PINAKATITIGAN ko sa malaking salamin ang itsura ko. Ang dating maanlmong mukha ay malayomg malayo na sa nakikita ko.
Matapos akong ihatid ni Kaye sa guestroom, tumalikod na rin ito dahil nakiusap akong gusto kong mapag-isa kahit nahahalatado kong labag sa kalooban nito ay lumabas ito ng kuwarto.
Matamlay akong nag-ayos ng sarili ko. Naligo ako at nagpalit ng kasuotan. Ngunit wala akong ganang kumain dahil sa matinding pag-iisip ng dalhan ako ng pagkain ni Kaye. Dala na rin ng matinding kalungkutan alam ko sa sarili kong nakakalimutan ko ng buntis pala ako.
Namumugtong magkabilang mga mata at medyo nagmumula ang gilid ng mata ko dahil bumagsak ang mukha ko sa malilit na bato at iyon ang sanhi ng ilan gasgas sa mukha ko.
Hindi pa rin mawala sa isipan kong, ganitong ganito ang eksena nuong tuluyang iwan kami ng ama ko. Ang kinaiba lang ay ang ama ko ang umalis at itinakwil kami. At ngayon naman ay si Zia. Sarili kong anak ay kaya akong ipagpalit.
Pilit akong umismid. Sobrang bigat no'n kung iisipin. Sarili mong anak ay hindi ka kayang mahalin. Maya at nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko.
"A-ayoko ng ganito." Bigkas ko na napipiyok habang kaharap ang sarili sa salamin. "Ayokong maranasan ni Zia ang walang ina. Ang sirang pamilya." Sambit ko pa. "Oh, itaas. Tulungan mo 'ko. Tulungan mo akong maging malakas sa ganoon magawa ko ang lahat para sa pamilya ko. Alam ko hindi mo ibibigay sa'kin ito na hindi ko malulutas. Tulungan mo 'ko sa lahat, parang awa mo na." usal ko na tuluyang nagbagsakan sa pisngi ko ang nag-uunahang mga luha ko.
At dahil may sandalan ang upuan na inuupuan ko, kusang sumandig ang ulo ko doon na animoy pagod na pagod. Sandali at tumaas ang magkabila kong kamay at inilagay iyon sa ibabaw ng tiyan ko.
"So-sorry, a-anak. So-sorry ku-kung nakakalimutan kita. So-sorry ku-kung hindi kita inaaalala. Sobrang sakit ng nararamdaman ni mama ngayon." Utal-utal na sabi ko sa sinapupunan ko. "Tulungan mo si mama kung paano bumangon. Ayaw ng lola mo sa'yo kasi hindi ka daw anak ng papa mo. Ako lang ang nakakaalam anak. Ako lang..." saka yumukod ang ulo ko. "Patawarin mo 'ko anak kung naging makasarili ako. Sobrang Mlmahal na mahal kita. Kayo ng ate mo."
Sandali at nabaling ang atensyon ko sa pintuan. Lumangitngit iyon at bumungad si Kaye sa harapan ko.
"Kumusta ka na? Ang akala ko natutulog ka kaya pumasok ako at hindi na kumatok pa." Malalam ang mukha nito sa akin. Mabilis kong pinunasan gamit ng palad ang luha sa magkabila kong pisngi.
"Umiiyak ka na naman?" muling tanong nito saka humakbang papalapit sa akin. "Bakit Hindi ko ginalaw ang pagkain mo? Alam ko hindi ka pa kumakain."
Nakatingin lang ako kay Kaye. Sobrang bait sa'kin ng kaibigan ko. Kaya higit pa sa kaibigan ang turing ko rito. Ngunit wala itong nakuhang kwento muka sa akin. Walang panunumbong dahil hanggang ngayon balot na balot pa rin ako ng takot dahil baka gawin nga ng byenan ko ang banta nito —Ang ilayo nito si Zia palabas ng bansa. Ikababaliw ko iyon oras na mangyare dahil maging si River ay hindi rin nito kaya ang ina minsan kaya tiniis ko muna ang kaibigan ko. Wala akong pinaalam na kahit ano. Maging si River ay hindi ko na rin kinontak pa para magtanong sa hindi nito pagpapaalam sa akin. Ganoon ako katanga pag-abot sa mag-ama ko.
Hinawakan nito ang magkabila kong kamay at niyakag ako papunta sa kamamg tila BA hinintay din ako. Itsurang hindi ako nito hihintuan hanggat wala itong nakukuhang impormasyon.
