"HALA! Anong nangyare sa'yo, Maria?!" Nanlalaking matang napatitig sa'kin si Kaye at dagli-dagli din akong inakay papasok sa loob ng bahay nito at dahang pinaupo sa sopa. Mabilis itong umalis sa tabi ko at pumasok ito sa loob ng isang kuwarto. Pagkalabas bitbit na nito ang tuwalya at isang set na bagong pamalit sa kasuotan ko.
Buong katawan ko ay basa ng tubig sa mga oras na 'yon. Gulong-gulo ang buhok ko. Daig ko pa ang isang pulibi o isang baliw dahil sa itsura ko. Hindi ko rin alam kung may mga pasa ba ako sa katawan. Hindi ko rin alam kung paano pa ako nakasakay ng jeep papunta sa bahay ni Kaye. Basta ang nasa isipan ko wala akong kakampi! Lahat ayaw sa'kin! Sarili kong anak ay halos ayaw akong makita at mayakap. Iyon ang pinaparamdaman ni Zia. Kaya lugmok ako sa kalungkutan, dahil pamilya ko ang kahinaan ko. Pamilya ko ang buhay ko at pamilya ko din ang magpapabagsak sa kauliritan ko.
"Anong nangyare sa'yo?" Muling tanong nito ng punasan nito ang mukha ko gamit isang manipis na bimpo.
At hindi nagtagal bumagsak ang namimigat na luha sa mga mata ko.
"Puny*ta!" Malakas na mura nito saka binitawan ang bimpo at pabagsak na naupo sa gilid ko. "Byenan mong abnormal ang may gawa nito, ano?" Gigil na tanong nito. Saka inapuhap nito ang mukha ko para iharap sa mukha nito. "Ganito na lang ba, Maria? Bakit hinahayaan mong saktan ka ng byenan mo? May mga nagmahal sa'yo. Hindi lang ang pamilya mo ang nasa tabi mo. Hindi lang si River o si Zia. Naandito ako, Maria. Naandito pa ang mga kapatid at ang nanay mo. Naandito kami na nagmamahal at handang unawain ka." Hindi ako sumagot sa mga sinabi ni Kaye. Tanging luha na nag-uunahang bumagsak sa pisngi ko ang naging mga sagot. "Maria, lumaban ka! Kung nasasaktan ka na. Puwede ka ng bumitaw. Kung napapgod ka na. Maraming paraan para magpahinga. At kung sinasaktan ka nila. Matuto kang lumaban. Maawa ka sa sarili mo. Alam ko ayaw mo ng ganito. Pero heto at nangyayare. Gumising ka sa katangahan." Pagkatapos nun nakita kong isa na rin na nagbabagsakan ang mga luha nito. "Maria...kaibigan mo 'ko. Hindi lang isang kaibigan dahil itinuring na kitang isang kapatid dahil nasasaktan din ako pagnakikita kitang ganito. Please...nkikiusap ako. Lumaban ka at huwag kang paaapi sa kanila. Tapusin mo na ang lahat ng kahibangan ng byenan mo! Gumising ka! Gumising ka, Maria!" Saka malakas na niyugyog nito ang baraso ko. "Gumising ka!" Ulit na sambit nito ngunit pahiyaw.
Hanggang sa napahagulgol na ako para mabawasan ang bigat ng dibdib ko.
"K-kaye..." Tawag ko sa pangalan nito at saka mabilis na yumakap sa katawan nito. "Ma-masama b-ba akong ina? Masama ba akong manugang? Masama ba akong asawa? Bakit dinadanas ko ang mga ganito?" Mabilis na umiling Nlnaman ito.
Tumaas ang palad nito at hinawi ang nagkalat na buhok sa mukha ko. "Never kang naging masama, Maria. Napakabuti mo sa lahat. Napakabuti mong ina at asawa."
"Bakit kailangan gawin nila sa akin 'to? Bakit ginagawa sakin ito ni Zia at River? Bakit kailangan nilang iparamdam sa'kin itong bagay na 'to?! Bakit?!"
"Sinaktan ka ba ni River?" Saka agarang nagpunas ng luha si Kaye ng matanong iyon.
"Hi-hindi." Napipiyok kong sagot at diretsyong nakatingin kay Kaye.
"Sino may gawa sa'yo nito? Bakit ganyan ang itsura mo?" mabilis na umiling ako. "Magsabi ka, Maria! Sinong gumawa sa'yo nito? Bakit may pasa ka sa mukha? Bakit ganyan ang itsura mo? Pinaalam mo bang buntis ka? Alam ba nilang may bata sa sinapupunan mo? Kung may mangyare sa'yo, kasama ang batang dinadala mo! Magsabi ka, Maria! Sino ang may gawa nito sa'yo!" Paulit-ulit na umiling ako. Wala akong balak sabihin kay Kaye ang lahat. Kilala ko ang kaibigan ko. At pagsinabi ko ang lahat natitiyak kong susugod ito sa mansion. Susugudin nito ang byenan ko at tiyak kong magkakagulo at tuluyang ilalayo nila ang anak ko! Napapikit at naalala ang huling pagkikita namin ng matanda.
Malakas na tinulak ako nito palabas ng gate.
"Huwag ka ng babalik pa! Natitiyak ko naman na hindi kay River ang dinadala mo sa tiyan! May tinatago kang kalandian at marami kang nakatagong sikreto sa anak ko! Lumayas ka at huwag ng babalik!" Saka inabot nito ang nakapalipot na host at saka dagling binuksan iyon at pinaliguan ako nito.
"Lumayas ka! Dapat sa'yo lang 'yan dahil marumi kang babae! Paliliguan Kita para magbago ka! Tatawagan ko si River! Sasabihin kong lumayas ka at hindi na babalik. Natitiyak ko naman na kahit anong oras ay kaya ka niyang palitan at pagnangyare iyon tapos na ang problema ko!"
Wala akong nagawa hinayaan ko lang itong tapakan at laitin. Hilam na ako ng mga luha. Wala akong maisagot sa lahat ng sinasabi nito. Ang nasa isip ko lamang ay ayaw kong matulad sa buhay ko nuon. Ayaw kong maranasan ng anak ko ang naranasan namin ng mga kapatid ko na hiwalay ang pamilya at sumama ang tatay ko sa ibang babae. Ayaw ko! Pero paano ko iyon magagawa kung ako mismo ay hindi kayang ipaglaban ang sarili ko?