang kuwarto huwag nang bubuksan, huh? Sabado ngayon at kailangan na'tin matulog nang maaga." paalala ko sa mga kapatid ko na ngayon ay na sa loob na ng kuwarto habang ako hawak ang susi ng pintuan.
Halos sabay naman na nagtanguan ang dalawa kong magkapatid. Ilang oras pa lamang ang nakakaraan, nakatulog na si Melita at si Carla, gawa siguro nang matinding pagod sa paglalaro. Ako naman ang hindi mapakali dahil sa kumukulo ang aking tiyan. Ramdam at naririnig ko kung paano magbuno ang mga na sa loob ng tiyan ko. Kahit anong biling baligtat ko nararamdaman ko pa rin ang matinding gutom. Hindi ako puwedeng lumabas ng kuwarto dahil pag nahuli ako ni nanay tiyak mapapalo ako ng todo.