"Magkwento ka naman, oh. Huwag mong sarilinin 'yang problema mo, Maria. Naandito ako. Handa kitang tulungan sa lahat ng problema mo." pagpapaintindi nito sa akin.
Kung alam lang ni Kaye kung gaano ako katakot sa mga banta ng ina ni River. Kung gaano ko gustong isawalat ang mga pananakot ng byenan ko para naman lumuwag -luwag itong nasa dibdib ko. Pero paano ko uumpisahan ang lahat sa kaibigan ko?
"Sino ang may gawa nito sa'yo? Si River ba o ang byenan mong bruha?"
"K-kaye..." bigkas ko lang sa pangalan nito.
"Naandito lang ako. Sige, magkwento ka lang at handa akong makinig kung sino 'man ang gumawa sa'yo nyan."
Muling sinakop ako ng matinding takot.
"Kaye!" Hagulgol kong tawag sa kaibigan ko.
"Bakit?! Bakit?! Bakit ako pa?! Lahat ginawa ko para sa pamilya ko! Lahat nilunok ko para sa kanila! Tinanggap ko lahat ng panlalait at pang aalila nila! Pero bakit nangyayare sa'kin 'to?! Simula bata tiniis ko na ang hirap! Sa magulang ko at mga kapatid ko! Pero bakit walang kapalit, Kaye?! Bakit walang pagbabago simula nang magsama kami ni River?! Bakit habang tumatagal nagiging ganito?! Hindi ito ang pangarap ko para sa amin! Masayang pamilya ang gusto ko! Ano pa ba ang kulang, Kaye?! Ano pa?!"
"Sige ilabas mo lang para mahimasmasan ka."
"Bakit ganoon?!" hanggang sa nagawa ko ng iikom ang magkabila kong palad at magkasabay na ibagsak sa magkabilang hita ko. "Masayang pamilya lang sapat na sa'kin. Wala akong hiniling na kayamanan o ano pa! Masayang pamilya at hindi maranasan ng pamilya ko ang naranasan ko nuong bata pa ako! Yup lang! Pero bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon?! Bakit?! Bakit?!" hiyaw ko na sa huling katanungan ko.
Kinabig ako ng mahigpit ni Kaye.
"Galing ako sa pamilyang sira. Itinakwil kami ng aming tatay. Magkabilang tenga ko ang saksi. Bakit ko pa hahayan na mangyare 'yun sa pamilya ko? Pero heto ako. Hindi nalalayo! K-kaye, simple lang ang gusto ko. Simple lang!"
"Tama na. Please, tama na, Maria. Baka mamaya pati pinagbubuntis mo maapektuhan." Umiling ako.
"Naiintindihan ako ng anak ko, Kaye."
"Please, Maria. Tama na. Natatakot na ako sa kinikilos mo." Saka pinunasan nito ang mukha ko gamit ang palad nito. Muling umiling ako.
"Ginawa ko naman ang lahat, 'di ba?" parang batang nagtatanong.
"Oo lahat. Sadyang matapobre lang ang pamilyang napuntahan mo."
"Napakasama niya. Sobra!"
"Gagawa tayo ng paraan para makuha natin si Zia. Magtiwala ka lang. Sabihin mo lang kung sino ang gumawa nito. Please...sino gumawa sa'yo nito?" Pangungulit talaga nito sa akin.
"Ang akala ko magtutuloy na ang katapangan na ipinakita ko, Kaye. Akala ko makukuha ko na ang atensyon ng anak ko." Sabay kagat ng labi na tila ba nanggigil o nagpipigil. "Walang hiya ka! Napakasama nyo! Napakasama nyo ng sobra!" Malakas na hiyaw ko. Kung hindi ko iyon isisigaw baka tuluyang damputin ako ni Kaye sa sahig dahil naninikip ang dibdib ko. "Ang sama nyo!" Hiyaw ko ulit. Segundo humagulgol ulit ako. "Magsama kayong mag-ina! Hindi nyo ko iniisip! Ikaw River! Asawa ba ang tingin mo sa'kin?! Ginawa mo akong tanga! Alm mong pinagbubuntis ko ang anak mo. Pero nasaan ka?!" At tuluyang bumigay na nga ako. Ang kinikipkip ay tuluyang nasambit ko. "Lumayas ka walang paalam! Mga walang hiya kayu! Masunog na sana kayu sa impyerno!" mas malakas na hiyaw kasabay ng malakas na paghagulgol.